"Shy! How are you?" Tanong ni Ssanah sa akin pagkadating ko sa classroom.
"I'm fine, " I smiled at her. Hinanap ko si Neo pero hindi ko pa siya nakita.
"Wala pa si Neo. Akala ko andito na pagkadating ko, baka late lang." Umupo na kami sa upuan namin.
"By the way, pwede ka ba mamaya? I need help kase." She faced me.
"For what?"
"It's for the competition." She said at nagtaka ako.
"Huh? Wala kang sinalihan diba?" Nag-ayos ako ng bag para sa unang subject.
"Kuya mo kasi eh." Mukhang naiiyak siya kaya natawa ako. "Wag kang tumawa! Ano ba kase gagawin ko?"
"Eh ano bang gagawin niyo? Tsaka sinong Kuya?" Tanong ko.
"Si Wayne." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano? Si Kuya Wayne?" Tumango siya. "Anong gagawin niyo?"
"May pinost kasi sa bulletin board last week dun sa main hall. Singing competition daw 'tas yung grand prize, shopping spree. Sayang naman yun." Sabi niya kaya tumango ako. "Kaso yung prize na yun, kailangan may kapartner. So, duet. Tinanong ako ng kuya mo kung gusto kong sumali, sabi ko oo kaya ayun nag sign-up kami. First time kong sumali sa ganung competition." Iiyak na yan.
"Kaya mo yan. Shopping spree yung grand prize oh, gusto mo yon diba?" Tumango siya. "Ano bang kakantahin niyo?" Sinearch niya sa phone niya yung kanta nila.
"Eto oh." Pinakinggan ko ito at unang verse pa lang, nagulat ako. "Wait, eto? Sure kayo?"
"English version naman daw eh, sabi niya." Sinearch ko yung English version ng kanta at pinakinggan ko ito.
"Maganda naman ah. Kaya niyo yan" Binalik ko sa kanya yung phone niya.
"So, are you free later? I need to practice."
"Bawal ako eh. Sa bahay, baka pwede ka naman dun. Magpapractice din kami para sa performance namin next week." Napatingin siya sa sinabi ko.
"Oh my gosh, next week na pala! Huhu, ano gagawin ko?" Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Kaya niyo yan." Pag eencourage ko sa kanya.
Maya-maya ay dumating si Neo.
"Hi." Binati kami ni Neo kaya nag-hi na rin kami. "Kamusta ka na?" He asked.
"Okay lang." Nginitian ko siya. Naging close kaming tatlo nila Ssanah at Neo kaya laging kami ang magkakasama. Naging komportable ako tuwing sila ang kasama ko.
"Hoy Neo, cheer mo kami next week ah." Sabi ni Ssanah kaya tumango si Neo. "Wala ka bang sinalihan?" Tanong niya.
"Meron."
"Ano?" Tanong ko.
"Quiz bee." Nagulat kami ni Ssanah.
"Weh?" Sabay naming sabi. Tumango lang siya.
"What time?" Tanong ko.
"After lunch, mga 1:30 daw. Sa auditorium din."
"Kaya natin to lahat!" I said at dumating ang professor.
Mabilis na lumipas ang mga araw, at today's Monday which means ngayon ang simula ng festival.
Nandito kami sa school at naghahanda. Maaga kaming pumasok para sa opening.