Chapter 5 : "Ulol"

398 13 4
                                    

"Ayoko na ng pambata," Jennie said. "Let's play drinking game. Yung mga gustong sumali, gumawa kayo ng bilog tas kumuha kayo ng baso niyo." She instructed.

Sa dinami dami ng umattend, sampu lang ang sumali, kasama na sila Wendy, Lisa, Joy, at Seulgi. "Ang kj niyo letse." Banggit ni Jennie at sumali na siya.

"Ganto, kung kanino tumapat ang bote, siya yung tatanungin, Truth or Dare. Pag hindi nasagot or hindi nagawa, iinom. Game?" Explain ni Jennie at naghiyawan ang mga nanonood. "Sigaw sigaw kayo jan." Sita ni Jennie sabay irap. "Seul ikaw na mag ikot." Sabi ni Jennie. Inikot ni Seulgi ang bote at tumapat ito kay Joy. "Joy, Truth or Dare." Tanong ni Jennie.

"Truth," sabi ni Joy. "Last time, nakita kita sa mall, may kasama kang lalaki. Sino yon? Hatdog na pala nais mo." Tanong ni Lisa. "Joy?" Tanong ni Yeri. "Totoo yon?" Dagdag niya. Joy gulped. "No, si Sungjae yon. Kaibigan ko lang yon. " sagot ni Joy, nakita nilang inirapan siya ni Yeri. Inikot ni Joy ang bote. Tumapat ito kay Lisa. "Ha! Lisa Truth or Dare." Sigaw ni Joy. "Truth." Sagot ni Lisa.

"Sino si NIKI." tanong ni Joy.
"Oy gag*" sigaw ni Lisa, "sino si Niki, Lalisa." Banggit ni Jennie. "Pinsan ko yon." Tuloy ni Lisa. "Ay pinsan mo pala yon. " sagot ni Joy, nagtawanan ang lahat. Inikot ni Lisa ang bote at tumapat ito kay Seulgi. Hindi ito namalayan ni Seulgi dahil nakatitig lamang ito kay Irene. "SEULGI!" sigaw ni Jennie. "Ow?" Tanong ni Seulgi, tinignan niya ang bote at nakitang nakatapat ito sa kaniya. "Seul, Truth or Dare." Banggit ni Lisa. Napalunok si Seulgi, "Truth." sagot niya. "PURO KAYO TRUTH!" sigaw ni Yeri.

"Wala kang pake." Sagot ni Seul. "Ano kayang pwedeng itanong kay Seul?" Tanong ni Wendy. "Ah! Bakit ka naka black? nagusap kayo ni Irene noh!" Sigaw ni Lisa, nakaramdam ng kaba si Seulgi. "H-hindi kaya! Eto lang yung nagustuhan ko." Sagot ni Seul. Inikot ni Seulgi ang bote at tumapat ito kay Irene. Nagkatinginan sila, magtatanong na sana si Seulgi ngunit may lumapit sa amin. "Jen, may tao sa labas." Banggit ni Jisoo. Tumayo sila at tinignan kung sino ang nasa labas.

"Bogum?!" Sabay na sabi ni Seulgi at Irene. "Bat ka andito?" Tanong ni Irene.
"Uuwi ka na." Sagot nito, "Oh! Ms. Kang!" Banggit ni Bogum at lumapit kay Seulgi. Niyakap niya ito, "Rene, tara na." Bogum said, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Irene kaya pinigilan to ni Seulgi. "Why?" Tanong ni Seulgi.

Hindi siya pinansin at tuluyan paring hinatak ni Bogum si Irene. "T*angina, bakit nga?!" Sigaw ni Seulgi. "Nasasaktan siya." Tuloy ni Seulgi. Binitawan ni Bogum ang kamay ni Irene at tinignan ng masama si Seulgi.

"Bakit mo ba ako pinipigilan?" Tanong ni Bogum. "Nasasaktan kasi siya." Sagot ni Seulgi. "Sino ka ba sa tingin mo?" Maangas na sabi ni Bogum, tinawanan lang siya ni Seulgi. Hindi sumagot si Seulgi. "Boyfriend niya ako." Sabi ni Bogum. "Ulol." Sabay na bulong ni Irene, Lisa at Jennie. "What?" Tanong ni Bogum. "Let Irene have fun, ako nalang maghahatid sa kaniya." Seulgi said. "No." Bogum answered.

Wala nang nagawa si Seulgi at hindi na napigilan si Bogum at Irene.

"Kala ko magsusuntukan." Joy said.

Been Waiting For This✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon