Chapter 18 : Tangadan Falls

308 12 1
                                    

Pagdating nila sa entrance ay nagbayad si Sunmi at may lumapit na tour guide sa kanila. Nagexplain ito at nagsimula silang mag river trekking.

"Oh, inggat kayo. Bobo pa naman kayo." Banggit ni Sunmi sa kanila. Habang masa gitna na sila, huminto si Seulgi sandali at uminom ng tubig.

Nagpatuloy sila at pagkatapos ng ilang oras ay nakarating na sila sa falls. "Ang ganda!" Sigaw ni Joy. Agad na tumalon si Lisa sa tubig at sinundan siya nila Seulgi.

"Ang sarap sa katawan ng tubig." Banggit ni Bogum, habang nasa tubig.
"Tara guys, talon tayo." Suggest niya at sumunod sa kanila sila Joy, 
"Huh? Asan si Irene?" Tanong ni Seulgi sa sarili niya at hinanap si Irene.

Natagpuan niya ito sa gilid at nanonood lang habang nasa tubig ang kaniyang mga paa. "Tara, talon tayo." Aya ni Seulgi sa kaniya, umiling ito. "Bakit?" Tanong ni Seul, "mataas yung tatalunan niyo, dito nalang ako." Irene answered,

"Hindi naman mataas yan eh, sasamahan kita. Sabay tayong tumalon." Banggit ni Seulgi, inabot niya ang kamay niya kay Irene. Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi parin tinatanggap ni Irene ang kamay niya.

Nilapitan siya ni Seulgi at nagsalita, "Tara na, sayang." Sambit ni Seulgi at tinignan siya sa mata. Lumapit sa kaniya si Irene at sabay silang umakyat.

Nang nasa taas sila, "Tabi! Tabi! Si Irene muna!" Sigaw ni Seulgi habang pinapatabi ang mga tao. Hindi lang sila ang tao sa falls, "Seul, nakakahiya ka." Irene muttered. Nginitian lamang siya ni Seulgi.

Nakarating sila dulo at umatras si Irene, "ayoko talaga, seul." Banggit ni Irene habang nakakapit sa braso ni Seul. "Sayang naman, umakyat pa tayo." Paawa ni Seulgi.

"Tignan mo halos mapaos na sila kakacheer sayo." Seulgi said, tumingin sila sa baba at nakitang nagchecheer sila Lisa.

Bumwelo sila pareho at sabay silang tumalon. Hindi inalis ni Irene ang pagkakahawak niya kay Seulgi, "Saya diba?" Tanong ni Seulgi sa kaniya nang makababa na sila, tumango si Irene at ngumiti.

"Rene, ang tapang ah!" Sunmi exclaimed, "kasama si Seul eh." Sabat ni Lisa. Lumapit si Bogum kay Irene, "Hindi ka natakot?" Tanong niya kay Irene.

"Hindi." Sagot ni Irene, naligo sila ng ilang oras at pagkatapos ay bumaba na sila.
Habang bumababa sila mayroong mga tindahan at huminto sila saglit para bumili ng pagkain pagkatapos ay nagpatuloy uli sila sa pagbaba.

"Sunmi! Yung tsinelas ko!" Sigaw ni Wendy habang hinahabol si Sunmi, "HOY MAGINGAT NGA KAYO!" Saway ni Yeri. Nilapitan ni Lisa si Seulgi at nagsalita, "Bakit ka nakapaa?" Tanong ni Lisa. "Inagaw nung unggoy." Banggit ni Seulgi habang may malungkot na muka. "May unggoy?" Tanong ni Lisa habang tumatawa, lalo itong tumawa nang tumango si Seulgi.

"Lalisa! Bat mo tinatawanan si Seul?" Tanong ni Jennie, "nawalan ng tsinelas ang bobo." Sagot niya, inirapan siya ni Seulgi at naglakad tuloy tuloy.

"Sa wakas." Banggit ni Bogum, "mas madaling bumaba kesa umakyat." Lisa said, "Tama." Joy replied. Nakababa na sila at nakabalik na sa entrance.

"Magbanlaw na kayo sa banyo tas hanap na tayo nang kakainan." Sambit ni Sunmi at pumunta kami sa banyo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na sila sa banyo at pumasok sa Van.
"Hay puta andito nanaman tayo sa Van." Banggit ni Wendy,

Maya maya ay nakahanap na sila ng kakainan, pumasok sila at umupo.

Nagorder si Sunmi ng mga pagkain, habang inaantay nila ito nagusap usap sila.

"Wendy, Joy at Seul. COD." Aya ni Lisa at naglaro sila, "ang tapang ni Ate Rene ah, diba takot ka sa matataas?" Tanong ni Yeri, "hindi naman ganon ka taas, sakto lang." Sagot ni Irene,

"Weh? Parang kanina ayaw mong umakyat kasi mataas." Yeri replied, tinawanan sila ni Jennie at Sunmi.

"Beach tayo bukas. May kilala ako, may ari ng isang seaside resort dito sa La Union." Banggit ni Bogum, tumango si Sunmi. "Pwede din or swimming tayo sa infinity pool ng Resort na tinutulugan natin." Sagot ni Lisa habang naglalaro. "Night swimming tayo!" Jennie exclaimed.

"Swimming tayo sa Resort tas kinabukasan pahinga tayo then sa susunod na araw tsaka tayo mag beach." Banggit ni Yeri, tumango ang lahat at dumating na ang pagkain.

Been Waiting For This✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon