A Y A M I
Katulad nga ng sinabi ko kahapon, gigising na naman ako na tila ba walang nangyari. May nakakabit pa ring IV sa kamay ko at oxygen mask sa bibig ko.
Para bang naging routine ko na ang pagtanggal ng mga ito at ibabalik lang din naman ng kung sino.
Hindi ba dapat may bantay ako? Para masabi sa nurses or doctors na nagigising ako ng ganitong oras.
"Aya."
Napalingon ako sa may gawing kanan ko. Weird. It felt like that is my name. Sumikdo sa kaba ang dibdib ko.
Biglang may nahulog sa paanan ko. Ang ballpen!
Dali-dali kong kinuha ito at ibabalik sana sa kung saan ito nakalagay nang mapansin kong bukas ang notebook.
Sa may taas na bahagi ko naisulat ang HI pero napansin kong mayroon ng ibang salitang nakasulat dito.
HELLO.
Ako ba ang sumulat dito? I grunt in frustration. Bakit wala akong maalala?
Then the comfort room's door opened and closed as if someone entered it. Haunted ba ang kwartong ito? Kaya siguro walang nagbabantay dito, sa akin.
Naglakad ako patungo dito and tried opening it pero tila wala akong sapat na lakas para gawin ito. Kaya kinuha ko nalang ang remote ng TV at binuksan ito. Kailangan ko na sigurong tumingin ng balita kaso static lang ang mayroon kahit anong channel.
Napansin ko naman ang pag-bukas-sara ng cr kaya napatingin ako uli dito. Wala namang tao. Baka guni-guni ko lang iyon.
I focused myself on the notebook. And tried writing, again.
This time, I wrote the word KUMUSTA?
+ + +
What do you think of this chapter? Share your thoughts in the comment section below. Votes and comments are highly appreciated. ü
BINABASA MO ANG
When The Sun Sets
Short StoryAyami met an accident and wake up in a hospital room not remembering who she is. Then she met a group of people younger than her. One by one, they die. Killed by an unknown creature. Will she be able to get to know who she is and get the hell out of...