Day 3, Thursday

228 17 28
                                    

A Y A M I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Y A M I

Nakahiga na naman ako dito sa kama. May IV na naman sa kamay at oxygen mask sa bibig.

Ganoon pa rin. Walang ilaw ang kwarto pero makikita pa naman dahil sa sinag ng araw.

Ang ganda sigurong pagmasdan ng araw, ano? Kaso hindi ko naman magawa. Pero sino ba ang nagsabing wala akong magawa?

Tinanggal ko uli ang oxygen mask saka ang IV bago dumiritso sa pintuan. Kinakabahan man ay pilit kong ikinakalma ang sarili.

Bubuksan ko na sana nang biglang bumukas ang TV. It made me jumped! Sino ba naman ang hindi mataranta? Ang tahimik tapos biglang may tutunog na static.

Naiirita kong tinanggal sa plug ang wire nito. Bibigyan ba naman ako ng heart attack!

Napatingin uli ako sa vase na may bugkos ng bulaklak. Kanino kaya ito galing? Ni hindi man lang nag-abalang lagyan ng pangalan.

May boyfriend na kaya ako? O asawa? Anyway. Hindi iyan ang priority ko ngayon. I am desperate to know who am I and what the hell happened to me.

I tried opening the door pero hindi umubra. Ayaw ko namang sayangin ang lakas ko so hindi ko na pinilit pa. Umupo ako sa kama nang makita ko ang tila kwaderno sa side table.

I opened it. Bago. Walang laman.

Good. May ballpen.

Nagsulat ako pero dahan-dahan. Medyo masakit kasi ang kamay ko.

HI lang din ang naisulat ko. Pero hindi bale na, may bukas pa naman.

Sumasakit na naman ang ulo ko.

Bukas, gigising na naman ako sa ganitong oras. Na tila ba walang nangyari.

+ + +

What do you think of this chapter? Share your thoughts in the comment section below. Votes and comments are highly appreciated. ü

When The Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon