A Y A M I
Tama nga naman si Cali sa mga rason niya kung bakit siya nagdududa sa akin. Kahit siguro kung ako ang nasa lugar niya, ganoon rin ang iisipin ko.
Pero ano nga ba ang nangyari sa akin? Bakit iba ang nakikita ko sa kanila? I am with them the whole time yet I dreamt of something. And the notebook I handed them yesterday, they saw nothing. Kaya siguro nasabi ni Zara na walang kwenta dahil sa paningin nila, wala itong laman.
Ngayon ay binaybay na naman namin ang kahabaan ng pasilyo. Naalala ko ang sinabi ni Caleb kanina.
"Guys! May naisip ako. Sabi kasi ng mga nakakatanda, babaliktarin natin ang mga suot nating damit kapag pabalik-balik lang tayo sa isang lugar at hindi makaalis-alis."
"Naniwala ka naman?" Pabalang na saad ni Zara.
"Wala namang mawawala, hindi ba?" Cali snorted.
"Fine! Let's do it." Masayang saad ni Macky na sinubukang i-unzip ang zipper ng pantalon niya nang pigilan ko ito.
"Ano ba! May mga babae rito oh. Doon kayo sa labas, pwede?"
Macky grunt in disappointment while Caleb shrugged it off as he went out the room holding Macky.
"Magtalikuran nalang tayo, okay?" I said and they silently nod and follow.
"Done."
"Me, too."
"Me, three."
"Tapos na kami, girls. Pwede na bang pumasok uli?"
Cali opened the door. And then we started to talk what we are going to do.
Totoo siguro ang paniniwalang iyon ng mga nakakatanda dahil hindi na kami bumabalik pa sa dating floor namin, umakyat muna kami sa third floor.
Kakaapak lang naming lahat sa nasabing floor nang bigla kaming makarinig ng tila pagbukas ng isang pintuan. At doon ay may pigurang lumabas na tila hapong-hapo. Isang lalaki.
Napatingin ito sa amin na ngayon ay nangangatog na sa takot, hindi kami makakilos. Walang salitang namutawi sa mga bibig.
"Sino kayo?" Nanghihinang saad nito habang pilit na lumapit sa amin.
"Dito lang kayo. Macky halika, samahan mo ako."
"Teka, Caleb! Bakit ako?"
"Halika na."
Kung sa normal na panahon lang nangyayari, natatawa na ako sa tila pagpipilit ni Caleb na samahan siya ni Macky na tutol naman kaya napingot tuloy ang tenga. At tila batang paslit na nakahawak sa damit ni Caleb habang papalapit sila sa lalaki.
"Galing kami sa second floor. Na-lock din ata kami dito."
"Na-lock? 1 week na mula ako nagising, ngayon ko lang nabuksan ang pintuan. Ewan ko may sa powers ata ayaw mabukas-bukas."
"Pang-second week ko na dito, I mean, I guessed. Hindi namin alam talaga. Something had happened badly."
Caleb waved at us, telling us na lumapit sa kanila kaya sumunod naman kami.
Papalapit na kami nang lumingon sa gawi ko ang lalaki and then I felt it, a familiarity deep inside my heart. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang saya ng nararamdaman ko kahit na hindi ko ito kilala. And my heart is pounding fast, then I saw how shocked he was at tila nagmamadaling tumayo at lumapit sa akin saka walang pag-alinlangan na yakapin ako.
"Totoo ka!"
I was drowned with an overwhelming feeling bago nag-sink-in sa akin ang mga salita niya.
I was about to say my thoughts but Cali interrupted. "What do you mean, totoo siya?"
Napabuntung-hininga ito saka may kinuhang larawan sa bulsa ng hospital pajama nito. "I saw this when I woke up."
There I saw a picture of me, smiling.
"Sa likuran may nakasulat:
Dave,
Yes! I will choose to be with you, forever.
I love you so much.Love,
Ayami"This can't be! Sino iyong tinatawag ko na love kung ito ang pinili ko? O, baka hindi talaga totoo ang lahat ng iyon at panaginip lang?
"Honestly, wala akong maalala. Pero sobrang saya ko nang makita ko ang larawang iyan. Lalo na ngayon na personal kitang nakita."
"So, may posibilad na lovers kayo, ganoon?" Cali asked.
"Well, probably—"
"Yes. I think yes." Caleb pointed at the patient's name. "He is Dave Hamelton."
I looked at him, this time, alam ko na mahal ko ang taong nasa harapan ko.
Ano nga ba ang totoo?
"Well, in that case, pwede naman siguro tayong umalis na, right?" Zara said na tila ba ipinaalala sa amin na iyon ang pakay namin talaga.
"Right. Let's move."
Sumunod kami dito and then the horror happened again. The thing got Zara.
Tila nabinggi ako bigla. Hanggang sa mapatingin ako sa labas ng bintana. Ang ganda ng view, kitang-kita ang sunset.
Nakarinig nalang ako bigla ng tila pagkabali ng mga buto, nakita ko nalang ang putol na katawan ni Zara. Pilit na rin akong inakay ni Dave papalayo doon, sa kwarto niya kami pumasok.
I was shaking intensely as well as Cali and Macky. Caleb and Dave seem to be more calm but the fear is evident in their faces.
"What was that thing?" Dave asked habang hinahagod ang likod ko.
I heard Caleb explaining it to him pero tila wala doon ang atensyon ko dahil si Macky na nakaupo sa gilid ng kama ay tila namimilit sa sakit, doon nakita ko na may nakatusok sa likuran niya.
Tila basag na salamin! "Macky!"
+ + +
How's the flow of the story? Share your thoughts! Your votes and comments are highly appreciated.
Stay safe, you guys! ü
BINABASA MO ANG
When The Sun Sets
Historia CortaAyami met an accident and wake up in a hospital room not remembering who she is. Then she met a group of people younger than her. One by one, they die. Killed by an unknown creature. Will she be able to get to know who she is and get the hell out of...