Dedicate ko ang chap nato sa new follower ko.. hehehe
Hello spiffymejanica123 ^_^
Kaway kaway naman jan .. :D
- - - -
Tyller POV
Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko, it’s already 11:00 in the evening but still hindi parin ako makatulog. F*ck.. bakit ba ako naguguilty.. pakiramdam ko tuloy ako ang may dahilan kong bakit hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Yuri. Aisshhh ang drama naman ng babaeng yon..
Pero bakit ko nga ba ginawa yon kay Yuri? Why did I suddenly feel angry when I saw Yuri and Aeron kissing ? That day I can’t understand myself, I strongly want to kiss her but I ended up teasing her and the worst of all I said some heartbreaking words. Yuri is my bloodline, my prey, my slave.. that means she’s only mine. This is how vampires own properties.
“Kuya totoo ba ang sinabi ni Ate Swiftie na may boyfriend na si Ate Yuri sa school nyo?”
Damn it.. bakit ba paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Samantha kanina. The hell I care sa lovelife ni Yuri.. I grin.. Pero sila na nga kaya?? Aisshh.. the hell I thinking..
Pasalampak akong humiga sa aking kama at malayang pinagmasdan ang ilaw sa kisame.. haisst may pasok na bukas pero wala parin si Yuri (-_- ) Ipinikit ko ang aking mga mata, naalala ko si Yuri, sa halos gabi-gabing pagmamasid ko dito habang mahimbimg itong natutulog ay walang palyang napapagaan nito ang damdamin ko. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang mahimbing nitong pagkakatulog na parang walang problema, na parang inosente sa anumang makasalan at magulong mundong kintatayuan niya ngayon.
Napatuon ang pansin ko sa may pintuan ng makarinig ako ng malalakas na katok.
“Master gising pa po ba kayo?” Narinig ko ang boses ni Heim sa likod ng pintuan.
“Pasok.” Maikling sabi ko.
Pagkabukas ng pintuan inuluwa nito si Heim. Ano naman kayang kelangan nito, hindi naman ako nito aabalahin ng ganitong oras sa walang kwentang bagay lang.
“Master may nangyari sa labas malapit sa gate. Isang taxi ang nakita namin kanina habang nagroronda kami. May patay na tao doon at ... at ilang gamit n-na pakiramdam ko po ay k-kay Yuri.”
Napaupo ako sa kinahihigaan ako ng marinig ang sinabi nito. “Nasaan si Yuri at paano nyo nasabing gamit ni Yuri ang mga yon?” Seryusong tanong ko dito.
“W-wala po si Yuri doon at pakiram---.”
Hindi ko na inintay matapos ang sinasabi nito at nagmamadali lumabas akng lumabas ng aking kwarto para pumunta sa sinabi nitong pinangyarihan.
Nasalubong ko si Swiftie na may dalang isang basong tubig, papasok na sana ito sa kwarto nito ng mapansin ako nito.
“What’s with the rush?” Nagtatakang tanong nito sakin
BINABASA MO ANG
My Vampire Boss
VampireWhat if magkaroon ka ng vampire boss, ano ang gagawin mo? And unexpectedly ay unti-unti ka na pa lang naiinlove sa kanya ? Handa ka bang tanggapin ang pagkatao niya para lang makasama ito o lalayuan mo na lamang ito para sa ikakatahimik ng buhay mo...