Yuri POVMasasabi ng tagumpay ang naging plano namin ni Tyller dahil maayos kaming nakapasok dito sa loob. Maingat naming naiwasan ang mga bantay dito dahil sa pagkukunwaring pagkausap ni Zack dito.
Napakadami pang pasikot sikot ang aming dinaanan bago kami huminto sa isang pintuan.
"We're here, get ready." Tyller said. Unti unti nitong binuksan ang nakasarang pintuan.
Maingat kaming pumasok sa loob. Tahimik at tanging sinag lang mula sa maliwanag na bilog na buwan ang ilaw dito. Napatingin ako sa bandang dula na hindi masyadong naabot ng liwanag ng buwan.
I saw someone there and I think it's Mr. Lindsey. Sopistikadong nakaupo ito sa kulay gintong upuan. Tahimik lang ito na nakatingin samin habang iniinom ang hawak na isang baso ng wine.
Ng maramdaman nila Ace ang presensya nito ay bigla itong lumuhod maliban saming dalwa ni Tyller. Isang hari ang turing nila Ace dito kaya hindi nakakapagtakang ganito ang kilos ng mga ito.
"I'm expecting all of you, lalo ka na Yuri." Ang boses nito ay parang maamong tigre na anumang oras ay pwede kang patayin.
"Hindi ko akalaing makikita ko pa ang anak ng aming dating pinuno. Tapos ka na bang maglabas ng galit sa mga tauhan ko?" He said habang matiim na nakatingin sakin.
"I just want to ask you some question about my parents. Sabihin mo sa akin ang buong katotohanan kung bakit pilit ninyo kaming pinapapatay ng mommy ko." I try to hide the nervous on my voice.
"Desisyon mula sa council ang pag uutos na patayin ka. Mula sa mga magulang ng mga taong katabi mo ngayon." Itinuro ng mga palad nito sila Ace.
"Katulad din ng pangyayari noon sa inyo ng mga magulang mo. Alexander, your father, he's a powerful black vampire na namumuno sa amin noon. Nakakatakot at napaka higpit na pinuno ng daddy mo. Kung sino mang lumabag sa batas nya ay walang patawad nitong pinapatay. Pero unti unting nagbago iyon sa hindi namin alam na dahilan. Madaming nagtaka sa pagbabagong iyon pero ni walang isang nakaalam kung bakit. Hanggang sa isang araw ay nagulat na lang kami sa balitang umiibig ang aming pinuno sa isang tao. At iyon ang iyong ina Yuri." Mapait itong ngumiti sakin.
"Mahigpit na pinagbabawal ang umibig sa isang tao. Isa iyon sa ginawang batas ng iyong ama pero akalain mong sya din pala ang susuway dun. Madaming tumutol na council sa pag-iibigan ng iyong mga magulang at isa na ako doon. Hindi maaring ang susunod naming pinuno ay isang half vampire at half human. Isang malaking kasiraan saamin iyon. Pero sa huli wala kaming nagawa para tutolan ang desisyon ng aming pinuno. Ng ipanganak ka lihim na nag aalsa ang aming mga kalooban sa galit. Lubos na nahirapan ang iyong ina sa panganganak sayo dahilan para manghina ito ng sobra. Walang ibang choice ang iyong ama kundi gawing bampira ang iyong ina para mailagtas ito sa tiyak na kamatayan. At alam mo ba ang sumunod na nangyari?"
Inubos nito ang hawak nitong wine at saka ibinaba ito sa katabi nitong maliit na round table.
"Pinatay ng ina mo ang iyong ama." Matatalim na tingin ang ibinigay nito sakin pero pandalian lamang.
Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko kung hindi ako nahawakan ni Tyller. Nanginginig ang buong katawan ko sa narinig. Hindi ito lubos na matanggap ng isip at puso ko. Impossible ang sinasabi nito.
Mapait na ngumiti si Mr. Lindsey sa akin.
"Para lubos na maging bampira ang iyong ina ay kelangan itong painumin ng dugo ng iyong ama. Pero hindi kinaya ng iyong ina ang napakalas na dugo ng isang black vampire. Nawalan ito ng kontrol, she devour all of your fathers blood until she gets satisfied. That's why I kept telling your father that human should never be turn into a vampire. Bumalik na lang sa katinuan ang iyong ina noong patay na ang iyong ama."
BINABASA MO ANG
My Vampire Boss
VampiroWhat if magkaroon ka ng vampire boss, ano ang gagawin mo? And unexpectedly ay unti-unti ka na pa lang naiinlove sa kanya ? Handa ka bang tanggapin ang pagkatao niya para lang makasama ito o lalayuan mo na lamang ito para sa ikakatahimik ng buhay mo...