Chapter 20

229 10 0
                                    

Third-person POV

Sinubukan habulin ni Evan si Mads matapos nitong lumabas sa resto ng pigilan siya ni Chase.

"Niall, I think its time for me to fix my mess. Ibalato mo na sa akin toh," sambit ni Chase habang nagmamakaawa sa dating kaibigan.

"Fine," tila napilitang sabi ni Evan.

Nang makalabas si Chase pinuntahan niya ang coffee shop ng magkakaibigan dahil may hinala siya na kaya nagkakaganto si Mads dahil sinabi na ng mga ito lahat.

Nang makarating siya do'n hinanap kagad nito si Trixie pero ang nakita niya lang doon ay si Ria kaya agaran niyang hinarap ang dalaga.

"Ria nasaan si Mads? Ilabas niyo siya alam kong tinatago mo siya," mahinahong sabi nito na may halong pagbabanta ang tono.

"Ano ba Chase! Wala dito si Mads at hindi ko siya tinatago," matapang na sambit ni Ria na may halong panlilisik ang mata pero agad iyon napalitan nang pagkagulat dahil kinabig siya ni Chase at madiing hinawakan ang mga braso ng dalaga.

"Sabing ilabas mo si Mads. Paghindi mo siya inilabas mapipilitan akong—,"

"Ano?! Ilabas ang mga baho namin?!" matapang na pagputol ni Trixie sa mga sasabihin ni Chase habang siya ay pababa ng hagdan.

Buti na lang puro staff niya nalang ang natira rito kung hindi gagawa sila ng malaking eskandalo pagnagkataon. Sambit ni Trixie sa kanyang sarili.

"Oh, Ano?! ba't di ka makapagsalita ngayon? Gulat ka noh," sambit nito habang papalapit sa pwesto ng kaibigan niya.

"Get your hands off to Ria or else I'll sue you for blackmailing us and trespassing on a private property," Kalmado ngunit may pangigil na sambit ni Trixie.

Chase let go of Ria and look at Trixie deadly, "Tell me, where is she?!"

"Why would I tell you? Balak mo ba siyang paikotin ulit sa mga kamay mo? You are fucking too late Chase dahil alam niya na ang lahat. Alam niya kung gaano kabasura at kabaho ang pagkatao mo. Alam niya na kung paano mo siya trinato na baboy this past few years. Alam niya na kung paano mo, niyo, siya niloko this past few years. Kung sa tingin mo matatakot mo pa ulit kami ni Ria para manahimik well sad to say hindi na. Hindi na kami magpapauto sa isang taong tulad mo na tangina!" tila naghabol ng hininga si Trixie matapos niya sabihin ang matagal niya ng gustong sabihin sa lalaking toh. Kung dati nagpagamit sila well ngayon hindi na dahil isang katangahan ang magpaggamit sa taong sinungaling at manloloko... 

"Mabuti pa Chase umalis ka na. Wag mo ng hanapin si Mads dahil alam natin na hinding hindi na yon magpapakita sayo matapos ang lahat ng ginawa mo sa kanya. Hindi ka na niya mapapatawad," sambit ni Ria.

"You're lying... hindi matitiis ni Mads na hindi ako makita dahil ako ang tunay niyang mahal hindi si Niall. At yung anak niya na si Chance... Anak ko yun... May anak kami kaya hindi niya ako iiwan dahil babalika niya ako. Mahal ako ni Mads at alam niyang ginusto namain ang nangyaring pagtratraydor niya sa asawa niya noon dahil mahal niya ako at may anak kami,"

"SABING TUMIGIL KA NA!," hindi na napigilan ni Ria sigawan ang binata. 

Tila nagulat naman ang mga staff sa paligid niya dahil kilala ang dalaga bilang mahinhin at mahaba ang pasensya.

"Tumigil ka na Chase! Itigil mo na ang kahibangan mo sa kaibigan namin. Hindi ka na niya mahal dahil simula ng iwan mo siya binura ka na niya sa mundo niya pero tangina, bumalik ka. Akala nga namin noon mahal ka ni Mads pero nung maghire kami ng investigator doon namin nalaman lahat. Na hanggang ngayon ginagamit mo pa rin si Mads di lang para makaganti sa kaibigan mo kundi para gawing parausan yung kaibigan namin. Grabe na yung dinanas ni Mads dahil sayo Chase kaya please tumigil ka na dahil kapag hindi ka pa tumigil wala kaming magagawa kundi ipaaresto ka ng sapilitan sa mga pulis na nagaantay sayo sa labas," naguguluhan si Chase sa sinabi ni Ria sa huli kaya bumaling ang tingin niya sa glass door at nakita niyang hindi nagbibiro ang dalaga.

Love Full of LiesWhere stories live. Discover now