Chapter 16

309 11 0
                                    

Kasalukuyang inaasikaso ni Mads ang pagleave niya sa Biomedise para sa treatment niya nang biglang pumasok si Lance sa opisina niya.

"Mads, busy ka ba?"

"What do you think?"

"Sabi ko nga. I just want to take you out for a coffee; I just want to give you something,"

"Just give it to me Lance, I don't have time for chatting Chase is waiting for me downstairs,"

Chase and Mads have been close this past 2 days dahil ang lalaki ang umaasikaso sa kanya sa mga oras na wala ang kanyang asawa. Pero hindi dahil doon kung bakit sila naging close. It's because of what Chase said to her bago madischarge ang anak niya sa MMC.

Kasalukuyang umiiyak si Mads dahil hindi pa rin pumapasok sa isip niya na umalis ang kanyang asawa. Alam niyang hindi business trip ang dahilang kung bakit wala ito sa tabi niya. She new that kaya wala ito dahil nakalagay sa contract na pinirmahan ng asawa ang paghiwalay sa kanya ng ilang araw at maaring lang itong bumalik pag nagkaalala na siya.

Yeah, it's sound ridiculous sino ba namang ospital ang maglalagay sa contrata na palayuin yung asawa para makaalala ito.

She had a gut na kagagawan ito ni Chase so she planned too pakisamahan na lang ang doctor para walang gulo.

Chase was listening to Mads sobs. He has been standing at the room door on half-hour at patuloy pa rin sa pagiyak si Mads hindi ito tumitigil kaya napagpasyahan ng binata na pumasok.

Mads stops crying when she heard the door opened and she saw Chase comes in.

Chase gave her a paper bag and she looks at it and saw some food.

"The nurse told me after umalis ni Evan di ka pa raw kumakain kaya ayan naisipan kong  dalhan ka,"

"Salamat pero di ako gutom," sabi Mads sabay tayo at pumunta sa mini kitchen para uminom ng tubig.

Napabuntonghininga nalang ang binata sa inasta ni Mads.

"Mads, you need to eat its been 2 days since umalis si Evan at yon ang huling kain mo. Wag mo namang itapon buhay mo kailangan ka pa ng anak mo. Kailangan pa kita, kaya kumain ka na,"

Nalilitong lumingon si Mads kay Chase... Tila bang parang may mali sa sinabi ng binata.

"Alam mo ang OA mo," panimula ni Mads, "Kakain naman talaga ako kung pwede kaso fasting ako ng dalawang araw para sa treatment ko," eto yung dahilan kung bakit ayaw ni Mads tanggapin yung treatment kasi magfa-fasting siya for 48 hours kailangan daw yon para mabilis umepekto yung gamot.

Labis nalungkot si Mads kasi di niya makakain yung mga pagkain na dinala ni Chase halos mga paborito niya pa naman ang mga yon.

"Ganun ba? So bibigay ko nalang toh sa mga intern sa baba baka mas kailangan nila nito," sambit ni Chase saka akmang hahakbang palabas ng marinig nito si Mads.

"Chase pwede bang ikaw muna umasikaso sa fees ni Chance di ko kasi magawa medyo nanghihina ako eh,"

"Sure," saka tumango. "Ahm, Mads can we talk later?"

Tumango si Mads bilang pagsangayon.

Lumabas na si Chase at pumunta sa registrar para ayusin ang papers ni Chance.

Habang si Mads naman patuloy na nagiisip ng paraan kung paano siya makakaalala ng mabilis para makauwi agad ang asawa.

Nasa kalagitnaan ng pagiisip si Mads ng may pumasok sa kwarto akala niya si Chase kaya di niya pinansin pero ng marinig niya ang isang mahinhin na boses agad niya itong nilingon at nakita  ang isang babae na tila pamilyar sa kanyang paningin.

Love Full of LiesWhere stories live. Discover now