Chapter 11
Author’s Note: heyya! Sorry po sa mga errors, hindi ko na po kasi binasa ulit yun, pero this chapter po parang wala na yatang error. Hindi ako sure. xD
6:03am
It’s a beautiful Sunday morning… bumangon na ako at niligpit ang kama ko. Nakita ko ang phone ko na biglang tumunog at agad ko itong kinuha.
*One message received*
From Zach ♥
Good morning my princess. :*
Agad kung pinindot ang reply button
To Zach ♥
Good morning. Ang aga mo ha?
At agad namn akong nakatanggap ng reply nya
From Zach ♥
Haha. Inspired eh J yayain kita sana para magsimba, pwede ka ba? Oo na yan! Papunta na ako dyan. See you!
Nataranta ako sa nabasa ko
Reneplyan ko sya
To Zach ♥
Sa susunod sabihan mo ako kaagad! Okay?! Maliligo pa ako!
Hindi ko na hinintay ang reply nya at naligo na ako kaagad.
Wala naman yatang masama kung hmmm, sige na nga sabihin na nating date to, kasi nakapag desisyon na ako, alam ko matagal tagal ding naging tanga ako, siguro namn habang alam ko pa na wala namang kasiguradohan ang tungkol samin ni Matt, kailangan unahan ko na sya, I mean yung sakit na makukuha ko kung aasa pa ako sa kanya, siguro dapat ko na ring sabihin sa kanya na malaya na sya at hindi na ako aasa pa kailanman sa kanya, alam ko nandyan naman si Zach, matagal na rin na gusto ko sya hindi ko lang talaga binigyan ng pansin ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon alam ko namang mahalaga ako sa taong to at mahalaga rin sya sakin, maybe this is the perfect time for us.
Matapos maligo binasa ko ang reply ni Zach,
From Zach ♥
Teka princess, may dadaanan lang ako ha? Hintayin mo ako dyan.
“haayy salamat” napasabi ko, nakakahiya naman kasi paghintayin pa ng matagal yung tao.
Pinindot ko na ang cancel button at dumiretso na sa cabinet para makakuha ng damit.
Pinili kung mag dress na kulay yellow na may design na butterfly… teka? Flower yata to, ewan bsta may design na flower or butterfly, hindi naman sya kaiklian, ayoko kasi ng maikling damit feeling ko kasi parang wala akong damit nun, at sinuot ang color light brown na doll shoes…
Natapos na akong magbihis at may na receive akong text galing kay Zach,
From Zach ♥
Dito na ako sa labas, pupuntahan na kita.
Reneplyan ko sya kaagad,
‘hindi na, tapos na naman ako, ako nlng pupunta dyan.’
Pinasok ko na ang phone ko sa bag ko at binuksan na ang pinto. Ginamit ko na ang elevator para mabilis na makababa, pagkalabas ko pumunta na ako ng parking lot at nakita ko na ang sasakyan nya, bumaba sya sa sasakyan nya at kumaway sakin, naka red shirt sya at nka pants suot nya ang isang itim na sapatos.
Kahit anung isuot nya, ang gwapo nya talaga…
“hey my princess” lumapit sya sakin
Tumingin ako sa kanya “hindi princess pangalan ko” nilagpasan ko sya at dumiretso sa sasakyan nya, binuksan ko ito at sumakay na ako.
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceWritten by: TheGirlYouShouldCall Please help and vote me. This is my First Written story sa buong buhay ko yata? xD pagpasensyahan nyo nlng po sana mga error at tulungan nyo po akong i correct mga yun. salamat po.