Day 5

395 50 12
                                    

MIRACLE POV.

Friday na ngayon at kukuhanan kami ng sukat para sa isusuot namin sa play. Tapos na ako sukatan kaya naka upo na ako.

Sinimulan kong basahin ulit yung script. Kabisado ko na ito pero kailangan paulit ulitin lara d ko makalimutan.

Ang play ay tungkol sa isang babaeng at lalaking Mag kasintahan. Tutol ang lahat sa pag iibigan nilang dalawa at Mag kakahiwalay sa huli. Sa pangalawang lag kakataon ay sila'y mag tatagpo muli at mag kakabalikan pero Madaming hahadlang sa pag iibigan nila kaya mag kakahiwalay sila ulit  at kahit mahal pa nila ang isat isa ay hindi na pwede. Lilipas ang tatlong taon at mag kikita sila sa burol kung saan sila nag katagpo. Ang babae ay ikakasal na at buntis na at kilala bilang isang sikat at high paid author at meroon ng magandang buhay.  samantalang ang lalaki ay kasal na at may isang anak.

THE UNTOLD STORY OF MONICA.

Iyan ang title ng Gagawing play namin.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Sabi ni Raizer hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Binabasa ko lang yung script.... nakakalungkot pala talaga ang kwento nila." Sabi ko.

"Hmm.... Miracle pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya.

"Hindi pwede." Sagot ko.

"D ba dapat ang tanong mo muna eh kung saan bago ka nag isip kung papayag ka ba o hindi?" Biglang nainiss siya.

Eh sa hindi ang sagot ko eh.

"Eh ayaw ko samahan ka eh." Sabi ko.

"Ayaw mo ako samahan o ayaw mo ako kasama?" Naiinis na tanong niya.

"Both... ayaw kita samahan dahil ayaw kitang kasama." Sagot ko.

"Walang preno yang bibig mo alam mo ba iyon?" Inis na sabi niya.

"Mahal kasi ata mag pakabit ng preno sa bibig d ko afford." Natatawang sagot ko.

"Alam mo... wala ka talagang sense kausap." Sabi niya.

Natatawa ako sa muka niya dahil naiipon sa gitna ang kilay, mata, ilong at bibig niya. Hahaha.....

"Wala palang sense kinakausap mo pa hahaha..." sabi ko.

"Ewan ko sayo jan kana nga." Sabi niya at tumayo.

"Pikonin." Sabi ko.

Hindi nman ganun kalala ang ginawa ko sa kanya well compared sa mga ginagawa niya sa taong binubully niya wala pa doon ang pang aasar ko. Ansakit niya kaya mag salita. Yung schoolmate namin nung 1st year naka tsinelas lang pumasok inasar niya na taga bundok. Siraulo eh sa bundok kami nakatira eh. Akala mo siya hindi ang lakas mang asar. Palibhasa kasi sa isang taon nakakailang palit siya ng sapatos. Eh bakit hindi niya ibigay yung mga pinag lumaan niya dba? Masyadong magastos. Matapobre at feeling Sobrang yaman. Kaya naiinis ako sa kanya dahil halos pare pareho lang nman kami dto sa school galing sa mahihirap na pamilya. Kung meroon mang may maayos na kasuotan sa amin hindi nman din ganun ka yaman.

Pero ang mas nakakainis ipinag mamayabang kasi ni Raizer lahat ng meroon siya. Masyadong mayabang at napaka sama ng ugali. Pero kung tutuusin oo nga't planstado ang uniform niya. Naka Black shoes at maayos ang buhok. Malinis tignan at mabango. Pero masama nman ang ugali. Yang kayabangan niya hanggang dto lang iyan. Pag iyan napunta sa maynila at Doon nakapag aral. Babalik lahat ng sinasabi niya sa kanya.

Ibinaba ko ang script sa upuan ko at tumayo. May 15 minutes break daw kami bago mag proceed sa Practice.

Pumunta ako sa canteen at nakasalubong ang ibang tropa ni Raizer kaya umiwas ako ng daan. Hanggat maaari iniiwasan ko sila masasama kasi ang ugali nila.

THE 32 DAYS WITH YOU[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon