MIRACLE POV.
Lutang parin ako sa mga ngyari kagabi. Ang lalim lang kasi ng inisip ko hindi nmaan kasi biro ang sinasabi ni Raizer. Hindi biro ang isang relasyon.
Wala sa sarili akong nakarating sa school. Mas nakadagdag sa isipin ko ang pag dating ni kathy. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Balik kami sa practice sa play kaya excuse kami buong araw sa klase.
Nilapag ko ang mga gamit ko sa upuan at tumunganga na lang. Nakakainis Si kathy nanaman.... HAYSTT Sigurado na akong nalilito lang si Raizer sa amin. Ilang lingo pa lang nman niya ako nakikilala.
Maya maya pa ay dumating na ang iba sa amin at syempre nandito na si Raizer.
"Sabi ko susunduin kita sa inyo eh." Sabi niya at tumabi sa akin.
"Sinabi ko na hindi....."
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"MIRACLE.... Yun ang tingin mo sa panliligaw. Ang sa akin hayaan mo akong manligaw ngayon para kilalanin kita. Oo gusto kita ngayon pero sa tingin ko ikaw na ang mahal ko kasi iba na ang nararamdaman ko sayo. At hindi ko ikukumpara ang nararamdaman ko sayo kay kathy. Dahil iba ka sa kanya. At isa pa hayaan mo ako manligaw dahil sa tingin ko mahal na kita ngayon at sigurado ako doon. Pero tulad ng sabi mo. Hindi sapat ang gusto kaya mahal naa kita ngayon at gusto kong mas mahalin ka pa kapag d mo nagawa ang mga nagustuhan ko sayo. Edi mag hahanap pa ako ng ibang dahilan para magustuhan at mahalin ka pa lalo." Sabi niya.
Ghad! Ano toh? Official Confession niya na?
"At ano nmang ibang dahilan iyon?" Sinikap kong maging normal lang ang sagot.
"Yung dahilan na ikaw si Axrien Miracle.... Sapat na iyon na dahilan." Sagot niya at kinindatan ako.
"Anong ibig sabihin nun?" Takang tanong ko.
"Dahil nag iisa ka lang at wala ng ibang tulad mo." Ngiti niya.
"Ayieeeee........." Ngayon ko lang napansin na sa amin na ka tingin ang mga kasama namin.
Hindi pwe pwede ito....bago pa ako maka sagot ay nag salita na siya.
"Anyways hindi ko nman kailangan ng permission mo sa panliligaw ko gusto ko lang sabihin para aware ka nman at malaman mong hindi ako nag jojoke ha?" Sabi niya at naupo na sa upuan ko.
"Gosh...girl so totoo nga?" Sabi ni aira.
"Ang alin?" Sabi ko.
"Nanililigawan ka ni Zane alam mo bang ang sabi ni Tristan ay inatras na ni Zane ang dare sa kanya. Gosh hindi ko akalain na ganun ang usapan nila pero buti na lang at nadali mo sa ganda mo ano bang ginawa mo at parang nabaliw bigla si zane hahaha....." Madaldal na sabi niya.
Sa totoo lang walang pumasok sa utak ko sa dami ng sinabi niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang salitang dare?
"Anong dare?" Sabi ko.
Nanlaki nman ang mata niya at tumalikod sa akin.
"Ano mag memorize papala ako ng script." Sabi niya.
Pero palabas siya ng theater room kaya sinundan ko siya. Pero pag labas ko nakita ko si zane na kausap si KATHY?
Akala ko nasa loob na si Zane anong ginagawa niya dto?
Hindi ko ugaling makinig at gusto ko kausapin si aira tungkol sa nalalaman niya pero pag talikod ko sa gawi nila Zane ng marinig ko ang pangalan ko.
"Zane nman alam kong dare lang si Axrien.... Sinabi na sa akin ni Robert ang lahat. Hindi nman totoong si Axrien ang mahal mo hindi ba?" Rinig kong sabi ni kathy.
BINABASA MO ANG
THE 32 DAYS WITH YOU[COMPLETED]
Fiksi RemajaAxrien Miracle Soriano. Isang nobody.... walang inatupag kundi ang puro pag aaral lamang.... sa kabila ng ganoong pamumuhay.... mag babago ang pananaw niya sa buhay bago matapos ang 32 days. Raizer Zane Alfonso. Kilala dahil sikat at varsity player...