" Napakaganda, Parang Ikaw Amelia " puri ni Madam Gina na sinuklian ko Ng matamis na ngiti
" Salamat po Madam " Sabi ko at nag paalam na Ito.
Today is Sunday kakatapos Lang Ng Misa agad akong dumaretcho dito sa aking Flower shop, buti nalang naasikaso lahat Ng tauhan Kong si Natalie Ang mga customers.
Tuwing Sunday kinukuha Ng mga customer Ang mga bulaklak na pinapagawa nila, Mano Mano ko itong ginagawa at Hindi ko pinapagawa sa iba, biro nga ni Natalie perfectionist daw ako. Pero tinuturuan ko na din si Natalie in case na Wala ako
Si Natalie ay working student 19 years old palang sya, at kasalukuyang nasa Second year college Nakita ko Ang determinasyon nya at Mabait siyang Bata nagkakasundo din kami pagdating sa kalokohan pero pag sa trabaho naka focus sya lagi. Nakikita ko talaga na Magiging successful sya balang araw.
Si Madam Gina naman ay Suki ko na at di pumapalya Ang Every Sunday na order nya Ng bulaklak, lagi nyang pinapareserve Ay tulips, Isa syang Lawyer nasa 55 na ata sya pero halata na maganda sya noong kabataan nya
" Haayyy natapos din " dinig kong Sabi ni Natalie napailing Naman ako sakanya dahil pagod na pagod syang humiga sa sofa
" Oyy Ghurl tumayo ka jan bigyan mo ng tubig ang mga Mahal mong roses " natatawa Kong Sabi pero sumunod Naman sya agad
May alaga kase syang Red Rose dito sa Shop ko, di Yun binebenta maraming gustong bilhin yon pero ayaw talaga ni Natalie, maganda kase Ang pag aalaga nya sya mga rose na yon at nakakadagdag sa ganda Ng flower shop ko.
Ten years ko Ng pinapatakbo Ang negosyo Kong Ito, at nagpapasalamat talaga ako dahil Hindi Ito Magkakaroon Ng malaking problema.
15 years old ako Ng mamatay Sina Mom at dad dahil sa isang aksidente, nag crash kase Yung Private plane na sinakyan nila galing sa business trip sa Brazil.May Isa akong kapatid na lalaki mas matanda sya sakin Ng dalawang taon may Pamilya na sya may maganda at Mabait na Asawa at May tatlong anak, si kuya Anthony Ang namahala sa Business na iniwan ni dad at mom, nakatira sila ngayon sa New York dahil dun Ang business namin.
Noong 17 ako Binigay ng Lola ko sakin itong Flower shop ako na nag manage non, si Lola Felly Ang nag aalaga saamin pag nag a-out of town Sina dad, magulang ni dad si Lola Felly at sobrang close talaga kami dahil lagi kaming dinadala ni Lola sa flower shop nya at spoiled talaga kami sa pagmamahal nya noon, 35 years na Ang Flower shop na to, Ang tanda na no? Matanda pa sakin pero namatay din si Lola noong 17 ako.
" Pagkatapos mo mag ligpit uwi ka na ha, mag aral wag maghanap Ng fafabols Hahahaha " bilin ko Kay Natalie habang inaayos Ang mga gamit ko.
" Ma'am naman, sa ganda Kong to? Hindi ako nag hahanap no, ako Ang hinahanap Hahaha " sagot nya at nag tawanan na kami
Pagkatapos Kong ayusin Ang gamit ko ay sinakbit ko na Ang bag ko at nagpaalam na Kay Natalie, sya Ang nag sasara Ng shop at ako Naman Ang nag bubukas, malapit Lang Ang apartment nya sa shop pinapatuloy ko nalang sya sa bahay pero ayaw nya, nahihiya siguro.
Sumakay na ko Ng sasakyan at Dumaan muna sa Grocery para bumili Ng konting Stocks, Dumaan na din ako sa Jollibee para bumili Ng Tatlong Coke float at Fries
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Nay Wilma at Nay Selly, mga kasama ko sila sa bahay nasa 40's na sila ni recommend sila saakin ni Ate Jacky na Asawa ni kuya, at noong nag migrate na Sina kuya Sa New York Sina nay Wilma at Selly nalang Ang nakasama ko sa bahay na to.
" Hi Nanays! " Bati ko sakanila
" Oh Amelia Tara sa kusina mag miryenda muna tayo gumawa si Selly Ng Empanada " Sabi ni nay Wilma