Chapter 4

6 6 0
                                    

May appointment ako ngayon sa Villafuerte Code, ibibigay ko Yung ilang papers at eexplain ko din Yung ibang bagay sakanila, medyo kinakabahan ako kase first time ko sa mga ganito di kase ako sanay sa mga formal na usapan.
Nag usap na din kami ni Kuya Kung ano Ang Dapat Kong gawin kaya planado na lahat kailangan ko nalang mag mukhang presentable at Kailangan Hindi ako magkamali baka pektusan ako ni kuya

Kakatapos ko Lang maligo nagbibihis na ko ngayon, sinuot ko Yung White na dress na binili ko, sleeveless sya na fit sa top part tapos A-Line skirt Yung sa bottom, pinatungan ko Ito Ng Business coat na black, pinarisan ko Ito Ng Black Na doll shoes, naglagay ako Nag powder Lang akong konti, konting blush on at Lip gloss, hinayaan ko nalang Ang aking bagsak na short hair, and lastly nag spray na ko Ng pabango, oh Ganda ko

Lumabas na ko Ng walk-in closet ko, nadatnan ko si Franx the ghost, Ganon parin sya naka business attire parin at desente parin Ang ayos, naka sandal Lang sya sa may pinto, napatingin sya Ng lumabas na ko tinignan nya ko Mula ulo hanggang paa tapos tumango sya Ng bahagya, usshhuu nagandahan Lang sya sakin

" Kaya mo naman pala mag mukhang Tao, bat di mo araw arawin? " Sinimangutan ko sya at di nalang sumagot kinuha ko na Ang bag ko at mga papers na dapat dalhin, Pag uwi don nalang siguro ako kakain

Ni lock ko na Ang mga dapat e lock at pinaandar ko na Ang sasakyan at tinahak na Ang daan papunta sa company Ng Multo na kasama ko ngayon, tahimik Lang sya na tumitingin sa mga dinadaanan namin

" Sino pala makakausap ko nyan, diba comatose ka? " Tanong ko

" I don't know " sagot nya, napairap nalang ako sa walang kwenta nyang sagot na Napakalaking tulong -_-

40 minutes din Ang naging byahe Mula sa bahay tapos traffic pa, buti nalang Hindi ako Yung Tao na nagpapa late sa mga appointments.
Nagpark na ako at bumaba na sa sasakyan lumusot na din sa sasakyan si Franx at mas naging seryoso Ang mukha, Kung Ito Magiging boss ko siguro mag resign nalang ako

Pumasok na ko sa Sosyal at pagkataas taas na building na to, pag pasok ko super organize Ng lahat kahit saan ka tumingin Malinis Ang makikita mo, pumunta ako dun sa may gitna Kung saan Yung mga empleyado

" Hi Good Morning, I have an appointment with the President "  I said and smiled politely, the girl smiled back

" Sadly President Villafuerte is in coma, But Ma'am Fritz is in charge and she's with the President's Fiancé right now, but you can proceed to the President's office at the 35th floor " Sabi Nung girl

" Thank you " Sabi ko at umalis na, dumiretcho na ko sa Elevator at dumiretcho na sa sinabi Nung babae

-_-

-_-

Ang taas Naman, makarating pa kaya ako sa oras neto, buti nalang Wala akong kasabay sa elevator bukod sa multo na to.

" Fritz is one of my twin sister, it will be easy for you to Talk to her, she's kind and approachable but don't ask her questions she hate that, just go straight to the point ayaw nya Ng paligoy ligoy " napatango Naman ako bilang sagot mabuti na Yung sinabi nya makakatulong na yon

" How about your fiancé? " Tanong ko baka kase sakanya ako magka problema

" Mahinhin sya at Mabait di Naman sya Kasale sa meeting nyo pero baka mag suggest sya, don't worry about her " napatango ako ulit sa sagot nya

* Ting!

Bumukas na Ang Elevator at bumungad sakin Ang 35th floor na kumikinang sa sobrang linis, may isang Pinto Lang akong Nakita Yun na siguro Ang office.

Diretcho na Kong naglakad nasa likod ko Lang si Franx, tinignan ko Ang mga papers na hawak ko pero sa di inaasahang pangyayari may naka bangga saakin kaya nahulog ko Yung mga papers buti nalang Hindi sila kumalat dahil naka portfolio naman.

Before You Go (✓)Where stories live. Discover now