" Ma'am Amelia, tignan mo Yun, I think ka age mo Lang, tall and handsome bet mo ba? Kukunin ko na number? " Tanong ni Natalie Napa Iling nalang ako sa kalokohan Ng batang to
Nandito kami ngayon sa mall, medyo puyat pa ko dahil sa mga napag usapan namin ni Franx the Ghost, Hindi ako nakatulog Ng maayos kakaisip, puro negative lahat pumapasok sa isip ko Dagdag mo pa Yung nakakakita ako Ng Multo at kinakausap ako. Sa tanda Kong to ngayon pa nagulo buhay ko.
" Natalie Naghahanap Tayo Ng Damit Hindi Boys " Sabi ko sakanya at Hinila sya sa Isa boutique sa loob Ng mall
Natatawa syang sumunod at nag tingin tingin na kami, gusto ko bumili Ng dress para sa Christmas, bibili ko na din si Natalie.
" Ay pusang gala! " Nagulat ako Ng biglang lumitaw si Franx sa harap ko Ng hawiin ko Ang mga dress na naka sabit.
" Ano ba, bat ka ba nanggugulat " Sabi ko habang masama syang tinitignan
" You need to go home, I made a plan " sagot nya, pesteng lalaki to makapag utos kala mo naman Kung Sino
" Later " I said at hinawi Yung mga damit tapus sumulpot nanaman sya kaya Napa irap ako
" No, go home now " Sabi nya, naiinis na talaga ako sa lalaking to
" Franx ano ba! Uuwi din a--- "
" Ma'am Amelia Sino kausap mo? " Di ko na natuloy Ang sasabihin ko Ng bigla akong kalabitin ni Natalie, tinignan ko si Franx na ngayon ay Parang nang aasar, shocks baka ako Lang pala nakakakita sakanya, baka isipin ni Natalie nababaliw na ko
" Ah kase... Ah kumakanta Lang ako hehe " palusot ko tumango Naman sya
" May napili ka na ba? " Pag iiba ko Ng usapan tapos masaya nyang tinaas Ang isang Pastel Green na Dress, bagay sakanya
" May napili na din ako Tara na bayaran ko na " Sabi ko at Hinila na sya palayo don
Isang white na dress Ang napili ko, binayaran na namin yon at umalis na kami, nagtaka si Natalie bat nag mamadali ako, nag take out nalang kami sa isang fast food at hinatid ko na sya
Di parin nawawala Ang inis ko sa Franx the Ghost na yon, kakainis panira Ng lakad ano gagawin ko sa bahay naiinip Lang ako dun.
Ng mahatid ko si Natalie ay pinaharurot ko Ang sasakyan pauwi, pabalibag Kong Binuksan Ang pinto at pabagsak akong humiga sa sofa sa Sala at pumikit.
Kakainis talaga usapan namin wag syang utos Ng utos pero bat ba ko sumusunod? Sino ba sya? Multo Lang naman sya Hays kakainis talaga panira Ng lakad. Di tuloy kami nag enjoy ni Natalie.Kung di ko Sana Nakita Yung nangyari na yon, Edi Sana di na ko hinabol Ng mga Lalaking may mga baril, di pa nga ko sigurado Kung ligtas pa ko eh, tapos heto ako ngayon napipilitang tulungan Mabuhay Ang isang multo, napipilitang Sumunod para sa pansarili nyang kapakanan.
0_0
* Bogsh!
Nagulat ako Ng buksan ko Ang Mata ko Ang lapit Ng mukha ni Franx sa mukha ko, sa sobrang gulat nahulog pa ko sa sofa Ang sakit tuloy Ng balakang Kong bwisit talagaaa
" ANO BANG PROBLEMA MO! KANINA KA PA HA! " Bulyaw ko sakanya Napa irap Naman sya, umupo na ulit ako sa sofa, nasa magkabilang dulo kami, buti nalang medyo mahaba Ang sofa, pero kahit gusto ko syang Saktan di ko Naman sya nahahawakan
" Ang ingay talaga " bulong nya pero Narinig ko Naman kaya binato ko sya Ng unan pero as usual tumagos Lang Ito sakanyan
" Pwede ba sabihin mo nalang Yung Pinaplano mo para matapos na to " naiirita Kong Sabi
Lumapit Naman sya Ng konti