" STOOOOOPP!!! " Napabalikwas ako at kinapa Ang katawan ko. Panaginip Lang pala
Nanaginip kase ako na pinag babaril ako ehNapatingin ako sa pinto Ng nagmamadali iyong buksan ni nay Wilma, lumapit sya sakin at umupo sa Kama ko
" Ayos ka Lang ba Amelia? Narinig kase kitang sumigaw habang nag lilinis ako sa kabilang kwarto " tumango Naman ako bilang sagot
" Wag mo Ng isipin Yung nangyari kahapon, Sinuyod Ng mga pulis kagabi Yung gubat at Nakita nila Yung lalaki na pinag babaril sa gubat, sinugod na sya sa hospital Hindi ko Lang Alam Kung ano Ang kalagayan nya ngayon " paliwanag ni nay Wilma, so Hindi pala panaginip Ang lahat, mabuti naman dahil natulungan Yung lalaki
" Wag ka Ng mag alala pa, bumaba ka na at kakain na " Sabi nya at tumayo na
Pagkalabas ni Nay Wilma ay tumayo na ko at naligo, di ko maiwasan Ang di natulala Ng ilang minuto pag naaalala Yung mga nangyari, Ang daming pumapasok sa isip ko Lalo na Yung panaginip ko kanina, may humihingi Ng tulong ko pero di ko Naman Makita Yung mukha nya.
Nag bihis na ko at di na nag abala pang mag suklay, Monday pala ngayon naka Sara Ang Flower shop pag Monday. Bumaba na ko at nadatnan na naghahain na Ng pagkain sila nanay, napangiti ako saglit dahil napaka maalaga talaga nila.
Inanyayahan na nila akong kumain, sabay sabay talaga kaming kumakain nakakalungkot kase pag mag Isa Lang,
" 'Nak mamaya na Ang Alis namin, okay ka Lang ba dito? Gusto mo wag na muna kaming umalis? " Tanong ni nay Selly.
Ngayon pala Ang Alis nila, uuwi sila sa kanya kanya nilang probinsya para mag bakasyon, malapit na din Kasi Ang Pasko. Kahit ayaw ko silang umalis Wala naman akong karapatan na pigilan sila dahil may mga Pamilya sila na dapat uwian.
" Naku nanays okay Lang ako dito, ay oo Nga pala may nakalimutan ako " Sabi ko at tumayo, kinuha ko Yung bag ko na naiwan ko sa Sala at kinuha Yung dalawang envelope, bumalik na ko sa kusina Kung saan kami kumakain, ayoko kumakain sa dining table masyadong Malaki para daming tatlo
" Heto po pala nay Wilma at nay selly " inabot ko sakanila Yung sobra at nagulat sila sa laman non
" Naku Amelia bakit Ang dami nito? " gulat na tanong ni Nay Wilma
" Nanjan na po Yung sahod nyo, Yung 13th Month pay, Yung Regalo ko, at regalo ni kuya para sainyo Ng Pamilya nyo, wag nyo na tanggihan nay Pasko Naman at kulang pa Yan sa pag aasikaso nyo sakin " Sabi ko at nginitian sila nakita ko naman na naluha si nay Selly kaya napatawa ako, Ang babaw talaga Ng luha ni nay selly
" Salamat Amelia, pakisabi sa kuya mo Salamat din. Napakabait nyo talagang mga Bata " Sabi ni nay Wilma
Pinagpatuloy na namin Ang almusal at masaya kaming nag kwentuhan, sandaling Nawala Sa isip ko Ang takot na nararamdaman ko Mula kahapon, pagkatapos namin kumain ay nag ayos na sila Ng mga gamit nila ako Naman ay naiwan sa kusina para ipaghanda sila Ng mga babaunin para di sila magutom sa byahe, Pinabaunan ko na din sila Ng Mga Pasalubong para sa mga anak nila.
Lagi ko Naman itong ginagawa pag umuuwi sila Ng probinsya, pinapahatid ko din sila sa Driver ng Kaibigan ko para di na sila ma hassle sa byahe Lalo na marami silang bagahe.
di na sila bago sakin para ko na din silang totoong magulang, Hindi porket kasambahay sila ay dapat na silang ituring na mas mababa sayo, inaalagaan nila ako kaya dapat ko Lang silang suklian Ng ikasasaya nila.
Pagkatapos ko sa kusina ay umakyat na ko sa kwarto para mag bihis, ilang oras pa ay bumaba na ko at handa Ng umalis Sina nanay, nanjan na din si manong Jun na naghahatid sakanila pag umuuwi sila sa kanya kanya nilang probinsya.