Chapter 9

6 6 0
                                    

Nag babyahe parin ako ngayon, nakabuntot parin ako sakanila, palabas na to Ng Manila, kanina pa ko pinapakiusapan ni Franx pero di ko sya pinapakinggan nag sawa na siguro kaya tumahimik na ngayon

Honestly hindi ko to ginagawa dahil lang nangako ako na tutulungan ko sya sa misyon nya, may Iba pa Kong dahilan At Alam ko naman na malabo mangyari yon.

Kanina pa masama Ang kutob ko, at Alam ko na may Hindi magandang mangyayari pero Wala na Kong magagawa dahil Ito Ang pinili ko, Ito na siguro Ang pinaka nakakabaliw na ginawa ko sa buhay ko Ang ilagay sa panganib Ang buhay ko para Lang Mabuhay Ang multo na sobrang yabang at napaka bossy

Napaluha ako dahil naalala ko nanaman Yung mga masasayang araw na magkasama kami ni Franx, di ko parin makalimutan yung una nya Kong multuhin takot na takot talaga ako non para akong tanga, pero ngayon Ang tapang tapang ko na dahil humahabol na ko Ng kriminal, Ang daming alala na makakalimutan Lang pag nabuhay na si Franx pero kahit nakalimutan nya yon, mananatili sakin yon.
Mas mabuti na din siguro na di maalala ni Franx Ang lahat para di na ko makadagdag sa iniisip nya, para Mabuhay sya na walang tinatanaw na utang na loob Kung bakit sya nabuhay

Napasulyap ako kay Franx nakatingin Lang sya sakin ngayon, ngumiti ako sakanya na Parang sinasabi na okay Lang ako, kinapa ko Ang phone ko at tinawagan si Fritz.

" ATE " sabay na Sabi Ng Kambal nakuuu itong dalawang makulit na to

" Ate okay ka Lang? Nasaan ka? Tatawag na kami Ng pulis? " Napailing nalang ako at sandaling napatawa

" Mga kapatid ko ba Yan? " Tanong Ni Franx kaya tumango ako, ni Laud speaker ko Ang tawag para marinig ni Franx Ang mga boses Ng kapatid nya

" Okay Lang ako, sinusundan ko parin sila, lumabas na kami Ng Manila sa tingin ko papunta Ito Ng Pampanga " Sabi ko

" Ate wag mo na sila sundan delikado, mapapahamak ka lang " dinig Kong Sabi ni Franz

" Hey Twins, can you do me a favor? " Tanong ko

" Anything for you ate " sagot Ng dalawa, kailangan talaga sabay mag salita?

" Naalala nyo ba Yung sinabi ko noon? Na Wala maaalala Ang kuya nyo pag nagising na sya? It means mawawala lahat Yung alala nya sa pagiging multo nya kasama na lahat Ng nangyari " Sabi ko nakita ko sa peripheral view ko na napatingin sakin si Franx

" Yes ate we never forget that " sagot ni Fritz

" Pag gising Ng kuya nyo, pwede bang Wag kayong magbabanggit Ng mga kahit anong nangyari kasama na ako  " pakiusap ko natahimik Naman Ang dalawa, diretcho Lang Ang tingin ko at di inaalis sa tingin ko Ang sasakyan na sinusundan ko

" Amelia No! " Sabi ni Franx sinubukan nya akong Hawakan pero tumagos Lang Ang kamay nya sa katawan ko

" It's fine Franx, para sayo Ang Desisyon ko na yon " Sabi ko sabay punas sa luha ko

" But ate... " Malungkot na Sabi ni Franz sa kabilang linya

" Please Franz and Fritz, I promise mabubuhay Ang kuya nyo but you have to promise na Wala kayong babanggitin sakanya sa lahat Ng nangyari " pakiusap ko sa dalawa

" But... Okay we Promise " buti nalang Hindi makulit Ang kambal na to

Pinatay ko na Ang tawag, sandali Kong tinignan si Franx nakakuyom Ang dalawa nyang kamay habang nakayuko. Sorry Franx

" How dare you to make that decision " he said coldly I just smile

" You'll thank me because I did that " sagot ko sakanya

" You're Selfish Amelia! " Sigaw sakin ni Franx sandali akong nakapikit dahil don

Nawala na Ang atensyon ko Kay Franx Ng lumiko Yung sinusundan Kong sasakyan sa isang kanto. Hindi ko na pinasok Ang sasakyan ko at pinark nalang Ito sa may gilid, bumaba ako Ng sasakyan at sinundan Ng tingin Ang mga Ito, diretcho Lang Ang daan, palayan Lang Ang makikita dito pero may isang bahay malayo Mula sa Kanto, sigurado ako na Doon sila pupunta.

Before You Go (✓)Where stories live. Discover now