Before You Go

8 6 0
                                    

" I'm the Representative of Crux Corporation and I have an Appointment with The President " I formally said, may tinignan Naman sya sa papel

" You can proceed to The Presidents office ma'am " sagot Ng babae at ngumiti Naman ako at tinungo na Ang papunta sa Presidents office

It's been A year, At ngayong araw magkikita kami Ng President Ng Villafuerte Code.
Sa loob Ng isang taon Nag focus na ako sa Business Pinalago ko Ang Flower shop ko at dalawa na Ang employee ko ngayon, si Natalie at Ang kaibigan nya. Official na din akong naging Vice President Ng Company namin di ko talaga inaasahan na Mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, ako kase Yung Tao na ayaw talaga sa mga meetings and papers but look at me now hahaha
Sa loob Ng isang taon Hindi na ko naghanap pa Ng Boyfriend naging busy na ko sa Business at Di na naging boring Ang buhay ko, kontento na ko maging successful na Single Tita na iniispoile Ang mga pamangkin Ko.

29 Years old na ko but I still look young, pinahaba ko na din Ang dating Hanggang shoulder ko na buhok, ngayon hanggang waist ko na Ito, I also worked out para mas mahalata Ang curves ko may mga nag balak mang ligaw sakin pero katulad Ng dati ligwak agad, siguro dahil Wala na din sa isip ko Ang mag asawa or kahit mag boyfriend Lang, Kota na ko sa Tatlong lalaking minahal ko na Iba't ibang pain Ang naparamdam sakin.

Pina renovate ko na din Ang bahay Yung isang room ginawa Kong Gym, Yung room ko Naman ginawa Kong mas Modern and dark dahil sa kulay nitong Maroon at Black para na din Hindi ko na masyadong maalala Yung nangyari dati.
Nag uusap parin kami nila Fritz and Franz pero Sa Video call nalang dahil lagi silang busy sa kanya kanya nilang trabaho engaged na din si Fritz, Ang Babaeng yon nauna pa sakin, si Franx Naman? Di ko Alam Kung kasal na ba sya or hindi. But who cares anyway

Ang mga Kaibigan ko Naman mas napapadalas na Ang Mga pagkikita namin dahil umuuwi na sila Ng Bansa, And Finally after Ilang pilit Napapayag ko na din si Natalie na Tumira sa bahay, kailangan pa pala syang pilitin Ni kuya, nakakaloka talaga sya takot sya Kay Kuya pero sakin Hindi, Sina nanay Naman ay ganun parin maalaga na Parang totoo Kong mga magulang nakukurot nga nila lagi si Natalie dahil sa kakulitan nya eh, gusto Laging tumulong sa mga gawaing bahay pero di pinapayagan nila nanays kase baka mawalan daw sila Ng trabaho hahahaha, honestly mas umingay na ngayon sa bahay and I'm happy with that.

*Ting!

Nag bukas na Ang elevator at bumungad saakin Ang floor Kung saan ko makikita si Franx, pumunta Muna ako sa rest room para tignan Kung presentable pa ko.
Pag bukas ko Ng pinto Ng cr ay napangiti ako...
Dito ko Narinig noon si pia.
Humarap na ko sa salamin at tinignan Ang sarili ko

Fresh na Fresh pa Ang Tita nyo, inayos ko din Ang suot ko naka black na dress at Nude Na Stiletto na mas nagpa tangkad saakin, naka lugay lang Ang aking straight and bagsak na hair, hinawi ko Ang buhok ko at Nilagay lahat sa likod para kitang Kita Ang mukha ko at para Malinis tignan. Ngumiti ako Ng bahagya Ganda ko talaga.

Lumabas na ko Ng cr at huminga Ng malalim, tinahak ko na Ang patungo sa Presidents office, kinabahan ako bigla pero bat ba ko kinakabahan alam ko na din naman Ugali nya. Di Naman ako natatakot sakanya tulad Ng ibang empleyado dito and Wala na sakin Yun naka move on na ko Promise

" Past is Past Amelia, Go " bulong ko sa sarili ko

* Tok! Tok!

Kumatok na ako Ng makarating sa office, binuksan ko Ang pinto and there he is standing. Naka talikod sya saakin nakatingin sya sa malaking bintana na tanaw Ang City, kahit na nakatalikod sya Alam Kong sya yon mas lumaki Lang Ng konti Ang katawan nya, naka business attire parin sya as always.

Napahawak ako sa dibdib ko sa bandang puso Ng bigla itong kumirot, Ang sakit? Akala ko ba naka move on na ko? Pero bakit ngayong malapit sya Parang bumalik ulit Yung sakit

Before You Go (✓)Where stories live. Discover now