Chapter 8

0 0 0
                                    


Treat

Nagising ako sa paulit-ulit na pag ring ng phone ko. Ang ingay naman. I should have silent this. Nakapikit kong hinagilap ang cellphone ko sa side table. Nang nahanap ko ito ay aksidente ko itong nasagot.

"Ano ka ba Prim!? Kanina ka pa namin tinatawagan! Anong oras na at wala ka pa rito!! May balak ka bang sumipot o hindi!!?" medyo nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tenga. Kahit hindi naka loud speak, ang lakas talaga ng sigaw ni Shane.

Teka, Shane!?

Bigla kong idinilat ang mga mata ko. Nagising bigla ang diwa ko. Shit! how can I forgot it!?

"S-sorry! Don't worry, On the way na'ko." sabi ko habang dali-daling bumangon. Nataranta pa ako kung ano ba ang uunahin ko. Teka ano nga ba ang uunahin ko? Aish!

"On the way papuntang banyo kamo!! 'Pag ikaw Prim hindi sumipot dito within 45 minutes, Pagsisisihan mo talagang naging kaibigan mo'ko ng tatlong taon!!" Sigaw ni Shane bago ako binabaan. Sandali ko pang tinitigan ang phone ko na ngayon ay nakapatay na. Sa boses ni Shane, parang seryoso talaga siya sa banta niya.

I should get ready na!!

"Ma alis na'ko!" Sabi ko pagkababa at dali-daling lumabas. Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Mama na nasa kusina kasi sobrang nagmamadali talaga ako. 20 minutes has passed. 8 Minutes ang pagligo at 12 minutes ang pag aayos kasama na ang pagbaba at pagpunta sa sasakyan namin. Sumakay agad ako. Halos wala nga akong nagawa ng maayos habang naliligo ako. Parang wisikwisik lang iyong ginawa ko. Basta ang importante nakapag shampoo ako.

"Kuya pwede pong pakibilisan ng kunti?" pakiusap ko sa driver namin na si kuya Rene.

It's already 40 minutes nang nakarating kami sa school. Ang malas! Traffic pa talaga kanina. Buti nalang at may oras pa ako.

Pagkalabas ko sa sasakyan namin ay tumakbo agad ako. May nakabangga pa ako habang tumatakbo. Nagsosorry naman ako sa mga nakabangga ko, 'di ko nga lang tinitignan.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko silang lahat sa field. I looked at my wristwatch. It's exactly 44 minutes. Hinihingal akong lumapit patungo sa kanila.

"Andyan na si Prim!" sigaw ng isang kaklase ko.

Agad naman silang napalingon sa direksyon ko. Silang lahat talaga. Ako nalang talaga ang wala pa. 'Yan Prim, ang tagal mo kasing nakatulog kagabi.

"Thank God, you're in time." Ani Elise nang nakalapit na siya sa'kin.

Kanya-kanya namang reklamo ang ibang kaklase ko na bakit ang tagal ko daw. Panay naman ang hingi ko ng paumanhin sakanila.

"Sorry...Sorry talaga..."

Nang medyo nahimasmasan na ang iba kong kaklase, nagkanya kanya na sila sa kanilang mga ginagawa. Lumapit si Vanessa samin.

"I'm glad na nakaabot ka pa Prim. Akala ko talaga hindi ka sisipot today, ikaw nalang kasi ang wala. Importante pa naman ang role mo." Aniya.

Napakamot ako sa batok ko.

"Sorry talaga. Matagal kasi akong nakatulog kagabi. Napasarap ang tulog ko, 'di ko na namalayan ang oras. Atsaka importante ito sa'tin, ba't naman 'di ko sisiputin?" Ngumiti lang si Vanessa sa sinabi ko.

Binalingan ko itong dalawang babae sa tabi ko.

"Hoy...kibo-kibo din 'pag may time..." sabi ko sa kanilang dalawa. Lalo na kay Shane.

Naka cross arm si Shane habang nagkasalubong ang kilay. Samantalang si Elise naman ay napabuntong hiningang tinignan ako.

"We're just worried Prim, we expected you to come early. Earlier than us, actually. Kaya ganun nalang ang pangamba namin na hanggang sa mahigit dalawang oras na ngunit 'di ka parin sumusulpot. All of us are already here and yet you aren't. We also called you so many times and you didn't even answer it. Shane and I become worried so much. We thought that there's something bad going on with you." mahabang lintaya ni Elise. I felt guilty though. 'Di ko alam na pinag-aalala ko silang lahat, specially Shane and Elise. I didn't know.

Crazily In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon