Chapter 13

0 0 0
                                    


Fragile

"Congrats sainyo Chris!!" Bungad ni Shane nang nakarating ang grupo nina Chris sa banda namin.

Kanina pa natapos ang laro at panalo ang school namin. I was so preoccupied to even noticed that our school wins. Kung hindi pa siguro sumigaw ang mga schoolmates ko at nitong katabi ko, baka hindi ko pa malalaman na natapos na pala ang laro at kami ang nanalo. Shane wants us to go in the court para i-congratulate sina Chris but Elise refused. Aniya, hindi rin naman namin malalapitan sina Chris kasi ang daming mga kaschoolmates namin ang bumaba para narin I-congratulate sila. Sumang-ayon naman si Shane roon.

"Told 'ya! maipapanalo namin ang laro." hambog na saad ni Eumar at akmang aakbayan si Shane.

"Umalis ka nga! Ang baho mo!" reklamo ni Shane. Sumimangot tuloy si Eumar dahil don.

"So ano? San tayo ngayon?" Ani Stuart. Tinignan niya kami isa-isa.

Biglang lumapit si Chris sa tabi ko.

"Ang tahimik mo ata?"

"Kina Chris nalang tayo! We need to celebrate though."

"Ano sa tingin mo Chris? payag ka bang sainyo tayo?" Tanong ni Stuart sakanya.

"Prim....what's problem?" imbes na sagutin sila ni Chris. Tinanong niya 'ko.

Napakurap-kurap ako. "A-Ano? ah....okay lang ako, congrats nga pala.."

Napasimangot siya, "O sige, samin tayo ngayon. Sabihan mo yung iba Stu." Baling niya kay Stuart.

"Sama kayo ha? magcecelebrate tayo kahit practice game pa lang ito." baling niya sa'kin.

"Sure, pupunta kami. Diba Elise? Prim?" si Shane.

Tinignan siya ni Elise. "Sige..tutal, wala naman akong gagawin ngayon."

Binalingan ako nina Shane, Elise at Chris. Si Eumar at Stuart ay pumunta sa kasama nila para sabihin yung pagpunta nila sa bahay Chris.

"Prim?" Shane.

Pano si Grant? Panalo rin kaya sila? O hindi? Pupunta ba siya rito? O hindi? Nagalit kaya siya? O sobrang nagalit talaga? Ang bobo-bobo mo talaga Primela!

"Huy Prim! earth 'to ano ba!" nagitla ako sa sigaw ni Shane.

"H-Ha??" marahas siyang bumuntong hininga sa naging reaksyon ko. Pansin ko ang pag-aalala sa titig ni Chris sa'kin.

"Ano bang nangyayari sayo, Prim? kanina ko pa napapansin na lutang ka at wala sa sarili mula nung bumalik ka galing sa pwesto nina Eumar kanina." medyo iritado niyang saad.

She's right. E, kasi naman...si Grant..

"Are you okay, Prim? What's with the important question you've asked to Eumar earlier? Masamang balita ba?" nag-aalalang tanong ni Chris sa'kin.

Agad akong umiling. "H-Hindi...wala lang yun."

Hinarap ko si Shane. "Sorry,"

Napabuntong hininga siya sabay pinakalma ang sarili. Ayan tuloy, nabad-mood ko tuloy si Shane.

"Okay lang...'tsaka sorry din at medyo nasigawan kita kanina." Paumanhin niya. Tumango ako at nginitian siya.

"Okay lang din. Uh...may iniisip lang kasi ako kanina. Wala 'yong kinalaman sa pagpunta ko kay Eumar, okay? it's just me...thinking some things.." Napatango si Elise. Sunod namang tumango si Shane na mukhang naniniwala sa sinabi ko.

I sighed in relief. Sa susunod ko nalang ikukwento sa kanila kung bakit ako nagkakaganito.

Binalingan ko si Chris. Mukhang hindi siya kumbinsado sa sinabi ko base sa mukha niya. His forehead still at creased while looking at me. I just smile to assure him.

Crazily In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon