Lucky
Walang pagaalinlangan akong pumasok sa café.
Pagkapasok ay agad ko silang tinignan. I raised my one brow. Sa sobrang pagkabusy nila, ni hindi nila napansin na may nakatingin na pala sakanila! Psh!
Napagdesisyonan kong mag-order narin. What's the point of going here right? Total andito na'ko lubos-lubusin ko na.
"One cappuccino and a slice of chocolate cake," I said as I go to the counter. After kong bayaran ang order ko ay agad akong tumungo sa direksyon kung nasan sila.
Ha! akala niyo ha?
Malapit na ako sa pwesto nila nang biglang nagtama ang paningin namin ni Grant.
His cold eyes is now looking at me with a bit of shocked and curiosity. His eyebrows raised a bit.
My mind wants to back out now but my body says otherwise. Nakaka-intimidate talaga 'yang mga mata niya! Pero ayoko namang magtagumpay itong date nila 'no!? kung date nga nila ito! Psh, akala ko wala talagang interest si Grant sa mga bagay na ganito.
Akala ko lang pala!
Nang medyo nakalapit na ako sa kanila ay umarte akong mukhang nagulat na makita sila.
"Oh!" sabi ko sa nanlalaki na mga mata. Kunware talaga na nagulat ako na makita sila dito. Mukha ngang totoo ang pag-arte ko eh.
"Hello Grant! I'm shocked, didn't know that you're here," sabi ko ng nakalapit sa kanila. 'Di ko pinansin si library girl na ngayon ay nakataaas ang kilay na nakatingin sa'kin.
Grant look at me with slightly amused on his face. Uh...I'm pretty sure na mukhang totoo 'yung arte ko kanina.
"Really?" he asked, a little bit amused.
Tinignan ko siya sa mga mata niya pero sandali lang, 'di ko talaga kayang titigan iyon ng matagal. Or baka natatakot ka lang mabuking Prim?
"Of course!" I confidently answered at umupo sa tabi ni library girl. Good thing na pang-apat iyong pinili nilang upuan.
"Excuse me?" rinig kong sabi ng katabi ko. Mukha atang nairita at na-offend siya sa biglang pag-upo ko sa tabi niya.
Bakit? gusto mo bang sa tabi ako mismo ni Grant umupo, ha? ha??
Grant still looking at me, medyo nabigla ata siya na umupo ako sa tabi ni library girl. But then, I saw his lips rose a bit but it suddenly vanished and instead, he gave me a smirk. What's with that smirk? psh!
"So shocked that you decided to sit with us, without even asking?" he ask. And I almost scoffed.
"Of course not!" bilis na tanggi ko sa pang-aakusa niya. Umiling-iling pa ako pagkatapos ay tumingin sa paligid.
And thank God! Occupied lahat!
I'll consider this as one of my lucky day!
Binalingan ko ulit si Grant. Not minding the girl beside me na mukhang mag-aalburuto na ata sa inis sa'kin.
"All the tables here are already occupied. And I already have my order na, so...I was about to decide na I-take out nalang iyong nabili ko na but then, I saw you. And I saw na may bakante pa kayong upuan, so I decided na baka pwede akong maki-upo dito. And lastly, hindi niyo naman date 'to 'diba?" mahabang kunware na paliwanag ko at medyo tumaas bahagya ang kilay ko sa huling sinabi ko.
I was looking at him directly to his deep and cold eyes. I know it is intimidating but I want to know kung date nga ba nila ito o hindi. Pero mukhang wala ata siyang balak na sagutin ako. Kasi heto siya at nakatitig rin sa mga mata ko. I kinda felt uneasy though. This is the first time he stare at me like that and that long!