Chapter 12

0 0 0
                                    

Saturday

"Bukas, Prim? Promise niyong pupunta kayo ah?" Ani Chris. Pinuntahan pa talaga nila kami rito sa tapat ng room namin para lang sabihin iyan. They are referring to their game in Saturday---which is tomorrow.

We were so shocked nang bigla nalang kaming nilapitan ni Vanessa at sinabing may naghihintay raw sa'min sa labas. Namumula pa nga ito habang nagsasalita. Gaya ng sabi niya, pumunta kaming tatlo sa labas at naabutan namin sina Chris, Eumar at Stuart na nakikipag harutan sa ibang kaklase namin. I laugh when Shane suddenly cleared her throat intentionally at inirapan pa iyong isang kaklase naming babae. Dali-dali naman silang pumasok ulit at medyo nahihiya sa ginawang pakikipaglandian nila sa labas ng room. Shane speak first.

"Umabot pa talaga 'yang kalandian niyo rito eh 'no?" aniya habang matalim na tinignan si Eumar na ngayon ay napakamot nalang sa batok. Naku! 'wag mong galitin 'yang si Shane, Mar. Sadista iyang babaeng 'yan. Lagot ka! haha.

Si Elise naman ay nakataas lang ang kilay habang isa-isa silang tinignan. Ngunit mas nagtagal ang tingin niya kay Stuart---na ngayon ay awkward lang na ngumiti.

I looked at Chris. Agad naman siyang umiling at itinaas ang dalawang kamay at iwinagayway ito.

"W-Wala akong kinalaman diyan! " tanggi niya.

Bumuntong hininga ako, "Ano ba ang ipinunta niyo rito?"

Umayos naman agad sila at nagkatinginan.

"We just want to invite you for tomorrow." Ani Chris.

"Bakit? anong meron bukas?" Tanong ni Elise.

"Tomorrow is our practice game kasama ang mga basketball players ng kabilang school. We just want you to watch us." Si Stuart. Napangiwi lang si Elise sakanya.

"And support us. You know, kahit practice game lang yun." Si Eumar.

Tumango ako, "Sige. Anong oras bukas?"

Ngumiti si Chris at sinabi ang detalye ng laro nila.

"Dadaanan ba kita bukas Prim?" tanong ni Shane habang nililigpit ang kanyang gamit. Tapos ko nang ligpitin ang akin. Ganun rin si Elise.

Sasagutin ko na sana siya ng biglang lumapit ulit si Vanessa sa'min. Gaya kanina, namumula na naman ito. Andiyan na naman ba ang mga tatlong ugok sa labas?

"Ma-----" pinutol ko na ang sasabihin ni Van.

"Sabihin mo nalang na pupunta talaga kami bukas. Kailangan pa talaga nilang pumunta rito ulit, huh?" Ani ko.

Umiling si Vanessa. Pagkatapos ay tinuro ang labas.

"Hindi 'yong tatlo kanina, Prim. Nag-iisa lang siya ngayon," Aniya.

Tiningnan ko siya ng nagtataka. Nag-iisa? Sino na naman kaya iyon?

"Sino daw?" si Elise.

"Rant ata? 'di ko masyadong narinig eh. Pero ang gwapong nilalang! Puntahan mo na Prim, ikaw ang hinahanap e,"

My eyes widened as my lips parted. Dali-dali akong tumakbo papalabas.

"What!?" rinig kong gulat na sabi nina Shane at Elise.

"Aray!" reklamo ko nang nasagi ko ang dulo ng upuan malapit sa pinto. 'Yan Prim! nagmamadali pa kasi eh!

"Are you okay?" Hawak-hawak ko parin kasi ang legs ko na nasagi ng upuan. Ang sakit talaga!

Binalingan ko si Grant. Shit! Si Grant nga!! Namamalikmata lang ba ako? Isa na naman ba ito sa isang magandang panaginip ko?

Pero totoo 'yong sakit kanina nang nasagi ko ang upuan. Ramdam na ramdam ko talaga. So this is not a dream, then? Oh, God! ano bang mabuting ginawa ng past life ko at bakit ang swerte-swerte ko naman ata!?

Crazily In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon