Chap 10

16 2 0
                                    




Isaac's pov

Hindi muna ako tumaas ng kwarto dahil naisipan kong pag tripan si Chared kahit kase anong tawag ko sa kanya di siya lumilingon.Naka ilang pitik pa nga ako sa harapan niya.Saka lang naliwagan nung kiniliti ko.

"Ay nagselos"si chared

"Nagselos?"

"Wala kuya,ge akyat ka na"bat parang wala sa sarili to.

Umakyat nalang ako sa taas.Nilapag ko nalang ang bag ko sa table katabi ng pinto at nag half bath.Natapos na akong maglinis ay tinawagan ko nalang si cass.

-

Dumaan ang araw at linggo ng ganun na lamang ang ginagawa ko.Tuwing half day at walang pasok lumalabas nalang  kami ni cass.Si chared naman parang abnormal.Madadaanan ko nalang na nakatulala,minsan nga umiimik pa ng kanya eh.Tinatanong ko naman kaso lagi niya lang sinasagot ay wala lang kaya hindi ko nalang kinulit.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Cass dahil sinasabi ko kay tita yung plano ko sa birthday niya.Sinabi ko din kay tito,at ang magaling pa dun ay makakauwi pala siya sa birthday ni Cass.Nung bumalik si cass sa may kubo itinigil na namin ni tita ang pagpaplano baka mahalata pa sayang naman.

"Tara movie?" Aya ko kay cass.Tumango naman siya.Nagsimula na kaming manood at about sa babaeng nag kasakit yung napili namin.Narinig kong humihikbi Cass kaya agad akong lumingon pero sumenyas naman siya agad na okay lang kaya nag focus nalang uli ako sa movie.

"Isaac"

"Hmmm?"

"About dun sa pinanood natin kanina"

"Baket?ayaw mo ba?"

"Hindi ah gusto ko nga eh, ano kase"

"Pano kapag nag kasakit din ako? Iiwan mo din ba ako?" Nasamid naman ako sa sinabi niyon.Agad akong umiling.

"Bat ko naman gagawin yun?"

"Wala, tuwing manonood kase ako ng sad movies iniimagine ko na ako yung bida tapos kino compare ko yung life ko sa life nung bida"

"Hindi ko yun gagawin promise"tinaas ko ang kamay ko.Tumawa nalang siya bilang sagot.

Nag paint din kami ni Cass bago ako umuwi. Kung ano anong kalokohan lang ang ginagawa namin.Vinedeohan din namin yung pag papaint namin ,for memories.

Pag dating ko sa bahay na abutan ko lang si ralph na nag papahid ng panyo sa mata.Cguro nag away sila ni chared.Tsss!!

"Bro mapipiga na yang panyo mo"

"Tss ge alis na ako" sabi niya na nauutal pa. May problema cguro yung dalawa.Pumasok nalang ako sa loob.Naabutan ko lang si manang na may pinupulot.

"Manang bakit po nakakalat yang mga stuffs ni Chared?"

"Kanina kase nung pumunta dito si Ralph binato sa kanya lahat ng yan" hindi na ako sumagot tumulong nalang akong pulutin yun at pinatas.Agad akong umakyat sa kwarto ni Chared para kausapin.

"Pasok"kumatok uli ako "pasok sabe"

"Papasok ako paano? Mag teteleport? Baliw ka buksan mo to naka lock!"

Binuksan naman niya agad.Jusmiyo garapon parang binagyo ang kwarto ng batang ito.

"Nangyare?"

"Wala"

"Wag ako, ano nga?"

"Para kaseng shunga si Ralph!"

"Shunga naman sadya yun, bat ba anong ginawa sayo?"

"Nagselos dun sa mga crush kong koreano hmp!Tapos nag away kami, nagpapaliwanag naman ako kaso ayaw niya makinig.Tapos nung sunday nakita kong may kasama sa mall!"

"Sasapakin ko yun!gago ako nga hindi kita sinasaktan tapos ayshh!"

"Kuya wag na"

"Isa lang promise"

"Tss"

"Utang na loob pag nag aaway kayo away lang walang kalat ang hirap mag limot" paki usap ko na ikinatawa naman niya.

"Ayusin niyo yan ah!"tumango nalang siya bilang sagot.Tinulungan ko munang siyang mag tiklop at mag limot ng mga kalat niya sa kwarto bago ako mag punta sa kwarto ko.Nag bihis lang ako at bumaba na para kumain.Binilisan ko na ang pagkain ko dahil wala naman akong kasabay.Tumaas na uli ako para tawagan si cass.Nakatulog na nga eh.Imik ako ng imik kaso walang nasagot.

Kina umagahan na gulat nalang ako ng may sumapak sa akin pag kapasok sa gate ng school.

"Aray"si joshua.Naka dalawa siyang suntok, aba double kill ka ah! Pabawi nga, ako naman ang sumuntok tatlo,may palabis na isa dahil special ka!

"Inagaw mo sakin si Cass"sabi niya habang inaalalayan ang sariling tumayo.

"Anong inagaw, sayo? Bobo ka paano aagawin di mo naman pag mamay ari si Cass ha?"masama pa ang tingin ng gago.

"Daldal mo" sabi niya

"Pake mo mag bunganga eh! Hili ka ba? Dumaldal ka rin para parehas tayo!"mukhang napikon ang hanep.Susuntok pa sana siya kaso naiwasan ko!

"Duling pwee alis nga diyan" sabay pagpag sa katawan ko at sa mukha "may alcohol ka diyan?"tanong ko kay joshua na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Huh?"

"Ipupunas ko lang nalagyan ng germs eh!"pikon ang hanep.Umalis na ako panira ng umaga jusme.

-

"Oy ralph!" Sigaw ko pag kapasok sa room.

"Hm?"ay malungkot saka ko nalang sasapakin.

"Pina iyak mo kapatid ko ah!"

"Sorry bro,di ko talaga sinasadya"

"Dapat lang"

Umupo na ako sa upuan at nakinig sa teacher.Natapos ng puro discussion lang ang aming morning class.Hinatidan ko nalang si Cass ng snacks dahil hindi naman na siya nalabas tuwing snacks.Malayo daw kasi room nila sa cafeteria eh.

"Nangyare dito?"tanong niya sabay hawak sa baba ko.

"Sinuntok ni joshua"nagtanong siya kung bakit kaya kinwento ko sa kanya.Natatawa pa nga eh.

"Nga pala Cass tinulugan mo ko kagabi"

"Sorry na HAHHAHA" bumalik na rin ako sa room dahil nag bell na.

Activity,projects at discussion lang ang ginawa namin nung afternoon class.Noong last two class naman bago mag uwian ay sa library at laboratory.Bumalik lang kami sa room pra kuhain ang bag.Umuwi na ako dahil si tita naman daw ang susundo aky Cass.Si chared naman sinundo ni kuya jez.

Susunod.  .    .

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now