Chap 30

4 1 0
                                    



Isaac's  pov

Pag kahatid ko kay Cass ay umuwi ako at naligo.Nagbihis at umalis na.Bumili muna ako ng cake para iregalo sa mom ni Claire.

Malayo layo ang bahay nila kaya natagalan ako.Pag kadating ko ay agad yumakap sa akin si Claire.Nagulat pa nga ako eh.

"Mom,andito na siya"Nagtaka pa ako dahil parang hindi birthday ng mom niya.Pero kahit kinakabahan hindi ko nalang pinansin.Pinaupo ako ni Claire sa sofa.

"Oh,your boyfriend is so handsome honey" ano daw boyfriend?shit."t-tita hindi p-" pinutol ni Claire ang aking sasabihin.

"Wow,nag abala ka pa talaga,thanks sa cake hihi" ngumiti nalang ako at inabot kay tita ang cake "happy birthday po"

"Thankyou handsome,btw lets eat na" tumayo si Claire at ang mom niya at pumunta sa kitchen.Ako naman ay sumunod sa likod nila.Kumain kmi at nag kwentuhan.Hindi naman na ako nahihiya dahil ilang beses nadin akong nakapunta dito.

"Nga pala Isaac diba finals na natin next month?"

"Oo nga,aral na naman,tapos ka na ba dun sa mga paper works?"

"Hindi pa,inuna ko mga reports eh"

Pagkatapos kumain ay nag ayang uminom ang dad ni Claire na kararating lang galing trabaho.Para di mag mukhang kj ay sumama nalang ako.Matagal narin naman pmula nung huli akong uminom eh.

Ilang minuto ay nakaramdam na ako ng liyo.Dadalwang tagay palang ang naiinom ko kaya nakakapagtaka.Pinisil ko ang lemon at ininom ang katas para mahimasmasan ngunit gayun pa din.

Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari.Pagkagising ko ay nasa bahay na ako.Agad akong bumaba,ngunit pagkatayo ay nakaramdam akong hilo kaya dahan dahan lang ang kilos ko.Salamat nalang at sabado ngayon.Naligo na ako at bumaba.

Tinanong ko kay Manang kung sino ang nag hatid sa akin dito.Ang sabi niya nama ay ang Dad ni Claire.

Natapos ang maghapon ng wala akong ginagawa.Tinext ko si Cass kaso di naman siya nagrereply.Natawag din ako kaso yung line niya ay busy.

Kinabukasan pumunta ako sa kanila dahil tuwing sunday lumalabas kami pero pagrating ko si ate Min lang ang kumausap sa akin.

"Nako isaac wala siya dito kasama ni maam,may pinuntahan"

"Ganoon po ba?pakibigay nalang po nitong bulaklak"binigay ko ang bulaklak kay ate Min at umalis na.

Pag dating sa bahay ginawa ko nlang ang mga paper works ko.Tinapos ko na din ang last report ko.

Nagdaan ang linggo nang di sumasabay sa akin si Cass.Ang sabi niya ay hindi na daw kailangan dahil ano daw ang porpuse ng kotse niya kung lagi siyang sasabay sa akin.

Di ko alam pero ramdam ko na lumalayo sa akin si Cass.Oo nga't nagrereply siya sa mga text ko pero kasi ang cold ih.Oh baka nag ooverthink lang ako.

Sa nagdaang linggo rumarami ang tumutukso sa amin ni Claire.Paano'y lagi siyang nakadikit sa akin.

Nasa parking lot ako ngayon,naghihintay kay Cass dahil nasira ang kotse niya at walang makakapaghatid sa kanya.

"Bal,labas tayo sa sunday ha,hindi na tayo nakakalabas ih"

"Marami akong gagawin"

"Ganoon ba?gusto mo tulungan nalang kita?"

"Wag,di na kailangan"

"Pero diba kapag may mga gawain tayo lagi tayong nagtutulungan?"

"Dati yun,kaya ko naman yun,kaya di na kita kailangan" ewan ko lang ah,pero parang double meaning ako dun sa sinabi niya.Tumigil ako saglit,nag iisip kung may napag awayan ba kami.

Ang huli naman naming maayos na usap ay nung last Friday.Wala naman kaming pinag awayan.Baka may problema lang siya.Pinaandar ko na uli ang kotse.

"Bal may problema ba"

"Wala" she said coldly.

"Sure ka ah"

"Oo" nakarating ako sa kanila.Pag bubuksan ko pa sana siya ng pinto pero bumaba nalang siya at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay nila.

Kinakabahan na ako sa inaasta ni Cass.Pag dating sa bahay ay tumawag ako kay Andrei para humingi ng advice.

"Bro,how are you!"

"Im okay,how about you?"

"Okay,very very okay"

"HAHA porke aprove na!"

"haha, btw bakit ka napatawag?"

"Si Cass kasi nilalayuan na naman ako,ang cold ng trato niya sa akin"

"Baka may problema"

"Wala naman daw eh"

Nag kwentuhan p kami saglit hanggang sa magpaalam na siya.Si Cass naman ang sunod kong tinawagan pero kagaya noong nakaraan ay hindi niya ito sinasagot.Nag text nalang ako sa kanya.Baka busy sa pag cocomplete ng mga requirments.Nag half at natulog na ako.

Dahil sabado at wala naman akong gagawin kaya ako na muna ang nagpresenta na magbabantay sa resto.Mas maganda na ito ngayon.Pinarenovate namin nung last month.Tumataas na din ang mga perang pumapasok dito.

"Kuya leo" bati ko kay kuya leo pag kapasok.May kasama siyang babae.

"Oh,Isaac,subtitute?"

"Opo HHAHA,cge una na ako" pumasok na ako sa office at kinuha ang shirt.Nag palit ako at lumabas sa may cashier.

"Ate ako na diyan,pahinga ka muna" sabi ko sa isa.

"Talaga po?"

"Oo" halos sunod sunod ang mga customers pag dating ng lunch time.Pero di inaasahan isa sa customer ay si Claire.

"One piece buffalo wings,with rice and avocado shake"nilista ko ang order niya sa sticky notes at saka iniabot ito sa isang window.

"Takaw HAHAHA"

"Lol,kano?"

"Sampong milyon"

"Ano yan ginto?"

"Three hundred lang eto naman" inabot niya ang five hundred "iyo na sukli"

"Oh,number seventeen" inabot ko ang isang card sa kanya.Itinuro ng isa sa mga staffs ang table kung saan siya pede umupo.

Dumaan ang mag hapon.Maraming customer dahil walang pasok.Karamihan ay mga staffs ng kaharap naming factory.

Pag uwi sa bahay ay naabutan ko si mom na nag babake.Si dad na umiinom ng kape habang nakaharap sa laptop.Si Cass na may nirereview.Umakyat ako sa taas at nag palit.Bumaba nadin ako pag katapos.

Nag dinner.Nanood ng tv at tumulog na ako.Kinabukasan ay nag basketball nalang ako pampalipas oras.Pag katapos ay nag review dahil ilang linggo nalang ay finals na.

Lunes,hindi sumabay sa akin si Cass.Dumaan ako sa knila pero ang sabi ni ate Min nakauna na daw.Si Claire naman nag pasundo,dahil kaibigan ko naman yung sinundo ko nalang.

Pag kapasok ko sa gate ng school ay biglang hinawakan ni Claire ang kamay ko.

"Bakit?"

"Wal HAHHAHA"

Hinayaan ko nalang.Di pa kami nakakdating ng room ng makasalubong ko si Cass kasama si Hanshin.

Babati sana ako pero napansin kong nakatingin siya sa kamay naming magkahawak ni Claire.

Putangina! Agad kong binitawan ang kamay ni Claire at lumapit kay Cass.Di pa man ako nakakalapit ay lumaglag na ang luha ni Cass.

"B-ba-bal,hindi,mali inaakala mo,wala lang yun" hinigit niy si Hanshin at tumakbo.Hahabulin ko sana kaso saktong nag ring na.

Mag hapong dumaan ay hindi naalis sa isip ko yun.

Susunod.........

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now