Chap 28

3 1 0
                                    



Isaac's pov

"Abay pag kakagandang bata,sa litrato plang ay halata ko ng bagay kayo,halata ko ng siya ang dadalhin mo sa altar"

"Naks naman lolo,kinikilig ako sa inyo eh"

"AHAHA di ako nagbibiro apo,gusto ko sana ako ang best man sa mga kasal ninyong mga apo ko,sayang ang kagwapuhan ko"

"Opo naman lolo"

"Bukas,kung pede ay sana dalhin mo siya dito,Ikaw ba Fran sinong ang nanliligaw sa iyo?" Tanong ni lolo sa kakadaan lang na si Fran.

"A-ako po?"turo niya sa sarili.Umupo siya sa tabi namin ni Lolo.

"Oo apo"

"Lolo si Joshua po" sasabihin ko sana na yung lalaking pinag lihi sa epal kaso wag nalang.

"Tommorow dinner kelangan nandito ang mga naibig niyo okay?" Tumango nlang kami ni Fran.Nakakabahala lang dahil mag kakasama na naman si Joshua at Cass.Epal pa naman yung lalaking yun.Kapag talaga nilapitan nun si Cass ibibitin ko yun patiwarik.

"Isaac pakigising naman si Gaila at Oliver"

"Cge po lo" umakyat na ako sa taas at binuksan ang pinto ng vacant room.Bale anim yung kwarto namin sa bahay.Yung tatlong kwarto amin tapos yung tatlo uli kapag may mga bisita.Tuwing uuwi kasi mga relatives namin dito sila dumidiretso.

"Oliver,Gaila,kakain na daw baba muna kayo"

"Una na kayo kuya,ligo lang ako"

"Cge,tara na oli" bumaba na kami at kumain.Ilang minuto lang ay dumating na din si Gaila at sumalo.Nag kekwentuhan lang kami.

"Chariz,fritz,joel at allen bukas sa dinner pinapapunta ko ang mga naiibig at manliligaw ng mga apo ko,kaya samahan niyo ko bukas umaga at mamimili tayo ng ating kakainin"

"Kami nalang Dad,dito nalang kayo"si Dad.

"Oo nga po Lolo"

"Oh siya cge mas ayos iyan" pinag patuloy na namin ang pagkain.Pagktapos ay sama sama kaming nag ligpit.Kasabay nadin naming kumain sina manang dahil di na sila iba sa amin.

Pag katapos ay pinaakyat na kami ni lolo sa kanya kanyang kwarto dahil gabi na.Umuwi na din sila Tita fritz.Tumawag muna ako kay Cass dahil di pa naman ako inaantok.

"Bal!"

"Po?"

"Nothing,i just miss you"

"Miss you too"

"Bal"

"Hmp?"

"Lolo wants to meet you,pupunta din dito si Joshua bukas at si Ralph,Gusto niya daw makita mga naiibig namin"

"Talaga? Kelan umuwi lolo mo?" Oo nga pala,di nga pla alam ni Cass na kasama umuwi ni Dad sila lolo.

"Kanina kasabay nila mom,surprise nga eh,kasama nila si oli at gai"

"Oli?yung favorite cous mo diba?"

"Yes po"nabanggit ko kase dati kay Cass yung about sa family ko"Bal pede favor?"

"Yah,oo naman pede"

"Pede bang tommorot kapag nag punta ka dito sa bahay wag mong pansinin yung lalaking pinaglihi sa epal?"

"Pinaglihi sa epal?"

"Si joshua"

"di naman talaga kami nag papansinan nun ih"

"Good,i love you,take your rest na, tommorow dinner ha,lablab bal"

"Sure,goodnight po,lablab hihi" pinatay ko na ang tawag at natulog.Kinabukasan kami lang ni Oli,Lolo,manang ang nasa bahay.Si mom namimili.Sila chared at Gaila nag mamall.Si dad nasa resto.Mamaya pa din ang dating nila ninong joel.

"Dude arat ml!" Aya sa akin ni oli."paalam lang ako kay Cass"

"Sana all bro" tinext ko si Cass at nag paalam na kung pede maglaro.Pumayg naman siya kaya nagsimula na kami.

"Rg ba dude?"

"Rank mo ba?"tanong ko kay oli.

"Legend one,ikaw?"

"Mythic lods"

"Nice HAHHAA tara na game,open lang ako"

"Dude sali daw si lolo HAHAHA"

"Nag lalaro si lolo?"

"Oo naman HAHAH" kahit di makapaniwala ay nag laro nalang kami.Lupet ni lolo legend two HAHA.Naka dalawang game kami at panalo parehas.Sa sobrang intense ni lolo nahulog yung pustiso sakit tuloy tiyan ko katatawa.Pagkatapos mag laro ay nag text sa akin ang kapatid ko na kung pede saw siyang sunduin dahil si kuya jez ay kasama ni mom,si dad naman ay nasa resto at mamaya pang hapon ang labas.Sumama sa akin si Oli at Lolo pra naman daw may magawa sila.Dumating kami sa mall.Nakita din namin dun si mom.

"Kuya asa penshoppe kami,palabas na asan kaba?"

"Asa likod mo" lumingon si Chared.Kinuha ko ang mga pinamili nila.May binili lang si lolo,pandikit daw ng pustiso.Umuwi na rin kami pag katapos.

Nang dumating sila ninong joel hinanda na namin yung table at sinimulan ng lutuin ang mga pagkain.Sa garden kami mag didinner.Boodle fight.Kami ni Oli ang nag gagayat ng mga sibuyas at kung ano ano pa.Sila mom,manang at tita fritz ang nag luluto ng ibang meal.

Sila Chared,Gaila at Fran ang naggagawa ng dessert.Si Dad,ninong joel,kuya jez naman ang nag iihaw ng mga isda,barbeque at steak.Habang si lolo naman ay nag presenta na siya daw ang mag lilinis ng dahon na gagamitin namin.

"Tama na kayo diyan mga apo kami nalang mag pahinga na kayo at mamaya ay sunduin mona Isaac ang mga bisita"

"Cge po lolo" tinigil na namin ang pagtulong at nagpahinga.Naligo at nagbihis ako at saka bumaba dahil ako ang susundo kila Cass.Sumama si Fran para ituro ang bahay ni Joshua.

"Diyan ka muna sa front seat mamaya ka nalang lumipat kapag nasundo na natin si  Cass"

"Hindi dito na ako sa likod kuya" si fran.Nag drive na ako papunta kila Joshua.Siya ang una naming susunduin dahil siya ang malayo.Masyadong paespesyal di naman siya rebisco.

"Fran bili lang akong bulaklak ha" paalam ko sa kanya."cge kuya" itinabi ko ang sasakyan sa tabi at bumaba.Bumili ako ng tatlong tulips at bumalik na uli sa kotse.Tinuro ni Fran ang daan papunta kila Joshua.Nang makadating sinamaan pa ako ng tingin ng epal.Hinayaan ko nalang.Si Cass naman ang susunduin ko.Nakadating kami sa kanila.Tinext ko si Cass na lumabas na dahil nasa labas na kami.Nag iintay lang ako sa labas habang nakasandal sa kotse.

"Bal" bungad sa akin ni Cass.

"Ganda naman ng girlfriend ko" nilagay ko ang kamay sa bewang niya at humalik sa noo.Inalalayan kong sumakay si Cass bago ako sumakay.Nag drive na ako papunta sa bahay.

"Bal,kinakabahan ako"

"Hindi,mabait si lolo HAHAHA" hinawakan ko ang kamay ni Cass at saka kami sabay na pumasok sa loob.

Sinalubong ng mga pamilya ko sila Cass at Joshua ng yakap at beso.Si ralph naman ay nandito na pala.Hindi na siya nag pasundo dahil may kotse naman.Na usap lamang kami saglit hanggang sa mag aya ng kumain si lolo.

Susunod.........
Don't forget to vote thankyou!ilysm❤️

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now