Chap 31

4 2 0
                                    



Cassandra's pov

"Hanshin, sama ka sakin,dalhin ko lang tong usb kay sir"

"Cge cge" pumunta kami sa faculty room at binigay ang usb.Umalis na din kami pag katapos.Hindi pa man ako nakakarating sa room ay nakasalubong ko si Isaac,kasama si Claire,lagi naman,walang bago.Pero ang masakit mag kahawak ng kamay.

Pinipigilan kong wag umiyak pero bumagsak na ng kusa ang luha ko.Hinila ko na si Hanshin at umalis sa harapan nila.

Di pa nga naalis yung sakit noong makita ko sila ni Claire na naghahalikan.Tapos ganto makikita ko.Tanginang yan.

"Eyy,girl cheer up,kung ako sayo mas mabuting iwan mo na,ikaw lang yung nasasaktan,diba sabi ko sayo hindi alam ni Isaac na nakipag  achu chu siya dun sa tangang yun,lasing kase yun!"

"Tangina haha,akala ko,akala ko susuyuin niya ako pero hindi,hindi niya nga alam eh"

Patuloy lang ako sa pag iyak.Halos di na ako makaattend ng first subject dahil nag stay kami sa library.

Umattend na ako ng sunod na subject.Natapos ang maghapon.Hindi ako umuwi.Pumunta ako sa isang bar.

"Vvip"

"Yes po,this way maam" agad akong nagpunta dun.

Bwesit! Eto yung kinakatakutan ko eh.Bakit ang sakit? Sa bawat patak ng luha ko para akong pinapatay.Kirot ng kirot ang  puso ko.Kahit hindi ako nag iinom ay naglasing ako.Wala na akong pake kung sino ang nasa paligid ko.Wala na akong pake kung gaano ako kamukhang kaawa awa dito.Wala na akong pake kung mamura man ako ng mga magulang ko pag nalaman nila toh.

Patuloy lang ako sa pag inom ng pumasok ang isa sa mga staff.Malabo na ang paningin ko kakaiyak.Masakit at mahapdi na rin ang mata ko.

"Maam,may naghahanap po sa inyo"

"Shinow?" Oo ngat lasing ako pero tangina kitang kita ko kung sino ang pumasok.

"Bal? Alam ko na lahat,hindi ko alam,wala akong alam sorry,hindi ko sinasadya,mahal na mahal kita,pangako ko yun"

"Tangina mo,tama kana,cguro kung nag kakasweldo sa bawat pag sisinungaling pati ngipin mo ginto na!"

"Bal,h-hindi may pinainom sila sa akin tapos wala na akong alam noong sunod"

"Wala?pero tanda mo na may pinainom sila sayo!"

"Bal sorry,hindi,hindi ganon,hindi katulad ng iniisip mo,please wag ganito"

"Di ko talaga alam yun bal promise,bal!" Hinayaan ko siyang mag salita.Umupo ako sa may couch dahil kapag nakatayo ay nahihilo ako.Pero walang wala ang sakit ng ulo ko sa sakit ng puso ko.Patuloy lang ako sa pag inom.

"ano ba!" Saway ko kay Isaac.Itapon ba naman yung alak.

"Kung manggugulo ka ,utang na loob doon nalang sa bahay niyo! Gusto mo ba ng beer,bumili ka wag yung nangaagaw ka? Tanga ka ba?"

"Bal hindi ka naman ganyan diba?sorry na oh,di ko talaga alam yun"

"Bal kase nilasing nila ako,pag kagising ko nasa bahay na ako,yung nakita mo kaming magkahawak ang kamay hinawakan niya ang kamay ko tapos sabi niya wala lang kaya hinayaan ko,bal kaibigan ko lang yun,ikaw yung gusto ko"

"Please stop calling me BAL! simula ngayon kaibigan mo na din ako! Naintindihan mo?! Gago ang sakit lang! Halos isang linggo akong umiiyak,gabi gabi akong nag mumukmok dahil sa lintik na kahalikan mong yan tapos ikaw walang kaalam alam,Hindi pa naaalis yung sakit sa bwesit na picture nayan tapos makikita ko kayong magkahawak ang kamay at talagang sa harap ko!"

"Alam mong may girl friend ka tapos ganoon ka kadikit sa babae!Isaac naman halos isang taon tayong mag kasama,alam mong hindi ako selosa pero tangina! Yung inasta mo,sobra pa sa sobra!"

"Bal,im sorry,im so sorry"

"Tanginang sorry yan,puro nalang sorry, ano nabawasan ba ng lintek na sorry na yan yung sakit ha? Diba hindi!" Sa sobrang galit ko ay napa upo nalang ako.Umiyak ako ng umiyak.Hinayaan ko siyang yakapin ako,Kahit sa huling sandali.

"Isaac, tapusin na natin to"

"No, hindi ko kaya,hindi pede,hindi dapat!"

"Pero masakit na,ang sakit sakit sobra"

"Bal babawi ako sayo,lalayuan ko lahat ng babae,wag mokong iiwan , i begging you,nag mamakaawa ako sayo,gagawin ko lahat pangako,wag mokong iiwan,alam kong galit ka lang kaya mo nasasabi yan,kaya please wag kang mag dedesisyon kapag galit" si isaac,nag pipigil ng luha.

"Ano hanggang ngayon ikaw na naman magdedesisyon?At wag kang mangako kapag masaya ka!"

"Wag mo kong iwan,diba sabi satin ni lolo ikaw yung dadalhin ko sa altar diba? Paano na yun,mahal kita mahal na mahal,kung alam ko langna yun ang gagawin nila sa akin di sana ako pumunta,hindi sana ako tumuloy"

"Bal, parang awa mo na,hindi ko kaya,makita ko plang na naglalakad ka palayo sa akin masakit na,parang awa mo na"

"Ta-ta ma ma na"hindi ko na mabanggit ng ayos ang sasabihin dahil sa sikip ng dibdib ko.

"Ang tagal kung kinimkim toh eh,tapos ganto?tama na,pagod na ako,pagod na pagod na ako,ang sakit na sobra"

"Ang makita kayong mag kasama ay masakit na tapos yung bwesit na picture na yun pa dumagdag la yung mga lintek na nang aasar sa inyo at nagtatanong sa akin kung mag kaano ano kayo?!"

"Ni kelan hindi ako nag reklamo sayo, hindi ako umaangal kapag may kasama kang babae,hindi ako nag seselos kapag may kasama kang babae pero ito? Hindi porke wala na akong sinasabi,hindi porke hindi ako nagrereklamo,hindi porke mabait ako aabusuhin mo na ako"

"Kase ako nanahimik lang ako pero sa loob ko nagtatalo na yung galit,sakit,tampo, at pag sisisi.Ako sana yung gumagawa sayo nun eh.Ako dapat yung kasama mong tumawa.Ako dapat yun gumagawa ng ganong bagay sayo.Ako dapat yung nag aalaga sayo.Ako dapat yun eh.Pero wala kahit gustuhin kong ako yun wala eh,lalapit plang ako sayo,naandon na si Claire,nandoon na siya para gawin yung dapat ako yung gumagawa"

"Hindi ako galit sayo,hindi ako galit kay Claire,sobrang laking pasasalamat ko dahil nagawa niya yung bagay na hindi ko kayang gawin,yung bagay kung saan ako nagkulang"

"Galit ako sa sarili ko kase hinahayaan kong ibang tao yung gumawa ng dapat ako ang gumagawa"

"Bal,hindi,hindi ka nag kulang sobra ka,sobra ka"

"Bakit ganoon,ginawa ko lahat para ako yung pansinin mo,pero kunting effort lang ni Claire kuha na niya atensyon mo?ako yung girlfriend mo eh"

"Bal,wag mo kong iiwan"

"Tama na,masakit na,mas gusto kong lumayo kesa mag tiis ng sakit"lumapit siya sa akin at yumakap.

"Bal,huling tanong oh"

"Napasaya ba kita?"

"Oo"

"Minahal mo ba ako?"

"Hindi" pag sisinungaling ko.

"Hindi totoo yan bal,minahal mo ko diba?"sabi niya sabay kalas sa yakap niya.

"Hindi kita minahal,kaya pwede ba hayaan mona akong iwan ka!"

"Pero bakit,ano yun,bakit umiiyak ka ngayon,bakit, bakit may i loveyou"

"Gusto kita pero di kita minahal" pag sisinungaling ko,pilit kong pinapatatag ang aking loob.Gusto kong mag matigas para mas madali sa kanyang iwan ako.

"Tangina,almost years naniwala akong mahal mo ako pero mali pla"

Aalis na sana ako ng may sabihin siya na ikinadurog ng puso ko.

"Sana hindi nalang kita nakilala" humarap ako sa kanya.

"Sana nga" ngumiti ako,mapait na ngiti at saka lumabas ng room.Nagbayad ako at umalis na.

Pag dating ko sa bahay nag kulong ako sa kwarto.Nang dahil sa nangyare kanina walang kwenta ang paglalasing ko.

Siya nga ang bumuo sa akin,Siya rin pala ang wawasak sa akin.

Susunod.......
Don't forget to vote thankyou❤️

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now