Chap 16

5 2 0
                                    




Isaac's pov

"Ayan kunting talon nalang maabot muna ang ring baby" ako "kapag nakapag pashoot ka may ibibigay ako sayo"

"Weh?"

"Weh ka diyan oo nga"

"Edi wow"

"Oy mamaya ka na uli mag laro tingnan mo damit mo pede ng mapiga" aba ang kulit nag tatakbo pa .

"Oy CASSANDRA ang kulit!" Aba hindi pa din talaga natigil.

"Bahala ka pag di ka pa nakinig uubusin ko na tong mga pagkai-"

"Oopss aken yan yun ang sayo eh" kapag pagkain nga naman.

"Takaw"

"Paki mo"

"Takaw nga di man natang- arayy ahh sakit" sakit naman ng hampas na yun.

"Cge mang asar!"

"Ang tapang! HAHHAHA" kakain na sana ako ng may napansin ako kakaiba.

"Oy bakit kulang doughnut ko" ako. Dalawa yun ah tapos dalawa rin kay cass.

"HAHHAHAHA"

"Luh ang daya bakit mo kinuha takaw talaga"

"Sinong matakaw?" Kakatakot naman tong bulinggit na to.

"Wala ah, nag tira ka pa"

"Edi aken na din yan" aba talagang matakaw

"Eh tatlo na nga yung sayo eh"

"Edi hati tayo"

"Iyo na nga lang"

"HHAHHA THANKYOU" kumuha nalang uli ako ng doughnut sa loob.Pag kabalik ko ubos na yung kay Cass jusme!

"Penge isa nlang promise"

"Aguy cassy apat na nakain mo! Akin na to ehh"

"Kahit bente pa yan , please penge last na" wala rin akong nagawa kundi bigyan si cass hayst.Kanina pa kasi kaming naglalaro kaya cguro pagod yun at maraming nakain.

"Meron pa?"tanong niya.

"Ayt may hawak ka pang isa sa kamay mo tapos puno pa yang bunganga mo tapos hihingi ka p uli?"

"Ay-"

"Nguyain mo muna baka mabulunan ka"pigil ko kay Cass. Tinapos niya muna ang pag nguya bago umimik uli.

"Busog na ako HAHHAA"

"Buti naman halos dose na nakain mong doughnut tapos dalawa ng milktea nakihati ka pa sa juice ko tapos naka apat kang graham balls, eh saan mo ba pinaglalagay kinakain mo? Lupet ah di manlang nataba"

"Yun nga eh kahit anong kain ko di ako nataba" si cass habang pinupuyod ang buhok

"Papatabain kita"ako.Mukhang hirap na hirap ang babaeng to sa pagpupuyod ah "ako na nga magpupuyod sayo"

"Goodluck HAHHAA, kapag nagawa mong patabain ako idol na kita" inabot niya sa akin ang pamuyod.

"Kaya ko yun madali lang yun"

"Oh ayan bongga" sabi ko ng makatapos siyang puyudan.

"Bakla ka ghourl?!"

"Medyo HAHAHHA"

"Luh"

"Mag palit ka na ng damit mo"

"Wala akong dalang extra shirt"

"Edi damit ko" pumasok muna kami sa loob. Pumunta ako sa kwarto pra kumuha ng damit.Kumuha ako ng apat para may pag pipilian.

"Oh" inabot ko lang ang mga damit at tinuro sa kanya ang banyo.Ilang minuto lang ay lumabas na din si Cass.

"Ang laki HAHHAA" maluwag sa kanya yung damit pero nalagyan niya ng style kaya bumagay naman. Yung jersey ko ang napili niya.Akala ko nga mag mumukhang siyang ale na haggard na haggard sa paglalaba.

"Ok lang bagay naman"

"Gusto mo iyo nalang yan eh"Ako

"Weh?"

"Oo nga"

"Malaki" itinuro niya pa ang damit "baka gamitin mo pa toh next time?"

"Hindi ah, meron pa akong isa dun"

"Sabi ko nga, tara na?" Nag paalam lang kami kay mom at lumabas na. Bago ako sumakay sa driver seat pumunta muna ako sa kabilang side para pagbuksan si Cass.

"Ohh sino mag dadrive?"si Cass.

"Ako"

"Eh bat dito ka pupunta?" Sabi niya sabay pag cross ng mga braso sa tapat ng dibdib.

"Pag bubuksan ka"

"Kaya ko punta na dun"

"Baka kase mauntog ka lampa ka pa naman ouchhh!" apaka sadista naman ng babaeng to. Kalahi ata to ni Jackie chan eh. Pumunta nalang ako sa driver seat para mag drive. Nagpa kwento nalang ako kay Cass sa mga ginawa niya nung absent ako para hindi ako maburyo habang nag dadrive.

"Lage lang akong nasa room nakikinig"

"Nakikinig sa daldal ni kate HAHHAHA"

"Madaldal ba yun? Mukhang masungit eh kaya di gumana pag papa pogi ni andrei"

"Ganun talaga yun" marami pa siyang sinabi about sa mga activities na binigay sa kanila.

"Baka next week hindi muna ako makasama sayo ah mag rereview kase ako eh alam mo naman quiz na tapos gawaan pa ng mga projects at activities" si Cass.

"Ok lang mag aaral din ako, mahirap na graduating baka mamaya di pa ako makapasa"

"Ano ba course mo?" Si cass.

"Seaman"

"Seaman? Baka seawoman"

"Grabe ah, wag naman ganun"

"Ayaw mong seawoman? Edi syokoy"

"Ewan ko sayo"

"HAHAHAHAHA" napuno lang kami ng asaran hanggang maka rating sa bahay nila.Hindi na ako pumasok sa loob dahil pagabi na rin.

"Ingat ka!"si Cass. Ngumiti nalang ako bilang tugon. Sinarhan ko na ang bintana at inopen ang sounds para hindi ako mabugnot habang nag ddrive. Sakto namang napatapat sa radio. Hinayaan ko nalang.

"Sa mga may nililigawan diyan galaw galaw baka pumanaw"radio.Grabe naman tong announcer na to panaw agad? Aba naman. Nilipat ko nalang sa ibang station. Pindot lang ako ng pindot para mag hanap ng ayos na kanta kaso wala naman akong nagustuhan kaya pinatay ko nalang uli at nag focus nalang sa pag dadrive.

"Parang hindi galing sa sakit ah" si dad

"Ganun talaga makita lang si ate cass tanggal lahat ng sakit"si chared

"Luh yung ralph mo nga kamukha ni bugs bunny eh"ako

"Ang hard naman ni kua siya na ng pinuri tapos balik pam bully" hindi na ako sumagot kay chared.Dumiretso nalang ako sa table para kumain.As usual nag kwentuhan lang din kami habang kumamakain at sabay sabay na nagligpit saka bumalik sa kanya kanyang mga kwarto.Lumigo ako para naman mahimbing ang tulog ko.

Sa nagdaang sabado at linggo ay nag review lang ako para sa exam next week.Ginawa ko rin ang ibang mga projects at activity.Tulad nga ng sinabi ni Cass hindi na muna kami lumabas para makapag focus kami sa mga school works. Sa thursday at friday pa naman yung exam pero nag review para hindi ako mahirapan pag aralan ang bawat subjects.

"Mom pasok na po ako ah bye" paalam ko kay mom pagkatapos humalik sa pisnge niya. Ngiti na lamang ang itinugon niya dahil tumutulong siya kay manang na mag punas ng mag gagamitin nila sa pag babake.

Hindi na din naman sumabay si Cass dahil dumating daw nung Saturday yung kuya niya kaya mag isa lang akong nag drive papuntang school.

Susunod.  .   .

Dont forget to vote thankyou😘

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now