[CHAPTER 2]
Ano ba yan kinikilig ako hawak nya pa kasi ang kamay ko pinagtitinginan narin kami nang mga estudyante dito yung iba nakikilig at naiingit. Ilang minuto rin ay huminto kami sa isang kwarto mukhang office nya ito binuksan nya naman ito gamit ang kanyang susi hawak nya parin ang kamay ko kaya naman sigurado akong namumula narin ang pisngi ko.
Nang makapasok na kami hindi naman gaano ka dilim kasi meron ding nakatakip na itim na kurtina sa bintana ang palagid naman ay white meron ding chandelier din at malaki din ang kanyang table may computer, malaking lalagyan nang mga libro karamihan sa libro nya ay luma.
Binitiwan nya ang kamay ko at umupo sya sa swivel chair at pinagmasdan ako para akong hihimatayin sa ginagawa nyang pagtitig hindi narin ako makahinga nang maayos.
"Umupo ka"sabay lahad nya sa upuan kung saan malapit sa kanyang table kaya naman umupo ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko yumuko ako, sumandal sa swivel chair nya habang pinagmamasdan ako.
"I'm sorry"bigla kung inangat ang ulo ko dahil sa sinabi nya ano daw Sorry kaya naman ay nagkatitigan na kami pero mukhang hindi sya magpapatalo sa titigan naming dalawa kaya ako na ang unang bumitaw at binaling ang tingin sa paligid.
"Ah... Prof. ako dapat ang mag sorry kasi naman kasalanan ko naman yun dahil natutulog ako sa klase nyo at lumalipad ang utak ko" bigla namna syang tumayo at naglakad patungong Ref. Tinignan ko sya may nilibas syang isang strawberry ice cream pumunta sya sa maliit nyang kusina at kumuha ng kutsara.
Lumalapit sya sa akin binuksan nya ito umupon sya sa harapan ko at laking gulat ko na binigay nya ito sa akin.
"Para sa akin?"turo ko sa sarili ko.
"Sino pa ba ikaw lang namang ang iyaking bata dito"nagulat naman ako sa sinabi nya at ngumisi ako
"Ako iyaking bata hindi ah"sabay sandok nang Ice Cream.
"Tss"sabi nya at nag dikwatro sya sumandal sya sa upuan naiilang ako sa paraan nang pagtitig nya sa akin.
"Gusto mo?"umiling lang sya kaya naman nag simula naman akong kumain.
"Kamukha mo talaga sya"malamig nyang sabi kaya naman na patingin ako sa kanya.
"Ahh sino yung kamukha ko?"sabay kagat sa kutsara tumingin sya sa akin umiwas din sya agad tumayo sya at bumalik sa swivel chair.
"Prof. ilang years na kayo nang asawa nyo?"tinignan ko sya tumingin din sya sa akin
"Hindi ko alam"
What hindi nya alam!
"Paanong hindi mo alam dapat alam mo yun dahil especial ang date na yun"disappoint na sabi ko umiling lang sya tumingin naman ako sa kamay nya walang singsing.
"Prof. yung singsing nyo?"tinaasan nya na ako nang kilay wag nyang sabihin wala rin sya non.
"Wala ako non"napasapo naman ako sa noo ko kayang tinaasan nya ako nang isang kilay nya.
"Alam niyo Prof. ang wierd mo ikaw lang yata ang kilala kung may asawa na hindi alam kung kaylan na sila at walang singsing"natatawang sabi ko.
"Taga-saang planeta kaba ano ka Alien"natatawang sabi ko.
Sumasakit na ang tyan ko dahil sa sobrang tawa ko naiiyak narin ako tinignan ko naman sya at nasilayan ko ang guhit nang ngiti nya sa kanyang labi mukhang nagi-enjoy sya na pagmasdan ako tumigil ako.
"Tss na kakatawang pagmasdan ang paglaki nang bunganga ko Prof. no?"sabi ko kaya naman umayos sya nang upo.
"Tss hindi ko naman kasi sinabi na tumawa ka"cold nyang sabi
"Oo nga no, balik tayo sa buhay mo"
"Anong buhay ko?"
"Yung pagiging alien nyo"umiling sya.
"Tapusin mo na yan at pumunta kana sa susunod mung klase"ngumuis ako sa sinabi nya.
"Paano kung ayoko ko?"
"Kakaladkarin kita palabas"natawa naman ako sa sinabi nya.
Kinikilig talaga ako shemay! Lumipas ang ilang araw ay na realise ko na malakas talaga ang tama ko sa kanya kahit hindi naman ako umiinom. Napabuntog ako ng na serirmunan nya na naman ako kinaladkalad nya ako kanina sa hallway at sinabihan ng masasakit na salita kanya hinanap ko sya para humingi ng tawad ng makita ko sya mabilis ang lakad nya.
Naglalakad ako dito sa hallway sinundan ko kasi si Prof. kanina ko pa yun hinahanap nasaan na ba kasi yun. Matagal ko na kasing gusto si Prof. simula nang masilayan ko ang kaastigan nya, ka gwapohan nya at higit sa lahat sobrang talino pa akalain mo Professor na Doctor pa dagdag mo pa na mayaman ito.
Kaya nga tuwang-tuwa ako dahil sya ang subject teacher namin sa chemistry lahat nang studyante at teacher na babae ay pinagkakaguluhan sya mapa-matanda man o mapa-asawa, mapag-jowa ay patay na patay sa kanya.
"Nasaan naba kasi sya?"siguro badtrip na naman sya sa akin kasi kanina ay sinigawan nya ako dahil hindi na naman ako nakagawa nang assignment at ako naman si tanga ay ngumiti lang sa kanya.
"Ugh~"napahinto naman ako sa paglalakad dahil may narinig akong ungol nang lalaki kaya naman tinignan ko yun at laking gulat ko kung sino ang nakita ko si Prof. may hinahalikan syang lalaki sa leeg. Na patapik naman ako sa noo ko dahil hindi ko ma proseso sa utak ko ang nakikita ko hawak nya ang kamay nang lalaki para hindi ito gumalaw panay ungol naman ang lalaki.
Para akong masusuka sa nakikita ko si Prof. baklush as in bakla kaya naman ay tumalikod na ako sa kanila mukhang masusuka yata ako sa nakikita ko. Kaya pala walang effect kay Prof. ang pagpapa-cute ko kulang nalang mag hubad ako sa kanya para mapansin nya ako pero wala eh. Napapansin nya lang ako pag wala akong assignment sa subject nya at palaging palpak sa training.
Sh*t
Hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko napalundag naman ako nang may biglang may humawak sa braso ko at hinigit ako upang mapahawak ako sa matipunong dibdib nya amoy palang alam ko na kung sino ito.
"May nakita kaba?"malamig nyang sabi sinalubong ko ang kanyang malumanay na asul na mga mata kinakabahan ako dahil sobrang bilis nang tibok nang puso ko dahil sobrang lapit namin pero nang biglang nang sink sa isipan ko ang ginawa nya kanina ay lumayo ako sa kanya at yumuko.
"May nakita kaba?"maotoridad nyang sabi napalunok naman ako dahil sa boses nya kaya napaangat ako nang tingin sa kanya nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil kinakabahan ako.
"Wa...wala"sh*t nautal pa ako mukhang hindi sya naniniwala kaya lumapit sya sa akin samantalang panay atras naman ako dahil sa kinakabahan ako at hindi ko rin alam kung bakit basta nag huhurimintado ang puso ko. Hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa pader nagulat ako nang bigla nya akong kinorner gamit ang dalawang kamay nya.
"Kung may nakita ka man ay kailangan mung kalimutan yun"seryosong sabi nya kaya naman na pangiwi ako
"Wala nga akong nakita-"nagsalubong ang dalawang kilay napanguso naman ako mukhang wala naman akong choose kundi ang umamin sa kanya"Alam mo Prof. crush pa naman kita tapos malalaman kung baklush ka as in bakla"nanlaki ang kanyang dalawang mata dahil sa sinabi ko.
"Anong sabi mo?"galit nyang sigaw lagot kana Freya.
"Alam mo Prof. okey lang sa akin kung may karelasyon kang lalaki okey lang yun dahil nagmamahal ka-"mas lalo syang namula dahil sa galit.
Nagulat ako nang bigla nyang hinawakan ang baba ko at hinalikan sobrang diin yun may kung ano akong naramdaman na matulis sa loob ng bibig ko. Natulala lang ako dahil sa ginagawa nya hindi ako makapikit higit sa lahat ay nahihiya ako dahil first time kung ang mahalikan hindi rin sya tumgal doon agad din syang lumayo sa akin at tinaasan ako nang isang kilay.
"Yun pala ang na sa isip mo"sabi nya nag mamalik-mata lang ba ako dahil nakita ko ang dalawang pangil sa bibig nya at ang asul nyang mata ay naging pula.
Ilang segundo ay parang biglang nanlabo ang paningin ko, nanghihina rin ako agad akong natumba bago ako lamunin ng kadiliman ay kita ko ang ngisi sa mga labi nito at higit sa lahat ang dalawang pangil nya sa loob ng bibig nya.
MoonLoverPrincess2
DONT FORGET TO VOTE

BINABASA MO ANG
VAMPIRE PROFESSOR [COMPLETE]
Про вампировWhat if your professor is a vampire what will you do?