CHAPTER 4

421 15 0
                                    

[CHAPTER 4]

HUMINTO ang black van namin sa white gateat pinagbuksan naman ito pumasok na kami sumalubong sa amin ang mansion. Pinagbuksan naman ako at sumalubong naman ang mga nasa 30s maid at kinuha ang bag ko.

"Iha kumain kana?"ngumti lang ako kay manang Ina.

"Hindi po ako gutom"sabi ko at pumasok na sa mansion at umakyat sa mahabang hagdan namin pag kaakyat ko kita ko ang isang malaking Frame.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong humiga sa hindi gaano  kalakihang kama dahil gusto ko lang kasi yung tama lang sa akin. Nababagot ako iniisip ko kasi yung nangyari kanina yung kagagahan na nagawa ko paano na ako haharap kay Professor Leon Vox kung nalaman nya na ang totoong nararamdaman ko.

Lalo na yung mga sinabi nya sa akin na hindi mawawala sa isipan ko.

"Alam ko na ang mga style na yan kaya kung pwede ba tigilan mo na dahil naiirita lang ako sa mga babaeng gumagawa nang paraan para makuha ang atensyon ko"frustration nyang sabi.

"At pwede ba wag mo bigyan dahilan ang pagiging antukin mo at lumilipad ang utak mo para mapansin kita"

Naiyak na naman ako nang maalala ko yun kung paano nya ako iniwan at walang pakialam sa akin. Bigla akong napabangon yung isang eksena na parang totoo hinawakan ko ang labi ko.

"Halik"sabi ko para kasing totoo yung pakiramdam na sobrang lambot at amoy strawberries.

Napahawak ako sa puso ko sobrang bilis nang tibok nang puso ko nababaliw na ang psuo ko dahil walang hinto sa pagbilis nang tibok.

Sh*t

Agad kung sinabunutan ang buhok ko.

"Baliw ka na ba sa tingin mo hahalikan ka nya?"sabi ko sa sarili ko.

"Baliw kana"pero hindi ko mapigilang makilig para kasing totoo sh*t nababaliw na yata ako.

"May asawa na sya Freya kaya tigil mo na"pagkukumbinsi ko sa sarili ko pero itong sarili ko hindi na naniniwala.

Napalundag naman ako nang biglang nang ring ang phone ko.

Suki Calling.....

Lintik ka talaga suki palagi mo nalang ginugulo ang imahinasyon ko.

"Hello"inis kung sabi tumawa naman sya

[Hahahaha ano nasira ko ba ang lambingan nyo ni sir]sabay tawa nya

"Tumigil ka nga ano ba yun?"sabi ko tumigil naman sya sa pagtawa.

[Nakalimutan mo naba mag na night club tayo ngayon]oo nga pala kaya natampal ko ang noo ko nawala yun sa isipan ko.

"Eh paano ako makakatakas eh halos nasa paligid ng mansion namin ay may bantay"sabi ko rinig ko ang pag buntog hininga nya.

[Gumawa ka nang paraan bahala ka marami pa naman na boys dito]

"Nag papainggit ka pa oo na gagawa ako nang paraan saan bang club yan"

"Sige"

[8:00 dapat nandoon kana]

"Oo nga sige"

"Paano ako makakatakas nito?"muling akong humiga sa kama ko at nagpakawala nang buntog na hininga. Bumangon na ako pumunta sa CR muling hinubad ang lahat nang suot ko at nag babad sa bathtub. Pagkatapos ay kinuha ko ang robe ko at kinuha ang blower pinatuyo ko ang brown kung buhok  hanggang bewang ko nag lagay narin ako ng red lipstick, foundation at blush on. Simple lang ang gusto ko naghanap ako sa clothset ko nang susuotin ko nakita ko naman ang floral tube dress ko hanggang tuhod. Ready na ako paano ako makakatakas dito binuksan ko ang ang pinto at nagsilip abala ang mga maid sa paglilinis nasa labas naman ang mga guard.

VAMPIRE PROFESSOR [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon