[CHAPTER 10]
SIGURADO akong namumula na ang mukha ko dahil sa kagagahan na sinabi ko unting-unti syang lumingon sa akin blangko ang kanyang expression.
"Anong sabi mo?"malamig nyang sabi lumunok mo na ako bago nagsalita.
"MAHAL KITA"sabi ko at sabay tingin sa baba dahil hindi ko kayang tumingin sa asul nyang mga mata.
"Hindi mo ako pwedeng magustuhan kaya tumigil kana"natulala ako dahil sa sinabi nya at ngayon bigla akong nagkaroon nang lakas na sabihin to.
"Eh ano naman kung Bampira ka ang mahalaga Mahal kita"nababaliw ka na talaga Freya.
"Mahal? hindi ko yun nararamdaman hindi tumitibok ang puso ko kaya naman ilaan mo nalang sa iba ang salitang binitiwan mo sa akin"naiiyak naman ako sinabi nya.
"Bakit sa iba ikaw ang gusto ko ikaw lang"sigaw ko sabay iyak ko.
"Pero hindi kita mahal"doon gumuho ang mundo ko sa sinabi nya.
"Kaya naman umalis kana at wag kanang lalapit sa akin"sabay hila nya sa kamay ko natulala lamang ako dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko.
Hinatid nya ako sa mansion namin, hindi ako makausap nang matino ni manang dahil sa pagiging tulala ko at ganun din sa pag pasok ko tulala rin ako.
"Guys hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko"sigaw nang tsismosa kung classmate kaya naman ay nakatingin kaming lahat sa kanya.
"Si Professor Leon Vox ay aalis nasa pagiging Professor"lahat kami ay gulat na gulat sa sinabi nya.
Agad akong tumayo at tumango sa office nya nang makarating na ako ay binuksan ko ang pinto naabutan ko naman sya na nagliligpit.
"Bakit ka aalis?"naiiyak kung sabi pero hindi nya ako nilingon.
"Bakit?"sigaw ko nilingon nya na ako at walang kahit anong expression sa mukha nya pinagmasdan nya lamang ako pinunasan ko ang mga luha ko.
"Dahil ba sa akin?"sigaw ko hindi sya sumagot.
"Hindi ko naman sasabihin ang sekreto mo lalayo na ako sayo basta wag kalang umalis"naiiyak kung sabi napaluhod na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Akala ko hindi na sya aalis dahil sa ginawa ko pero tinalikuran nya na ako napahagulgol nalamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin at patunayan sa kanya na mahal na mahal ko sya ngayon wala na sya anong gagawin ko.
Hindi ako mapatahan nina Suki at Mark dahil panay iyak ako hindi nila ako naiintindihan kung bakit ako umiiyak kahit ako hindi ko alam kung bakit sobra akong nasasaktan siguro mahal na mahal ko na talaga sya kahit sobrang labo na magustuhan nya ako.
Ilang araw din naging normal narin ang takbo nang buhay ko may ibang nalulungkot dahil hindi nila matanggap ang pagkawala ni Prof. Leon Vox kahit ako nahihirapan na tanggapin na hindi ko sya na makikita pero anong magagawa ko hindi ko naman hawak ang desisyon nya. Pinilit ko nalamang mag focus sa ibang bagay kaysa isipin sya nung una sobrang hirap pero habang tumatagal na lumilipas ang araw ay unting-unti naging ma ayos ang lahat sa akin. Madalas hinihiling ko nasa nandito sya tabi ko pero sobrang labo naman na mangyari yun.
Day has passed and months ay 3rd year college na ako naging normal na ang lahat, nung araw na na umalis si Professor Leon Vox ay umalis narin si Blake. Tanging ako lamang ang nakakaalam nang tungkol sa sekreto nang dalawa na naging parte nang buhay ko.
4 years ago
Nandito ako sa malaking hospital naging isa akong sikat na Doctor pinagmamasdan ko ang mga puno sabay hampas ng hangin na tumatama sa mukha ko nandito ako sa park para sa akin malinaw parin ng lahat kung paano ko sya nakilala at kung paano na tapos ang kwento naming dalawa na hindi ko manlang ipinaramdam sa kanya na mahal na mahal ko sya.
Ilang taon na ba ang nakakalipas ng huli ko syang nakita ang naalala ko lamang ay college student ako non nasa office nya ako at nagmamakaawa na wag syang umalis pero tinalikuran nya ako hindi ko naman sya masisisi dahil alam kung may dahilan sya.
"Nasaan ka na kaya?"bulong ko sa kawalan isang bagay ang pinagsisisihan ko sana hindi ko nalang inamin ang nararamdaman ko at sana dumistansya nalang ako sa kanya siguro hindi sya lumayo.
"Professor Leon Vox"hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko.
Buzz Buzz
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang tumatawag.
Unknown Number
"Sino to?"
"Hello"
"Hello"walang sumasagot.
"Sino to?"pero wala parin.
"Hello kung wala kang sasabihin papatayin ko na to"bigla naman syang nagbuntong hininga.
"Hello Prank ba to?"sabi ko pero wala paring sumasagot pero ilang segundo lamang ay sumagot na sya.
"I miss you"nanginig akong hinawakan ang cellphone ko ang boses na to bago pa ako makapagsalita ay pinatay nya na ang tawag.
Totoo ba to?
Hindi ko mapigilang ngumiti napatingin naman ako sa dalawang sapatos na huminto sa harapan ko kaya naman ingat ko ang ulo ko.
"Professor Leon Vox"nakangiting sabi ko.
MoonLoverPrincess2
DONT FORGET TO VOTE

BINABASA MO ANG
VAMPIRE PROFESSOR [COMPLETE]
VampirgeschichtenWhat if your professor is a vampire what will you do?