[CHAPTER 5]
"Ang sakit nang ulo ko"pagrereklamo ko dahan-dahan akong bumangon ano bang nangyayari wala akong maalala ang natatandaan ko ay uminom ako nang marami at hanggang doon lang.
"Mabuti gising kana"napatingin naman ako kay Manang na may dalang sopas.
"Ano po ang nangyari?"sabi ko binaba nya ang sopas sa table ko.
"Hinatid ka dito ni Suki at lasing ka pa hindi ko ito sinabi sa mommy at daddy mo dahil alam kung papagalitan ka nila"kaya naman niyakap ko si manang.
"Salamat po"
"Kainin mo na ito at maligo Kana dahil anong oras na may pasok ka pa"na alarma naman ako sa sinabi ni manang kaya ay kinuha ko na ang sopas.
"Eh sige bilisan mo"tumalikod na si manang at sinira ang pinto.
Mabilisan kung kinain ang sopas kahit sobrang init pagkatapos ay agad akong tumakbo sa Cr at naligo mabilisan lang ang ginawa ko ganun din sa pag blower na hindi gaano na tuyo agad hinalungkat ko ang clothset para kunin ang uniform. Tumakbo sa hagdan dahil sobrang late na talaga ako sigurado akong sesermunan na naman ako ni Professor.
Sh*t
Mapapahiya naman ako nito sa harap nang mga classmates ko lalo na sa kanya aala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako nang mga studyante dahil panay takbo ko. Huminto ako sa tapat nang classroom namin huminga ako nang malalim para i-relax ang sarili ko sa maaaring mangyari pag pasok ko. Hinawakan ko ang doorknob sa likod ako dumaan dahil hindi naman ako tanga para dumaan sa unahan kaya sa likod ako dumaan dahil late na ako.
Ito na relax Freya relax pagbukas ko nang pinto ay natigilan si Prof.
"I was saying-"napatingin si Prof. sa akin at ganun din ang mga classmates ko na nagtataka kung Bakit huminto si Prof.
Nakatingin na silang lahat sa akin.
"At bakit ka late Ms. Freya?"malamig nyang sabi patay ka na naman humanda ka na sa sermon.
"Ah....eh-"pinutol nya ang sasabihin ko.
"Hindi kita pa pinaparecite nang alphabet"inis nyang tugon hindi magawa nang mga classmates kung matawa dahil baka madamay sila sa kasungitan ni Prof.
"At bakit ka late?"maotoridad nyang sabi kaya naman napalunok ako dahil sa tono nang boses nya.
"Kasi traffic"sh*t traffic hindi na uso ang traffic para gawing dahilan.
"Traffic?-"ngumisi sya
"Nag papatawa kaba sa classroom na ito ikaw lang naman ang late at ang pagkakaalam ko hindi kalayuan ang bahay nyo sa school"pagpapaliwanag nya.
Natigil sya pagsermon nang may kumatok sa pintuan at pumasok si dean.
"Good morning dean"bati naming lahat na katayo parin ako at nakatingin sa akin si dean.
Patay na talaga ako nito.
"Late ka na naman, Ms. Freya"tumango naman ako kay dean.
"Ah.. by the way Mr. Vox may new student akong kasama iho pumasok ka"sabi ni Dean.
Pumasok naman ang isang matangkad na lalaki na hanggang leeg ni Professor Vox nagsimula namang magbulong-bulungan ang mga kaklase ko lalo na dahil gwapo ito nakapamulsa ang dalawang kamay nya sa loob ng pantalon seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.
What sa akin?
Kulay berde ang kanyang mga mata, maputi rin ito na parang walang dugo sa katawan at kung makatingin sa akin ay parang gusto akong patayin.
"Sige maiwan ko na kayo"sabi ni Dean at sinarado ang pinto.
Seryoso naman na nag tinginan ang dalawa na para bang may pinaguusapan sila gamit ang mata sa mata ilang segundo ay nagsimula nang maglakad yung lalaki na nakatingin sa akin at ngumisi. Problema nito, sinundan ko pa ito nang tingin na paglundag naman ako dahil sa boses ni Professor.
"Umupo ka na pag katapos ibibigay ko sayo ang parusa mo"ano daw parusa minamalas nga naman baka palinisin nya ako sana wag naman.
Hindi ako makapag focus sa mga pinagsasabi ni Prof. dahil lumulutang na naman ang utak ko bigla naman ako nakaramdam nang kakaiba sa katawan ko na para bang bigla akong nanlamig at pakiramdam ko may nagmamasid sa akin hindi ko alam kung saan. Pinikit ko ang dalawang mata ko.
"Tulong, tulong"sigaw ko dahil nasa bangin ako at sa hindi inaasahan ay nawalan ako nang preno kaya bumangga ako sa puno kung saan malapit sa bangin. Marami naring dugo ang nawawala sa akin at nanghihina narin ako dahil wala na akong lakas nanlalabo narin ang piningin ko hindi narin ako makahinga nang maayos.
"Tulong"mahinang sabi ko mahuhulog na ako sa bangin kunting galaw ko lang ay mahuhulog na ako sa hindi inaasahan ay unting-unti na dumudulas ang kotse ko.
"Tulong"isang mahinang boses pinikit ko nalamang ang mga mata ko at hinintay ang kapalaran ko pero ilang minuto ay hindi bumagsak ang kotse na sinasakyan ko bigla itong gumalaw na para bang may humahatak. Tinignan ko ang side mirror kung sino ang gumagawa non isang lalaki na may cap sa ulo mahaba ang kanyang buhok tumingin sya sa akin kaya naman nakita ko ang asul nyang mata nakaranig ako nang mga iilang boses.
"Miss Freya Smith"malamig nyang sabi.
"Miss Freya Smith"hanggang sa na idilat ko ang dalawang mata ko hbol hininga akong na napatayo nagulat silang lahat dahil sa inakto ko.
Panaginip!
Napanaginipan ko na naman!
"Miss Freya Smith"agad akong napatingin sa kanya bigla akong kinalabutan nang nakita ko ang asul nyang mga mata hindi ko alam kung bakit pero kalaunan ay biglang naging mahinahon ang puso ko baliw na ako oo talagang baliw na ako dahil niyakap ko sya ng makalapit sya sa akin.
"Ohhhh"sigawan nang mga classmates ko tinutulak nya ako pero maslalo ko lamang hinigpitan ang yakap ko.
"Thank you"hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.
Gulat na gulat sya dahil sa sinabi ko hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko dahil sa panaginip ko na apat na taon na ang nakakalipas ang aksidente na yun pero nananatili paring alaala sa akin.
MoonLoverPrincess2
DONT FORGET TO VOTE

BINABASA MO ANG
VAMPIRE PROFESSOR [COMPLETE]
VampirosWhat if your professor is a vampire what will you do?