CHAPTER 9

338 11 0
                                    

[CHAPTER 9]

NANDITO ako sa kotse nya nagmamaneho sya at ako naman panay tingin sa kanya.

"Tigilan mo yan Freya"malamig nyang sabi sa akin.

"Ang alin?"sabi ko tumingin naman sya sa akin

"Ang pagtingin sa akin"sabi nya at tumingin ulit ako sa kalsada.

"Tumitingin lang naman"bulong ko

"Ano yun?"

"Wala"sabi ko.

Pinikit ko ang dalawang mata ko.

Mga pangil at namumulang mga mata ang nakikita ko sa isang lalaki na na katayo sa harapan ko hindi ko makita ang mukha nya dahil nasa dilim sya. Unting-unti na lumapit sya sa akin at para syang mabangis na lobo dahil ang mga pangil nya ay sobrang nakakatakot at para syang uhaw na uhaw.Nagulat ako nang nasa harap ko na sya pero hindi ko parin makita ang mukha nya nagulat ako nang sinakal nya ako gamit ang kaliwang kamay nya mahaba ang mga kuko nya.

Hindi ako makahinga dahil hawak nya ang leeg ko.

"B...bitiwan mo ako"sigaw ko pero mas lalo nya lamang hinigpitan ang leeg ko.

Nagulat ako nang pumunta sya sa leeg ko at naramdaman ko ang kung anong matulis sa leeg ko.Na pa-aray ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sinipsip nya ang leeg ko.

Halimaw sya

"Freya"

"Freya"isang boses ang naririnig ko

"Freya gising"sabay hawak nya sa balikat ko napabangon ako napahawak ako sa leeg ko.

"Okey kalang ba?"nakatingin naman ako kay Leon kitang kita sa mukha nya ang pagtataka at pag-aalala.

"Panaginip"sabi ko

"Ano bang na paniginipan mo?"seryosong sabi nya napa iyak naman ako at bigla nya akong niyakap .

"Panaginip lang yun tama na"sabi nya pero humagulgol ako parang totoo

"Halimaw"sabi ko napa bitaw naman sya nang pagkakayakap sa akin.

"Halimaw"tumango naman ako sa sinabi nya

"Oo leon parang uhaw sya sa dugo may dalawang pangil din sya mahaba ang mga kuko at pula ang mga mata"nagulat naman sya sa sinabi ko lumayo sya nang kunti sa akin.

"Tapos kinagat nya ang leeg ko at sinipsip ang dugo ko"naiiyak na sabi ko pero umiwas sya nang tingin sa akin.

"Panaginip lang yun Freya na pagod ka lang hindi totoo yun"sabi nya tumango naman ako.

Tahimik ang naging byahe namin at huminto ang sasakyan nya sa gate bumaba na ako nag pasalamat ako sa kanya pero ngumiti lamang sya.

Kinaumagahan ay hindi pumasok si Prof Leon dahil may mahalaga daw itong pupuntahan napatingin naman ako sa transfery na sobrang sama kung makatingin.

"Sino ba sya?"bulong ko kay Mark.

Tinignan naman ni Mark yung lalaki.

"Si Blake"bulong ni Mark napatango naman ako

"Bakit crush mo?"bulong nya sa akin at ngumisi si gago kaya naman sinapak ko sya.

"Ang sakit mag kaibigan talaga kayong dalawa ni Suki"sabay himas nya sa braso nya.

"Wala si Prof"

"Oo nga ang sad"

"Boring"

Tama sila boring talaga hindi kami maka focus lahatdahil wala si Prof dahil sobrang boring ang tumuturo sa amin. Uwian na at pumunta naman ako sa cleaning room para kunin ang walis, naglalakad ako sa hallway nang biglang may humila sa akin na papikit nalamang ako at sinandal nya ako sa pader. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang inamoy nya ang leeg ko.

"Kaya pala"isang baritonong boses dahan-dahan kung minulat ang dalawang mata ko at nakita ko naman si Blake yung masamang makatingin sa akin.

"Ano ba ang kailangan mo?"sabi ko ngumisi naman sya sa akin lumayo naman sya sa akin at seryoso akong tinignan.

"Hindi mo alam ang kung anong pinasok mo mortal"seryosong sabi nya sa akin at unting-unti sya lumapit sa aking sabay bumulong sa tainga ko.

"Hindi ka makakaligtas sa mga kamay nila at lalo na sa kanya"lumayo na sya sa akin at nag lakad pero huminto sya.

"Kung ako sayo mortal lumayo ka na sa kanya bago ka pa mapahamak at ganun din sya"sabay lakad nya. Nakatingin naman ako sa kanya habang papalayo sya sa akin anong pinagsasabi nya at sino ang lalayuan ko. Mukhang nasisiraan ang isang iyon sayang gwapo pa naman sya pero may sayad sa utak.

Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi ni Blake bahala nga sya sa buhay nya. Namimis ko na si Leon nasaan na sya bakit hindi sya pumasok. Tahimik ang paligid tanging hangin lamang ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko may nakamasid sa akin. Sana ngayon pumasok na sya bigla nag bukas ang pintuan natigilan ang lahat at napatingin sa unahan.

"Si Prof. Leon"sigaw namin nakangiti ako na parang temang dahil pumasok na sya.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas at sinundan sya pumasok sya sa storage room napaatras ako ng makita ang itsura nya. Ganito ang napapanaginipan ako ibig sabihin totoo lahat ng yun bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sobrang sa akit nito hindi ko na kinayanan ang sakit dahil upang matumba ako.

Bigla akong naalimupungatan napatingin ako sa pinto ng bumakas ito niluwa nito si Leon hindi ko mapigilang mangilabot at kabahaan.

"Wala nang epekto ang kapangyarihan ko sayo"seryosong sabi nya lumapit sya sa akin pero ako panay atras ko dahil sobrang bilis nang tibok nang puso ko natatakot ako.

"Sino ka?"

"Ano ka?"

"Hindi ka tao"

Yang ang mga salitang bitiwan ko sa kanya pero nanatili lang kalmado ang kanyang expression.

"Ano ka?"sigaw ko dahil naguguluhan na ako.

"I'm a vampire"naitikom ko ang bibig ko at tumawa.

"Vampire? hahaha wag mo naman ako lokohin"sabi ko pero seryoso lamang sya.

"Yung mga nakita mo totoo yung dalawang pangil na tumurok sa leeg mo-"sabay turo nya sa leeg ko "ako ang may gawa nyan na courios naman ako sa sinasabi nya kaya naman ay tumayo ako at tinignan sa salamin. Nanlambot ang dalawang tuhod ko dahil sa nakita ko dalawang bakas nang ngipin.

"Hindi ka nagbibiro?"seryosong sabi ko.

"Sa tingin mo nagbibiro ako?"seryosong sabi nya rin.

"Pero paano kayo nag e-exist! paano?"courios kung sabi napabuntong hininga naman sya at umupo sa kama habang ako naman ay na ka tayo at nakatingin sa kanya.

"Kailangan ko pa bang sabihin yan sayo ang gusto ko lang malaman mo ay kailangan mung mag ingat dahil kung hindi mo yun gagawin ay mapapahamak ka"sabay tingin nya sa akin.

"At bakit naman?"protesta ko.

"Dahil nalaman mo na ang sekreto ko kaya naman sa ayaw mo ay kailangan mong umiwas sa akin at lumayo"sabay tayo nya hindi ako maka react sa mga sinabi nya gusto nyang iwasan ko sya ipaano ko yun gagawin.

"Ayoko ko"matigas kung sabi nagulat naman sya sa sinabi ko

"Freya Smith"maotoridad nyang sabi pero tinapakan ko lang ang tainga ko para hindi ko sya marinig bahala na kung Bampira sya eh ano naman tao naman sya at MAHAL KO SYA.

"Sumunod ko nalang"sabay talikod nya sa sakin at nagsimula nang maglakad.

"AYOKO KO DAHIL MAHAL KITA"sigaw ko na ikinatigil nya.

Bahala na si Batman este ang kapalaran.

MoonLoverPrincess2

DONT FORGET TO VOTE

VAMPIRE PROFESSOR [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon