Tok.Tok.Tok.
"Lady, bumangon ka na! Malelate ka na naman!" sigaw ni mama.
Alam niya na gising na ako. Narinig na niya kasi na pinapatay ko ang alarm tuwing tutunog ito. Siguro mga one hour ago pa na ginagawa ko iyon, kaya napilitan na si mama na katukin ako sa kwarto.
"Limang minuto pa, ma" I bargained. Nakasara pa ang mg mata ko at nasa pagitan pa ng realidad at panaginip ang aking diwa. "Ayoko pa mawalay sa aking pinakamamahal at iniirog kong kama..."
"Lady Moreno Navarete, BUMANGON KA NA!" Pakiramdam ko masisira ang pinto ko sa lakas ng katok niya. "Last two weeks na nga lang ng pasukan, late ka pa rin!"
I pretended to snore loudly pero wa epek kasi si mama parang si Mike Enriquez. Hangga't hindi ako bumabangon, HINDING HINDI NIYA AKO TATANTANAN!
"Ah ganoon ha!" Narinig kong tinawag ni mama ang katulong namin. Ano na naman kaya ang pakulo nila para magising ako?
Nagtalukbong ako ng aking kumot habang yakap-yakap ang aking unan. Lalasapin ko muna ang nalalabing oras na makakapiling ko ang aking kama.
Narinig ko ang pagclick ng door lock at pagbukas ng pinto.
"One, two, three... Go!" excited na sabi ni mama.
Kleng, Kleng, Kleng, Kleng...
Napabalikwas ako sa kama. Anak ng hinayupak! Kinakalampang nina mama at Aling Bebang ang mga kawali. Naka-ear muffs pa sila. Non-stop kahit nakita na nilang bumangon na ako.
"Ma! Sasabog na eardrums ko!"
"Gising na gising ka na ba? Hangga't hindi ka bumababa hindi kami titigil"
"Uu nga, day! Bilisan mu tumayu riyan."
Napilitan akong tumayo at bumaba. Sumunod sina mama. Salamat sa diyos at tumigil na ang nakakabasag eardrums na tunog.
"Para kang bruha, Lady!" nakangising sabi ni Kuya Tim pagkaupong pagkaupo ko sa may hapagkainan. "Nakakabad vibes 'chura mo!"
"Grabe kuya! Nahiya naman ako sa polkadots mong necktie."
"Uso polkadots ngayon."
"Sino nagsabi? Yung girlfriend mong baduy?"
"Hindi siya baduy, iba lang talaga ang taste niya sa taste ng ibang tao." Si kuya talaga Laging may explanation sa lahat ng bagay. Ayaw pa aminin, eh baduy naman talaga gf niya. "Tignan mo, sakto rin. Nagkalampang ng mga kawali sina mama just for you. Makikijoin sana ako at makikisigaw ng happy new year."
"Whatever, kuya." Alam kong talo ako kaya nagstop na ako.
After kumain ni Kuya ay nauna na siya umalis. Kung gaano ako katagal kumilos at kalate na pumasok ay kabaligtaran ko si kuya. Lagi siyang on time at madalas ay maaga. Nakakainggit nga eh, kasi hindi niya kailangang magmadali Araw-araw.
Speaking of pagiging late. Binilang ko ang number of times na nalate ako this term. For this week, Isa pa lang naman, simula monday, which is yesterday. Parang naging long term goal ko na ang huwag malate. Ang hirap tuloy ireach.
Nanganganib na ata ako sa klase ko ngayong umaga. Naka labing apat na late na ata ako simula nung nagsimula klase. Sa tuwing malelate pa naman ako, laging may pinapagawa yung prof ko. Minsan pinapasayaw niya ako. Madalas ay pinapakanta ako ng kung Ano man maisipan niya.
"...Lady, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Kinakausap pala ako ni mama.
"Ay, Ano po iyon?"
"Ang sabi ko sunduin mo si Luc sa school. Alas dose labas niya. Di ba alas onse ang tapos ng klase mo?"
BINABASA MO ANG
My Heart is Late
RomansaLove, Pain, heartbreak ... Does time knows what he's doing?