Huwag po!

87 4 1
                                    

"Ms. Navarete, I want to hear your own rendition of bahay kubo in r&b!"

Ay kalabaw! Akala ko makakalusot ako. Malapit na sana ako sa upuan. Sana hindi na lang ako gumapang, napicture-an pa tuloy ako ni Marion, yung lokaret kong kabarkada. Souvenir daw.

"Ah sir, paano niyo po nalaman na nandito na ako?" Dahan-dahan akong tumayo. Lahat ng mata ng mga kaklase ko nakatitig. Nakakapressure tuloy. Nakatutok sa akin ang spotlight.

"May kaibigan akong multo, binulong niya sa akin." seryosong sabi ni Mr. Olaño.

"Sabi na nga ba hindi kayo psychic, eh." laking tuwa ko. "Yung singkwenta ko Meryll! Talo ka!"

Dinedma lang ako ni Meryll. Chaka toh! Di ako pinansin!

"What do you mean by that, Ms. Navarete? So you believe I have Casper by my side?" Ang talas ng tingin ni sir. Scary! "For your info Ms. Navarete, kahit gaano mo dahan-dahanin ang pagbubukas ng pinto ay maririnig at maririnig ko yan. Alangan naman hinangin yan or multo ang nagbukas ng pinto. Am I right, class?"

"Yes, sir." Nakikita kong pinipigilan ng mga kaklase ko yung tawa nila.

"To clear things up, I use deductive reasoning to determine the cause of a student's tardiness. I also read people's expressions. Like right now, alam kong tumakbo ka, hindi dahil sa late ka, kundi dahil may hinabol ka. Am I right? Sobrang haggard ng itsura mo compared sa nakaraang mga araw na late ka."

"Yes sir. " Whoa!

"In the end, hindi mo nahabol yung tao."

"Opo." Ang galing!

"Kaya umiyak ka."

"How did you know, sir?" Nanlalaki na mata ko sa sobrang pagka-amaze. Naghiyawan ang buong klase.

"Namumula mata mo, Ms. Navarete. May muta ka pa!"

"Ay, pasensya na po!" Pinunasan ko yung mga mata ko. Nagmuta pala yung tears ko kanina. Astig ni sir! Umupo na ako sa aking upuan.

"Ms. Navarete, you're forgetting something." Nakatayo lang si sir, habang nakatitig sa akin.

Akala ko nakalusot na ako. Pumunta ako sa harap ng klase at nag ala Alicia Keys. Anong sinabi ng r&b licks and riffs ni Beyonce sa version ko? Kabog na kabog ko ang diva. After ko kumanta, nagstanding ovation pa ang mga siraulo kong mga kaklase. Then, bumalik na sa pagtuturo si sir.

Di ko namalayan na natapos na pala ang klase. Nagsisilabasan na ang mga tao pero nakaupo lang ako sa aking upuan.

Napatingin ako sa may pintuan malapit sa blackboard, hindi ako makapaniwala, yung lalake kanina, nandoon siya, nakatayo. Nagwewave pa siya sa akin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Andun pa rin siya.

"Tara na Lady, tumayo ka na riyan." Humarang si Elsa sa aking line of sight. Ang sarap hilahin ng napakahaba niyang kulot na buhok.

"Bilisan mo." Tumabi si Meryll Kay Elsa. "Nauna na sina Marion."

"Ayan na po mga sizzles." Hinawi ko silang dalawa upang puntahan yung lalakeng green-eyed. Kaimbiyerna! Wala na si Yummilicious brazilian-japanese ken doll ko!

"Oh! Bakit nakabusangot mukha mo?" tanong ni Elsa.

"Wala." Nakakainis! Di ko nakita kung saan siya nagpunta. Irregular ba siya? Naglalakad na kami papunta sa room namin para sa stat.

"Ano ka ba friend? Dinaramdam pa rin niya yung lyrics ng bahay kubo. In fairness, natouch ako leidz." nakangiting tawa ni Meryll.

"Salamat, friend. Pinaalala mo pa talaga! Nakakaloka si sir. Anong naisipan niya at r&b pa talaga ang pinakanta? NAKAKAHIYA TALAGA!"

My Heart is LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon