Palaisipan #1

85 3 4
                                    

ANO BA KASI ANG LOVE?

Ay, Oo nga Pala! Maraming klase ng pag-ibig. Ang tinutukoy ko pala ay romantic love. Ano ba yun? Yun kasi ang di ko magets. Kaya siguro di ako biniyayaan ng diyos ng sandamakmak na pheromones (You know, yung hormones na nirerelease ng male or female to attract the opposite sex) dahil di ko naman daw kakailanganin. Gusto ata ni Papa God na magmadre ako. Uy bitter!

Kahit i-google ko pa ang romantic love ay Di ko talaga magets ang definition ng iba't ibang mga websites at mga tao. Kahit magbasa ako ng sandamakmak na romance novels ay Di ko siya maintindihan. Ano bang meron dun na ikinaiba niya sa filial at platonic love?

Hay buhay! Di ko pa kasi naeexperience kaya di ko magets. Sabi nga ng inay ko darating din daw yan. Parang order lang daw yan sa restaurant, kahit gaano katagal ang paghihintay mo, alam mong darating at darating yun dahil ang order na yun ay nakareserba lang para sayo. Except kung di ka nasabihan na di available yun sa menu. Naghintay ka sa wala. Malas mo, ineng! wala ka na nga lovelife, pati ba naman yung pagkaing gusto mo sa menu wala rin? Hala sige, maghintay ka forever. Adik din itong nanay ko noh? Pero may point siya.

Sana nga dumating din yung oras na ma-inlababo ako. Para mapatunayan ko na hindi ako manhid at hindi lang landi hormones ang ipinagkaloob sa akin.

.

END OF ENTRY.

My Heart is LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon