Bunso Problems

74 3 1
                                    

Thick smoke filled the air. Houses burned. Buildings crashed. Bodies piled up. Yan ang mga nangyari nung sumabog ang bomba sa Hiroshima. Maraming nasalanta at naapektuhan.

"Ate, ayoko na pumasok sa school." Luc frowned as we got off the white fortuner of the Randalls.

"Okay lang yun, wala namang nakapansin sayo." Binuksan ko yung gate.

"Wala nga nakapansin, may nakaamoy naman." He pouted. "Baka may manukso sa akin bukas, sa isang bukas at sa susunod na bukas."

"Walang manunukso sayo, kung meron, isumbong mo agad sa akin. Jojombagin ko yun! Sisiguraduhin kong wala na silang bukas." I raised my fist and punched an imaginary foe.

"Ang sweet mo pa lang ate." puri ni Nick. Bitbit niya yung stroller bag ni Luc. Hinampas ko siya sa braso. "Ang bigat ng kamay mo."

"Lady, i'm really sorry for the skirt." sabi ng mama ni Nick sa may passenger seat.

"Okay, lang po. Nakabawi na rin naman kayo, kasi natulungan niyo po ako sa nangyari kay Luc."

"Ate!" he shouted. Tinawanan ko lang siya.

"Buti na lang at dala namin yung old clothes ni Miley for charity."

Buti na lang. Itatago ko yang dress na yan. Kapag binata na si Luc, iyan ang magsisilbing paalala ng kanyang mapait na kahapon.

"You look lovely in that dress, Lucas." Miley complimented Luc, who hid quickly behind me. "Favorite ko yan dati kaya alagaan mo yan."

"Don't tell anyone." Luc said. "It's our secret."

Nagblush si Miley. So cute!

"Awww, ang cute, cute mo naman Miley. Huwag ka mag-alala, aalagaan niya yan."

Pagkatingin na pagkatingin sa akin ay nanlilisik ang kanyang mga mata. Nawala yung kacute-an na pinapakita niya kani-kanina lang. Ano ba nagawa ko sayo? What have I done? Tell me!

Natawa si Nick. "Kung ang tingin nakamamatay-"

"Patay ka na?" sabat ko. Makuha ka sa tingin.

"Tutulong ako sa pagtabon sa iyong hukay." Isang malutong na hampas ang natikman niya. "Martilyo ka ba, Lady?"

"Hindi, bakit?" Naks!

"Hindi kasi ako pako na pwede mong hampas-hampasin."

"Hmph! Sungit!" Akala ko pa naman... Pick-up line.

"Ganyan talaga." sabi niya. Sumakay na si Luc. Inistart na niya ang sasakyan.

"Mrs. Randall, marami pong salamat ulit"

"No worries." she said. "Ingat kayo."

"Bye, Luc." Nakadungaw sa bintana yung bratinella. Ang ganda niyang bata kaya lang mataray. Parang mini version siya ni Mrs. Randall. Long-haired, maputi at matangos ilong. Kapag tinatamaan ng araw ang buhok niya, nagiging golden brown. Ang cute talaga niya pero dinedma lang siya ng kapatid ko.

"Luc, say goodbye and thank you." Pinipilit ko siyang umalis sa likuran ko.

"It's okay, iha." Mrs. Randall said. "Medyo natrauma ata siya sa nangyari sa kanya. I understand, ganyan rin nangyari kay Nick dati."

"Ma!" he shouted. I can see from Mrs. Randall's window how his face became red from embarrassment.

Nagkatinginan kami ni Nick at ipinaintindi ng aking malagkit na tingin ang nais kong sabihin, "Ooooooohhh! Now, I know your dirty little secret, Mr. President."

My Heart is LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon