Tuliro

55 2 1
                                    

Ilang araw din akong tuliro. Nakakashock yung nabasa ko sa card. Dahil dun mas pinagpursigihan ko ang paga-aral para sa exams ko. Biruin mo ang tataas ng mga markang nakuha ko.

After ng exams, nagsimula na ang sembreak.

"Ma, labas lang ako." Hinalikan ko sa pisngi si mama.

"Saan ka pupunta? Huwag mo kalimutan mamaya-"

"I'll be there." Binuksan ko na ang pinto.

"May pag-uusapan pala tayo."

"Mama, later na lang or you can text it to me. Kailangan ko pa tumambling para di sila magalit dahil kanina pa ako hinihintay nina Elsa. Sobrang trapik daw."

"Sige, mamaya na lang."

"Love you much, bye."

#################

Madalang lang ang dumaraan na bus ngayon. Naghintay pa ako hanggang sa may dumating, pero nilampasan ako at tumigil dun sa kabilang kanto.

Binuksan ng driver ang pintuan, upang makasakay yung ibang pasahero na naga-abang sa kantong yun. Bumaba yung konduktor ng bus at sumigaw. "Nakatayo na!"

May ilan na sumasakay pa rin. Patungo na ako sa bus.

"Miss, bilisan niyo" Umakyat yung konduktor sa bus at dumungaw. Hinhikayat niya pa rin ako.

"Manong! Baclaran?"

"Oo!" unti-unting umandar ang bus.

Binilisan ko lakad ko. Pero unti-unti ring bumilis ang takbo ng bus. Napilitan akong tumakbo.

"Kuya, wait!"

"Dun sa isang kanto, bawal rito." Tinuro niya yung isang kanto.

"Huwag ka na maghabol. Mapapagod ka lang. Maghintay ka na lang ng ibang bus. Malay mo may mas maluwag pa." ang bulong ng isipan ko.

"Kaya ko pa habulin yung bus, malapit na ako. Kaunti na lang at 12 inches na lang, nasa tapat na ako ng pinto. Sinimulan ko, tatapusin ko." I told myself, as sweat trickled down my face.

Nakarating na kami ng kabilang kanto, pero hindi tumigil yung bus. May MMDA kasi na sumulpot. Si kuya konduktor nakatitig lang sa akin.

"KUYA, WAIT! HINTAY!" shocks! Nakakapagod tumakbo, ha. Yung mga pasahero ng bus nakatingin na sa akin mula sa kani-kanilang bintana. "LATE NA AKO! KAYA KAILANGAN KO SUMAKAY!"

"Miss, bawal, hindi na kita mahihintay."

"Paano yung effort ko?" Pilit ko pa rin hinabol yung bus.

"Pasensya, maghanap ka na lang ng iba. Marami diyan na darating din. Sadyang hindi ito ang bus na para sayo."

"HINDI AKO SUSUKO! PASAKAYIN MO AKO."

"Hindi talaga pwede, miss! At tsaka, masikip na rito. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo, kung meron namang ibang bus na handang magsakay sayo?"

"AYOKO SA IBA! ANG GUSTO KO IYANG BUS NA YAN! PLEASE STOP!" Fudge! Di na naawa si kuya.

"Wala ka ng space dito. Hindi ka ba napapagod? Huwag ka na umasa na maisasakay ka pa ng bus na ito." Mukhang seryoso si kuya.

"KUYA! IYANG BUS NA YAN ANG GUSTO KO AT WALA NG IBA, BUT YOU DON'T WANT ME! YOU WON'T LET ME IN! WHAT HAVE I DONE?"

"It's not you, it's us. It's better if you move on with another bus."

Crack! Heartbroken ako!

I stopped running after the object of my desire. Nakakapagod. Ayoko na. Akala ko mahahabol ko pa. In the end, the bus let me down. I chose him but he doesn't want me. Kapag iba, he let them in. Kapag ako, wala na space tapos bawal pa? Langhiyang buhay 'toh!

My Heart is LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon