Kiss me sabay... Hug?

30 1 0
                                    

Echos lang!

Hindi ako hinimatay. Exaggerated lang talaga ako.

"Lady!" sambit ni Hana.

"ANONG DAPAT KONG GAWIN SA SITWASYON NA ITO?" Ang sinisigaw ng aking damdamin.

CHA-CHING! CHA-CHING!

Tumigil bigla ang oras. Nag-freeze lahat. Kahit yung tumalsik kong mga paperbag na may pagkain, nakalutang sa ere. Yung mga tao sa paligid ko? Ayun, pinagpipiyestahan kaming dalawa ni ken doll ko. Nakalabas ang mga phone nila. Hindi ako makagalaw, Medyo mabigat siya.

Poof!

"Halasige, Lady, i-enjoy mo lang yang moment nayan. Minsan lang yan, sulitin mo na." ang bulong ng maliit na pulang tao na may sungay at buntot sa aking kaliwang tenga. Tatawagin ko siyang Red.

Poof!

"Lady, bilisan mo at itulak mo na yang lalakeng yan. Tumayo ka na. Habang tumatagal baka magkasala ka." sabi nung maliit na nakaputing nilalang sa kanan ko na may malaking puting pakpak at golden halo sa ulo. I'll call her Whitey.

"Grabe ka naman! Kasalanan agad?" sabi ko sa isip ko.

"Aminin mo, may iniisip ka pang gustong gawin sa kanya." pag-aakusa ni Whitey.

"Ang dumi ng iniisip mo! Hug lang naman! Nakakahurt ka." depensa ko.

"Talaga? Weh? Di nga?" todo ang facial expression ni Whitey.

Nung una di ko magets yung ibig niyang sabihin. Inosente De ti ang peg ko, pero sa bandang huli na-gets ko rin. I blushed. Hindi ako Manyak! Gusto ko lang naman hawakan yung Biceps niya eh. ang tikas kaya niya. Napatawa si Red.

"Hayaan mo na kasi mag-enjoy ang bata. Minsan lang naman sa tanang buhay niya mangyari iyan." sabi ni Red.

"Umayos ka Red! Hindi plano ng author nagawing rated spg itong story na ito. Baka mauwi yan dun!" laking takot ni Whitey.

"Huwag ka mag-alala pwede naman i-bleep ng author yung mga words or i-skip niya yung parte na yun."

"Ssssshhhh... Wag ka na magsalita Red! Nagbibigay ka na ng mga ideya!"

"Ummmm... Nandito pa po ako..." singit ko sa kanilang dalawa.

"Pasensya, pasensya." sabi ni Whitey. "Mabalik tayo sa usapan."

"Huwag mo na siya itulak, stay put ka lang. Hayaan mong siya yung magkusa tumayo diyan." he grinned.

"Pwede, magandang payo yan." I considered.

"Lady, Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila ito?" sabi ni Whitey.

"Ay, may point ka."


"I shall return!" sabi ni Red kay Whitey.

Poof!

Naglaho si Red.

Poof!

Naglaho si Whitey.

CHA-CHING! CHA-CHING!

Na-unfreeze lahat ng bagay sa paligid. Gumalaw ulit lahat.

Itinulak ko si Ken Doll paalis sa akin. Tumayo naman siya.

"Holey Moley!" I gasped for air pagkatayo ko.

Tinitigan ko si Ken doll at nakatitig din siya sa akin. He's actually glaring at me.

Nasaan na yung sweet at smiley faced crush ko? Anyare? Nahalikan lang kita .. nagtransform ka na into a glaring monster.

Ano meron sa hininga ko at nag-iba ang ihip ng hangin?

"Hey, woman! Will you please remove your existence from my presence. I wanna vomit just breathing the same air as you." sabi ng loko.

"Aba! May pagkatsundere ka pala ha! Di ko alam. Sorry na."

He kept staring at me then he remembered the gossipmongers na walang magawa kundi makititig at kumuha ng pictures namin.

"The show's finished so get on with your life, worthless human beings!" shet! bakit ang sarap pakinggan ng boses niya kahit sumisigaw siya?

"You! Don't call them worthless human beings! You have no right to call them that." sabi ko.

"It's my opinion and not yours."

"Aba! Nakakapang-init ka ng ulo ha!"

"Lady," bigla ko naalala si Hana.

"Tara na nga Hana. Siya na nga itong nagnakaw ng halik, siya pang galit." sabi ko sa kanya.

Tumingin si Ken doll kay Hana at biglang nagbago ang expression niya. Mula galit naging maamo ang expression niya.

"Hana?" he said with that tone of longing free of arrogance annd hate.

"Wait Lady, I know him."

"Huh?" Teka anong development toh? I feel so out of place my friend!

"He's my ex..."

BOOM

Naglabasan ang mga tao sa sinehan. Nagtatakbuhan ang lahat. Natangay si Hana ng mga taong papalabas, samantalang ako ayun naipit sa isang gilid. Hindi ako makahinga. Nakakabingi ang mga sigawan ng mga tao.Hindi talaga ako makakilos kapag maraming tao. Sumisikip ang paligid at ayoko ng masikip.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko. Napaupo na lang ako.

Poof!

"Yung narinig mo kanina? tunog yun ng puso mong sumabog dahil nalaman mong ex siya ng Ken Doll mo." sabi ni Red.

Poof!

"Baliw ka talaga. wag ka makinig sa kanya may kung anong sumabog sa loob. tumayo ka na Lady." sabi ni Whitey.

"Hindi ako makatayo, nahihirapan ako." sabi ko sa kanila.

"Bilisan mo! baka may sumabog pa!" sabi ni Red.

Sinubukan nila akong hilahin patayo. nakita kong namumula na si Whitey at nagiging violet na si Red. Pero anong magagawa nila? Isa lamang silang bahagi ng imahinasyon ko.

Sinubukan kong itaas ang aking kamay at humanap ng makakapitan.

"Go Lady go!" pag chi-cheer nilang dalawa sakin. "OHHHHH!!!!"

Sa pagkapa ko ay may nahawakan akong malambot at mainit. Hinila ako patayo at inalalayan ako.

"C'mon" sabi ng isang lalake.

Hindi ko makita kung sino yung tumutulong sa akin. Medyo umiikot ang paligid ko dahil nagpapanic attack ako.

Nung nadala niya ako sa may parking lot ay medyo nahimasmasan na ako.

"Oh, okay ka na?"

SH*T NA MALAGKIT! "IKAW?"


My Heart is LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon