Ano ang diniscuss niyo sa World Literature?
Ang Hiroshima ay matatagpuan sa isla ng Honshu ng bansang Hapon. Yan lang ang natatandaan ko sa lecture namin kahapon sa World Literature na di ako na-bore.
Nagsimula ang discussion namin tungkol kay Leo Tolstoy, yung Russian novelist na nagsulat ng Anna Karenina. After nun, hindi ko na alam ang sanga-sangang pangyayari: napunta kami sa Nobel prize, napag-usapan ang dynamite, nakarating sa Hiroshima at nagtapos sa atomic bomb.
Yeah, atomic bomb or yung tinatawag din na little boy. Alam niyo ba ang history ni little boy at ng Hiroshima? Ikukwento ko sa paraang hindi kayo mabobore.
Ganito kasi yan. Anak siya ni Theory of relativity. Test tube baby lang siya, kaya lang medyo busy si Theory. Si Amerika ang tumulong sa kanyang maging buo. Dinevelop ang kanyang skills at siya ay naging malakas. Naging big brother na niya si Amerika at labs na labs niya ang kanyang kuya.
Samantala, may tatlong bagong salta sa kanilang neighborhood. Mga basagulero. Ang tawag sa kanila ay Axis Powers. Sila sina Germany, Italy at Japan.
Isang gabi habang tulog ang lahat. Biglang sumugod si Japan at sinira ang paboritong laruan ni Amerika, ang Pearl Harbor.
After four years, Revenge is my middle name ang drama ni Amerika. Lintik lang ang walang ganti.
Nalaman ni little boy ang gustong gawin nito kaya pinuntahan niya ang kaaway. Nadatnan nitong kasama si Hiroshima at Nagasaki, bodyguards ni Japan. Marami na ang natamong pasa at bugbog ni Japan, pero nanatili itong nakatayo habang kinakausap ni little boy.
"Imma kill the living Sh*t outta you, 'coz no one messes with mah brotha- you mothah-truckah" sumabog ang galit ni Little boy.
'BOOM'
Nagkaroon ng internal bleeding at multiple fractures si little boy, ayun babayu na sa kanya.
Samantala, naiwang sugatan si Japan. Nagkaradiation poisoning siya. Si Hiroshima at Nagasaki na-comatose at 50-50 ang buhay.
Matapos ng pangyayaring iyon ay natapos na ang pakikipagbasag ulo ng axis powers.
Lol. Ayan world lit. na world lit. yan. With a touch of my story telling. Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
My Heart is Late
RomansaLove, Pain, heartbreak ... Does time knows what he's doing?