CHAPTER 22: Elevator

4K 127 3
                                    


This is just a work of fiction. Lahat ng mga bagay na nakalagay ay kathang isip lamang.

Alam ko sinabi komg sabay ng MPMEH pero talagang maingay sa bahay na naliligaw yung isip ko. Anyways, gustuhin ko mang ituloy tuloy ang update dito kailangan ko pading unahin ang MPMEH dahil malapit nang matapos iyon at malapit na din ang anniversary nang tatlo kong story 😭

----

"How's the post?"

"Masyadong madami ang mga codes para makapasok sa website. Kung gagamitin namin ang madaling paraan maaaring ang sistema naman ng mga gamit ko ang mawasak nila."

"It's okay, Worried lang ako kasi patuloy na dumadami ang nagkakainteres doon."

"I'll do my best but i can't promise. I'll call you once na nakapasok na ako sa system nila."

"Sige."

Bumuntong hininga ako't itinapon ang cellphone sa katabing upuan. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko. Handa akong mamatay pero hindi ako handang madamay ang mga anak ko dito.

Tumayo ako't nagtungong kitchen. Kailangan kong kumalma. Kumuha ako ng baso't nagsalin ng tubig. Uminom ako ng kaunti at inilipag iyon. Hinawakan ko ang noo ko, sumasakit ang ulo ko.

Nagulat ako ng may biglang yumakap saakin mula sa likod.

"You should rest. Ako nang bahala doon, don't stress yourself too much."

"You now I can't just let you do it. Kung kaya ko naman ako nalang ang gagawa, besides ang dami mo nang naitulong." Napangiti nalang ako ng hindi na siya umimik at hiniga nalang ang ulo sa balikat ko.

"How's your company?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya. I was expecting him to say Okay lang naman Or Ganun padin, nakakapagod. Kaso hindi, parang iniiwasan niyang sagutin ang tanong ko, may problema ba?

"I have a good news for you." Nilingon ko ang mukha niya sa balikat ko.

"Ano naman yun?" Nagtataka kong usal. Binitawan niya ako at ipinaharap sakaniya.

"Alam kona kung asan ang Dad mo."

"Jino-joke mo lang ata ako Astrion."

Natawa siya saka niyakap nanaman ako. Wala naman kaming label, pero ganito siya saakin at ganito din ako sakaniya at may pa sobra pa, May anak na.

"No I'm not joking."

"Tell me, Alive or dead? Sabihin mo sakin ang totoo."

"He's alive and handling a company."

"Sigurado ka ba? Nang umalis si Dad lugi na ang companya namin tapos diba may utang siya sayo? Paano siya magkakaroon ng kompanya?" Paano nga? Miss ko na si Dad ang tagal na naming di nagkita, kinakabahan ako kung makikita ko siya.

"I don't know. Puntahin natin?"

"Sasamahan mo ako?" Gusto kong maiyak kasi andiyan siya, siya yung nakahanap kay Dad. I thought my Dad died years ago, pero siguro guni guni ko lang iyon. Sino ba namang magiisip na buhay pa ang isang tao kung di mo na nakikita at nakakausap ng ilang taon? Syempre iisipin mong patay na ito.

"Of course." Napayakap ako sakaniya ng mahigpit. I am thankful, very much thankful.

"Thank you." Ngumiti nalang siya at inalalayan akong tumayo kahit kaya ko naman.

"I'll call my friend so that he can take care the twins while we are away."

"Nako 'wag na. May security naman sa bahay na'to, nagtitiwala ako sakanila." Hinawakan niya ang kamay ko, tinignan ko lang ito at tumulala doon.

My Billionaire Boss Is The Father Of My Twins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon