CHAPTER 20: He Came

4.4K 133 13
                                    

Chapter 20:
He Came

Umuulan.

*Kringgg* kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag ko saka tinignan ang tumatawag. Sinagot ko ito agad ng mabasa ang pangalan ng pinsan ko.

["Hello Grendel?!"]

"Bakit?"

["Umuwi kana kaya? Kawawa ang mga anak mo dito. Mukhang may bagyo pang paparating."]

"Bakit, anong nangyayari?" Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi. Kung uuwi ako agad ay babawasan ang sahod na matatanggap ko.

"Hindi ko alam na takot pala ang mga anak mo sa kulog. Kaya kanina ng kumulog ay umiyak hinahanap ka," Sasagot na sana ako ng magsalita din siya agad. "Atsaka may lalaki ditong kanina pa kayo hinahanap."

Lalaki?

Bigla akong kinabahan pero may parte saakin na umaasang baka siya nayun.

Pero imposible! Kung talagang gusto niya kamin-- ang mga anak kong makasama dapat pagkaalis namin ay sinundan na kami.

Bakit tatagal pa ng limang buwan? Aaminin kong umaasa ako kaya nga't hindi padin kami bumabalik ng maynila. Kinakabahan ako ngayon.

Sa dami ng naghahanap saakin at naghahangad na makuha ang perang nilagay ng myembro ng Red Dragon ay may posibilidad na isa sa mga gangs ang naghahanap saakin.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa pinsan ko.

Please hide my kids somewhere. Papunta na ako.

Bagamat may pagkalayo ang trabaho ko sa bahay ng pinsan ko ay alam kong matatagalan ako.

Sana walang mangyaring masama sa mga anak ko.

Malakas ang ulan at kumukulog pa. Naaalala ko kung paano sumiksik saakin ang mga anak ko sa twing umuulan dahil natatakot sila kasi bigla nalang kukulog.

Sh!t!

"Siya yun diba?" Tinignan ko ang driver ng tricycle na sinasakyan ko! Mukhang may nakakilala pa saakin.

Hindi lang kasi ako nagiisa sa tricycle, sa loob nito ay andon ako kasama ang tatlong babaeng mukhang magkakaibigan at busy sa pagkwekwentuhan. Sa unahan ay ang driver at dalawa pang lalaki.

Sinuri ko ang kabuuan ng dalawang lalaki saka ko lang napagtanto amg tattoo nila sa braso. Fvck! Hunter member!

Hindi ako nagkakamali nasa pahamak ang mga anak ko!

"Hinto." Saad ng lalaking nakatalikod padin kahit na alam niyang andito ako. Paano ako natuntun ng mga kasapi ng Hunters? Fvck! Fvck! Fvck!

Unti unti nang humihinto ang tricycle. Wala dapat akont aksayahing panahon. Kailangan ko mona ngayong tumakas.

Mabilis akong tumalon kahit na umaandar pa ng kaunti ang tricycle. Kinuha ko ang baril na matagal nang nakatago sa bag ko limitado lang ang bala nito kaya kailangan kong mag tipid ng tira ko.

Tumatakbo ako ng madinig ko ang halakhak ng isa sa kanilang dalawa.

"Wala ka naman nang takas. Hayaan mo siyang makataks Danny. Ilang kilometro lang ay nakabantay na ang mga kasapi ng groupo natin para salubungin siya."

My Billionaire Boss Is The Father Of My Twins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon