CHAPTER 25: Surprise

3.3K 92 2
                                    

"Tapos na naman ang araw mo ngayon. Pwede kanang umalis at bumalik ka nalang bukas para masimulan mo na ang pagtuturo sa kambal." Nakacross ang mga braso ko habang tinitignan silang dalawa. They look like a couple na bawal malaman ng pamilya na magkarelasyon sila o di kaya'y may relasyon sila. Ngumiti iyong babae at humalik sa pisngi ni Astrion. Pinipikon ba ako ng babaeng ito?

Nang makitang nakaalis na ang kotse nung babae ay siya namang pagpasok ni Astrion sa bahay na para bang hindi ako nakita. Andito nanaman kami sa ganitong sitwasyon. As much as possible ayaw ko ang ganitong sitwasyon at makahalata ang mga bata at baka gayahin kami.

"Astrion!" Hindi na'ko makapagpigil. Bukod sa naiinis ako dahil sa pakikipaglandian niya sa babaeng iyon ay naiinis ako dahil hindi niya ako pinapansin. Kung tungkol ito sa nadinig niya. . . Edi wala akong masasabi. Kasi lahat naman na sinabi ko sa Kambal ay totoo. Ayaw ko monang sabihin kasi di ko pa tanggap. Di ko tanggap kahit na alam ko na ang sitwasyon at ang side ng daddy ko pero hindi padin tanggap ng puso at isip ko lahat. 


"Astrion!" Tawag ko nanaman sakaniya. Pero mabibilis lang siyang naglakad paakyat. Bumuntong hininga nalang ako at hindi na siya sinundan pa. Nagulat ako ng nilapitan ako ng kambal na nasa sala lang pala at siguro'y nadinig ang pagtawag ko sa pangalan ni Astrion. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Nag away kayo, Mommy? Siguro dahil iyon sa babaeng may big boobs." Hindi tanong ang sinabi niyang dahilan. Hinawakan ni Aera ang kamay ko at hinila ako papuntang sala.

"Mommy, Haven't you noticed something weird on that big boobs lady?"

"Stop calling her that, Aera. Its bad." Sumimangot siya sa sinabi ko pero tumango din kalaunan ang kaso nagsalita na naman siya ng dahilan niya.

"True naman, Mommy. At kahit hindi mo po sabihin i know naman na dahil sakaniya kaya kayo nag aaway eh." Gusto kong sabihing no, baby. Its not because of her. Kaso wala na akong magagawa kundi ang manahimik nalang para hindi na masyadong mahalata.



"Mom?" Si Dave naman ang nilingon ko na may hawak ng pouch. Sa desinyo palang ng pouch ay alam na agad kung kanino ito. Agad ko itong kinuha sa kamay ni Dave ng mapansing nag iba ang kulay ng mukha niya. Para bang may nakapa siyang kung ano sa pouch.

"Mom!" Sabay na sigaw ng dalawa ng walang pag aalinlangan ko itong binuksan pero agad ding nailayo sa tingin ng mga bata ng mapagtanto ang laman nito.

"Is that a gun?" Walang takot na sinabi ni Aera. Para bang sanay na siya sa nakikita. Samantalang ang kakambal niya ay ang kaninang namumutla ay napalitan ng gulat. Siguro'y sa isip niya'y tama ang kaniyang hinala.


"Tapos na kayong kumain? Go back to your room." Utos ko sakanila. Agad nagmaktol si Dave, aniya'y ngayon palang siya nakalabas ng kwarto ay papabalikin din agad siya.

"What are you going to do with that gun, Mom?" Napabuntong hininga nanaman ako dahil sa kalma at ni isang takot wala akong naramdaman sa emos'yon ng babae kong anak.

"Ae! Aren't you afraid?" Tinaasan ng kilay ni Aera ang kakambal.

"Why would i, D?"

"Tsk."

"Palibhasa kasi bakla ka. That's why even if that's only a gun you are afraid already. Paano pa kaya kung magka war between Philippines and other countries." Mataray na usal ni Aera. Napabuntong hininga pa ako dahil pati war na kanina ko pa iniisip din ay nabanggit ni Aera. Magsasalita pa sana si Dave pero agad ko ng inutos na bumalik na sila sa kwarto nila na agad naman na nilang sinunod.

Mas pinalawak ko pa ang pagbukas ng pouch. Aside to this gun wala ng ibng naroon. Parang pakiramdam ko tuloy ay alam ng babaeng iyon ang ginagawa niya at talagang sinadya niyang ipakita saakin o sa mga anak ko ang bagay na ito.

My Billionaire Boss Is The Father Of My Twins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon