CHAPTER 24: Tattoo

3.8K 106 3
                                    

"Hey, still worried?" Naramdaman ko agad ang yakap niya saakin mula likod. Nag aalala ako kasi hindi ko padin kilala ang taong gustong pumatay saakin. Nag aalala ako para sa mga anak ko ang babata pa nila ayaw kong makita nila ang lahat ng nangyayari saamin ng Daddy nila.

"Nag aalala lang ako." Saad ko at saka hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan ko. Lahat ng meron kami ay nakakatakot. Lahat ng lugar na pupuntahan namin nakakatakot. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa mga anak ko.

"You don't have to worry. You and the twins will be in the safe room if the war started."

"Why do you have to be in that war? Di hamak na mas madami sila kisa sainyo." Iniharap niya ako sakaniya at mas niyakap pa ng mas mahigpit. Totoong nag aalala ako pero hindi ko naman matatanggap na sila sila lang ang lalaban. May alam naman ako sa mga ganyan, magaling ako sa paghawak ng kutsilyo, baril at iba pa. Mostly, yung mga nakakalaban ko pinapatulog ko lang ayaw kong pumatay pero sanay na akong makakitang may pumapatay.

"I'm a part on your father's Organization. I'm a boss, kahit gaano sila karami mas magaling padin kami kesa sa kanila. Mas mabilis kami kesa sa kanila."

"Kahit na." Natawa nalang siya saakin pero masyado akong seryoso na hindi ko magawang sabayan ang tawa niya.

"Let's cook for the kids?" Ngumiti ako't mahinang tumango nalang. Wala na akong magagawa at hindi padin natatanggal sa isip ko ang sinabi ni Daddy saakin. It was not posted by Mia then who? Bumuntong hininga nanaman ako at sumunod nalang sakaniya.

"Should we let the kids go to school?" Ani niya habang busy ako sa paghihiwa. Ilang araw na ba ang lumipas? Hindi ko na matandaan pero nagagambala padin ako kaya't hindi ko nalang mona hinayaan ang kambal na pumasok sa skwelahan. Patuloy padin naman sila sa pag aaral. Minsa pumupunta dito ang Teacher nila at kung minsan nama'y online sila nag aaral.

Umiling ako, "Huwag na siguro mona. Gusto ko monang malaman kung sino yung nasa likod ng. . ."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Don't think about it already. Tapos na'yon. Ni wala na nga iyong webpage."

"Hindi naman ganon kadali i wala iyon sa isip ko. Syempre may mga anak tayo. Kung hahayaan natin silang pumasok baka bigla nalang sumugod yung hindi natin kilalang kalaban." Hindi na niya ako sinagot. Siguro'y ayaw na niyang pahabain pa ang pakikipagtalo.

"Ikaw nalang tumapos nito. Aakyat lang ako." Malakas kong itinulak iyong kutsilyo at agad na naglakad papalayo.

"Hey!" Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya. Siguro'y titignan ko nalang mona iyong mga bata at saka didiretso sa kwarto ko para mabawas bawasan naman ang pagkainit ng ulo ko'y maliligo mona ako.

Kinatok ko ang pinto ng kambal. Nadinig kong sumigaw si Aera na pumasok nalang kasi bukas naman. Binuksan ko ito't nakita si Aerang busy na naman sa binabasa niya.

"What are you reading, baby?" Hindi kasi ito educational book.

"I don't know, Mom." Kumibit balikat siya saakin at ipinakita ang harapan nito para malaman ko kung ano ang binabasa niya.

"Huwag mo na akong gulatin, Dave. Naramdaman ko na presensya mo." Agad na nadinig ko ang maktol ng lalaki kong anak. Sobrang nakakatuwa na sinusubukan niya nanaman akong gulatin kahit alam na niyang lagi kong nararamdaman ang presensya niya. Hindi ko man anraramdaman ang mga yapak niya dahil mukhang nagmana siya saamin ng Daddy niya ay hindi padin niya alam kung paano itago ang malakas niyang presensya.

"Did you two had a fight?" Nagtatakang usal ni Dave. Nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap. Umupo ako sa kama nilang dalawa pero nakayakap padin siya saakin. Matagal tagal na din ng huli kong nayakap ang dalawang ito. Siguro'y kailangan kong bumawi. Hinila ko si Aera na agad namang nagreklamo. Aniya'y hindi natiklop ang libro at hindi niya pa naman natandaan kung saang parte na siya ng kwento.

My Billionaire Boss Is The Father Of My Twins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon