Chapter 7

42 8 0
                                    


Hays nasan na ba yung file na yon?!

Kanina pa ako hanap ng hanap nung file ng SB19 dito sa office ko. Hindi ko alam kung saan ko maipatong dahil sa dami ng ginagawa ko. Pero sa kamalasmalasan naman nagpa tawag ng meeting ang mga head at kasama ako doon dahil SB19 ang pag me-meetingan.


Kailangan ko yung files na yon para mag take note ng mga iuutos ng heads for them.



Ayun! potek nasa may cabinet lang pala. Dali-dali kong kinuha yon at lumabas ng office ko. Sana hindi pa ako late sa meeting!



Pag dating ko sa may hall ay wala pa naman yung ibang head kaya naka hinga ako ng maluwag. Umupo ako doon sa upuan malapit kay Sir Rob at ngumiti sa iba pang nandoon.



Ilang minuto pa bago nakumpleto at nag simula. Panay lamang ang usap nila sa mga nag o-offer ng mga endorsements and projects sa SB19. As of now kasi ay sila talaga yung pinaka successful na talents mula sa company namin kaya ito talagang pinag tutuunan ng pansin.



Tahimik lang akong nakikinig at sumasagit kapag may tanong para sakin. Sulat lang ako ng sulat ng kaya lang ay napa tigil ako pag sa ginagawa ko at nag angat ng tingin.


"I think SB19 really needs personal assistant"  sabi nung isang head.


"Yes I agree, masyado na silang busy so they need it" pag sang ayon nung isa pang head.



"but they didn't want some, remember before? The last PA you hired for them resigned because of them" pag apila ko.




Totoo yon, hindi ko alam kung anong kalokohan ang ginawa nung lima para lang mag resign yung PA na yun. Ayaw din naman mag salita nung  babae kaya hinayaan nalang ng management. Tapos ito na naman sila sa PA thing na yan mukang di na sila nadala.




"If this PA resign again I will drop all the projects of SB19 for this year"


Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Sir Rob.


"we can't do that" pag kontra nung isa sa mga head na sinang ayunan ng lahat habang ako ay tahimik lang.



"just trust me, it will work" naka ngiting sabi ni Sir Rob.


Nakuha ko naman ang binabalak ni Sir Rob kaya napa ngiti ako. I think it will work too.



He's the CEO so he have the final word and no one can do anything about that.





Nang matapos mag meeting ay naiwan kaming dalawa ni Sir Rob dito sa may hall.


"I'll let you Ms. Hong to pick for their P.A." nag nod ako kay Sir as sagot.


"choose the best" pahuling sabi ni Sir bago umalis. Naiwan ako dito mag isa kaya inayos ko na lahat ng gamit ko.



Bumalik na ako sa office ko at nag simula mag print ng poster para sa hiring ng PA ng boys. Nag iintay ako na ma print yon ng biglang pumasok si Stell at naupo sa may upuan sa harap ng table ko.


"oh bakit ka nandito?" tanong ko.

"baka nakakalimutan mo na may final practice tayo today?" nasapo ako ang ulo ko sa sinabi niya.


Shit! bakit ko nalimutan yon?


"hala sorry! teka may kailangan pa ko tapusin" dali-dali kong pinirmahan yung mga papers sa table ko.


"Personal Assistant? para kanino?" napa taas ang tingin ko kay Stelk at nakita kong hawak na niya yung printed poster.


"ah para sa inyo, teka dadalhin ko pa pala yan sa baba" kukunin ko na sana sa kanya ng inilayo niya yon.


"ako na tapusin mo muna yan" sabi niya kaya tumango ako ay nagpa salamat.


"pasabi nga pala sa guard dito sa office ko papuntahin yung mag a-apply" bilin ko bago siya umalis.



Nang maka labas na siya ay itinuloy ko na ang lang pirma at inayos ang mga gamit sa table ko. Sakto pag balik niya ay tapos na ako sa ginagawa ako kaya nag yakag na ko sa studio.


Pag dating namin doon ay nag stretching muna kami.

"magkaka PA ulit kami?" tanong ni Stell.


"hmm yes, majority decision ng mga head" sagot ko.

"goodluck nalang sa kanila" tatawa-tawang sabi ni Stell kaya mas natawa ako.

"sa inyo goodluck" naka ngising sabi ko kaya napa tigil siya sa pag tawa at sa pag s-stretching. Akala mo ha hahahah.

"what do you mean?" tanong ni Stell pero kumibo lang ako na parang walang alam. Bigla akong nag alala doon sa poster na pinadala ko sa kanya kanina.


"Hoy! baka itinapon mo yung poster ah!"


"Grabe ka sakin! dinala ko don  tingnan mo pa!" sagot niya.

"good" naka ngiting sagot ko.

"napaka judgemental neto" maktol niya.

"naninigurado lang" naka ngiting sagit ko at nag simula na kaming mag practice.



Malinis na naman yung sayaw namin talagang kailangan lang namin masigurado na wala kaming nalilimutang steps dahil bukas na ang shoot nito.

May pagka hiphop yung sayaw kaya medyo nakaka pagod. Masyado kasing magalaw at napaka daming steps pero kaya naman.


Nang matapos kami mag practice ay kasama ko parin si Stell pabalik ng office ko. Humilata lang siya doon sa may sofa set at ako naman ay doon sa may table ko.


"Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.


"patambay muna" sabi niya kaya napa ngiwi ako.

"Muka bang tambayan ang office ko?"

"anlakas ng aircon eh" napa iling nalang ako sa sagit niya. Para namang hindi naka aircon ang bahay nila. Eh kahit sala ay naka aircon sa bahay nila.


"Wala ka bang pagkain dyan?" tanong niya habang hihimas himas ng tyan.


"patambay ka na, pakain ka pa?" tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lang siya.


"dali na gutom na ko eh" nag pa cute effect pa siya.


"buksan mo yung pangalawang drawer may mga pagkain don" turo ko doon sa cabinet ko at wala pang limang segundo eh natalon na niya yung cabinet.

Basta talaga pagkain napaka galing.


Hinayaan ko nalang siya at nag check muna ako saglit ng social media accounts ko. Medyo matagal na din ako hindi nakakapag bukas dahil sobrang busy ko sa work this past few days.



Sobrang daming notifications and messages sakin. Nireplyan ko nalang yung mga firends ko and relatives at saka nag scroll sa newsfeed. Puro post lang yon ng picture ko at ni Stell na magka sama. Yung iba ay edit at yung iba ay totoong kuha namin. May nga naka lagay pa na kung ano-anong ship name gaya ng HongStell, HoTell, StellDie, at marami pang iba. Hays ito talagang mga batang ito.



Pinag masdan ko lang si Stell habang masayang nakain doon sa may sofa set. Tumingin siya sakin at inalok ng kinakain niya habang naka ngiti. Tumango nalang ako at ngumiti.



Bakit parang ang saya ko lagi kapag nasa paligid siya? Oo masaya naman ako sa buhay ko pero parang ibang saya yung naiidulot niya sakin.



Bakit?












A/N:  Sorry po sa late update huhu. You know the drill guys vote kayo para ganahan ako mag update mwah.

Thanks for reading, keep safe, lovelots♥

Secretly Inlove with the Idol (Idol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon