Chapter 15

32 6 0
                                    

Nang makarating ako sa bar ay andaming tao may mga nakikita  pa akong kakilala at ibang artista pero hindi sila ang pinunta ko dito. Doon agad ako sa may counter pumunta at lumapit doon sa may bartender.


"Ikaw ba yung tumawag sakin?" I asked him.

"Ms. Addie?"

"Yes it's me" agad na sagot ko.


"Lasing na po kasi si Sir eh kayo po ang nasa last history call niya kaya kayo po ang tinawagan ko" pag e-explain niya ng nangyare.

"nasan siya?" I asked.

"sa taas po ma'am VIP room 3"


Buti naman at nag VIP room siya para walang maka kita sa kanya. Mamaya ay may press pala dito ay mahirap na. Umakyat ako doon sa may second floor kung saan tinuro nung bartender. Nasa may kanang bahagi yung room 3. Pag bukas ko ay nakita ko agad si Stell na tinutungga yung isang bote ng alak. Kelan pa natuto mag inom ang isang 'to? Naiiling nalang akong lumapit at umupo sa may tabi niya.


Nakuha ko naman ang atensyon niya at ibinaba niya yung bote.


" Addie nandyan ka pala!" halata sa pag sasalita niya na lasing na siya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang bote yung wala nang laman sa may table.


"Bakit ka nag iinom mag isa dito?" tanong ko at tumawa naman siya.


" Well... hindi lang naman napili yung bestfriend mo! hahaha" sabay inom ulit niya doon sa bote ng alak. Natigilan naman ako, tama nga yung hinala ko.


" ang saya diba?! hahaha" yung tawa niya ay unti_unting naging pag iyak. "a-ano bang kulang sakin?"  hinayaaan ko lang siya na mag salita pinag masdan ko lang siya habang nag lalabas ng sama ng loob.


"g-ginawa ko naman lahat eh! bakit hindi ako yung p-pinili niya? a-ang sakit!.. ang sakit dito!" sabay turo niya sa may kaliwang dibdib niya.


"walang kulang sayo Stell" lumingon siya sakin.


"pero bakit hindi ako?!" puno ng sakit yung tanong niya, umagos na ang luha sa mga mata niya.

"baka hindi lang talaga kayo yung para sa isa't isa" natawa naman siya. Teka may nakaka tawa ba sa sinabi ko?


Lumagok uli siya ng alak na parang uhaw na uhaw.


"nag mahal ka na ba Addie?" nagulat naman ako sa tanong niya.


Kung alam mo lang,  kung alam mo lang kung gano ako nasasaktan ngayon habang nakikita kang nasasaktan.

"I don't know"

Napa tawa nanaman siya.


"wag ka mag mamahal ng maling tao dahil sobrang sakit" dumaloy na naman ang luh sa mga mata niya ng sabihi niya iyon.


Alam ko, alam kong masakit.


Ini tungo niya ang ulo niya sa may table, inaantay kong mag salita ulit siya pero hindi niya ginawa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya pero hindi siya nag react. 

Tulog naba siya? Naiiling nalang ako at sinubukan siya itayo pero masyado siyang mabigat. Hindi ko siya maiilabas ng bar na ito ng ako lang mag isa. Teka ano bang dapat kong gawin? Nag iisip ako ng may biglang pumasok na waiter.


"Uh mam kukunin ko lang po yung mga bottles" tiningnan ko naman siya ng at bigla akong napa ngiti sa naisip ko. Mukhang natatakot at nag tataka naman siya sa tingin ko.


Secretly Inlove with the Idol (Idol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon