Chapter 18

35 3 0
                                    

Addie's  Pov

It's my rest day, mag hapon lang ako  sa bahay. I spent my rest day cleaning my  apartment masyado akong naging busy lately kaya hindi ko na nalilinis ang apartment ko. Nag va-vacuum ako sa may sala ng may kumatok sa may pinto.


Baka yan na yung pina deliever ko na pagkain. Nag order nalang kasi ako dahil wala na akong lakas mag luto. Pagod na ko sa pag lilinis maghapon.

Pinunasan ko muna ang pawis ko bago ko buksan ang pinto.

"Hi!" gulat ko siyang tiningnan.

"ginagawa mo dito?" tanong ko.

"sabi  mo pwede dito? haha welcome sakin!" sabay pasok niya ng bahay ko na may bitbit na plasstic bag na puno ng beer.


"Hoy Stell! Bakit dika tumawag na pupunta ka pala?!" tanong ko at saka isinara yung pinto.


"bakit may kasama ka ba dito? kailangan ko pa pala tumawag?" tanong niya at umiling naman ako. Sinundan ko siya na papunta sa may kitchen.


Binuksan niya yung ref at saka ipinag lalagay yung beer na dala niya.

"pano kung wala ako dito aber" naka pamaywang na tanong ko sa kanya.

"edi pengeng key duplicate" naka ngiting aniya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Napaka kapal naman ng mukha Ajero" naka ngiwing saad ko.

"walang manipis na mukha Addie" natatawang sagot niya.

Biglang may kumatok na naman na agad ikinatingin ni Stell sakin. Bakit ganito maka tingin ang isang 'to?

"may bisita ka?" kunot noong tanong niya.

"wala.. baka yan yung order ko" sagot ko at saka nag punta sa may pinto.

Pagka kuha ko nung order ko ay dinala ko yon sa kusina at inihain, buti nalang at medyo madami ang naorder ko dahil paniguradong hindi pwedeng makiki kain na naman ang isang to.


"bakit umorder ka pa? ang tamad mo naman mag luluto lang eh" sabi ni Stell habang patuloy sa pag subo nung kanin at ulam.

Naka simangot ko siyang tiningnan. Kakain na nga lang manlalait pa, ajero lang talaga makapal ang mukha tss.

"Nag linis ako mag hapon ng bahay okay? kaya manahimik ka nalang at kumain dyan kundi sisingilin kita"


"sabi ko nga tatahimik na ko" napa iling nalang ako at hindi  na siya ulit nag salita. Takot talaga sa salitang 'bayad' ang isang 'to hahaha.


After namin kumain ay naligo na muna ako, amoy pawis na ko malamang  dahil sa  maghapong pag lilinis. Malapit na mag dilim kaya binilisan ko lang ang paliligo.


Nang matapos ako ay nag suot lang ako ng pambahay saka lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si Stell sa may sala, naka upo sa sahig at naka sandal sa may sofa nanonood siya ng tv habang umiinom ng beer. Tumabi ako sa kanya at kumuha ng isang beer doon sa nasa ibabaw ng coffee table. Kokontra pa sana siya pero pinutol ko na agad.

"wag ka madamot baka palayasin kita dito sa  bahay ko" banta ko kaya sinimangutan niya ako at ibinalikang paningin sa tv.


Tiningnan ko kung anong pinapanood niya. One More Chance? Napa lingon ako sa kanya at seryoso lang siyang nanonood. Di naman siya broken ano?



Pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niya at akoy ay uminom nalang. Nanood nalang din ako nung movie, nang nasa may bandang drama na ay bigla nalang akong may narinig na nasinghot. Tiningnan ko ang katabi ko at ayon! naiyak ang loko.

Todo singhot siya habang naka tingin sa tv na ikina ngiwi ko. Kakaiba din naman ang isang 'to.

"hoy bat ka umiiyak dyan?" tanong ko.

"shut up Addie *sniff*" sabi niya at di na ko pinansin.

Na  shut up pa nga yung may ari ng bahay napaka galing tsk.


Hanngang sa matapos yung movie ay panay padin ang singhot at hikbi niya. Hindi  ko alam kung dahil pa ba yon sa movie o dahil broken hearted siya tss.

Lasing na ba ang isang 'to?


"Hoy Stell! ano lasing ka na ba? nakaka ilang beer ka palang ah!" sabi ko, tumayo ako para kumuha ng tubig.

"muka ba kong lasing?" balik na tanong niya.

"gusto mo talaga sagutin ko yan?" pinanlakihan ko siya ng mata saka dumeretso sa may kusina.

Nang maka balik ako sa may sala ay naka upo na siya doon sa sofa. Inabutan ko siya ng tubig saka ako naupo doon sa may maliit na sofa sa gilid niya.


"pa overnight muna" napa lingon ako kay Stell ng sabihin niya yon.

"kelan ka ba magiging okay?" tanong ko. Ngumisi naman siya at bahagyang tumungo habang magka saklop ang dalawa niyang kamay.

"hindi ko din alam" halos pabulong na aniya. Kitang kita ko ang sakit sa kanya, halos hindi ko na makita yung dating Stell na masayahin at masigla na Stell.

Mag biro man siya o tumawa nitong nakaraan ay alam kong peke lang iyon. Knowing him, pinaka ayaw niya yung nakikita siya ng ibang tao na mahina.


Sa loob ng ilang taon na pagiging mag kaibigan namin alam na alam ko na halos lahat ng bagay tungkol sa kanya. Alam ko kung masaya siya, galit, o malungkot. Buti nalang sinasabi at pinapakita niya sakin yung totoong nararamdaman niya, atleast may napapag sabihan siya ng mga problema niya. Madami kasing tao na kapag hindi naiilabas lahat ng nararamdaman nila ay bigla nalang silang sumasabog at masisira.


Saglit kaming natahimik, tumayo ako at lumipat sa tabi niya. I pat his back... "let out what you're feeling. I'm just here to  listen"

Unti-unting gumalaw ng sunod-sunod ang balikat niya then I hear his sobs. He's crying, again. I just let him to cry until  he wants. Nang medyo kumalma na siya ay tumunghay na ulit siya at naka ngiting tumingin sakin. Sobrang pula ng mata at ilong niya dahil sa pag iyak.

"thank you, thank you Addie" 


"wala yon ano ka ba! anytime" nginitian ko sin siya. "oh dyan ka na may pasok pa ko bukas, bibigyan nalang kita ng unan at kumot"

Tumango siya at pumunta na ako ng kwarto ko, kumuha ako ng dalawang unan at isang kumot doon sa may closet. Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko si Stell na parang inaalam pa kung paano ang gagawin niyang pwesto sa pag higa doon sa may sofa.


"ito na yung kumot ay unan mo" iniabot ko sa kanya yon.

"salamat, good night Addie"


"good night Ajero, sleepwell"

Secretly Inlove with the Idol (Idol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon