Narito

30 13 1
                                    


Batid kong hindi maibabalik yaring nakaraan
Tanawin ko man at abutin itong kalawakan
Batid kong kahit ang mga bituwin sa kanilang tahanan
Hindi makagagawa ng paraan upang ako'y mapagbigyan

Sa tuwing ako ay susulat sa hangin
Luha ang siyang nagtitinta nitong panalangin
Sa daan-daang tula na aking ibinaon sa buhangin
Nag-iisa lamang ang tukoy ng nilalamang hangarin

Narito ako
Nakadungaw at naghihintay sa'yo
Sa pagbalik mo mula sa kaniyang mga bisig
Narito ako, batid ma'y hindi na ako ang nais mong himig

Narito ako
Luha ma'y umagos ay totoo
Tunay nga't sana'y makita mo
Mahal ko, narito pa rin ako

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now