Y a r i n g L a r o

36 17 3
                                    


Ikinukubli ang katotohanan sa isang biro

Tanggap kahit katapusan ay tunay nang mabibigo

Wari'y purong ilusyon na sa pagdating ng oras siyang maglalaho

Panaginip, pantasyang ikaw nga ang laging nasa isip at puso

Ngunit anong pang magagawa kung tadhana na nga mismo

Bituwin, kalawakan, isama mo na si Kupido

Sila mismo ang naglapit, at siya ring maglalayo

Siyang maglalaan ng 'sang pag-ibig na mapaglaro

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now