Chapter VI

10 2 0
                                    

Lumabas kami ng court ni gab paglabas namin ng court bigla ko siyang sinapak sa galet mainitin ang ulo ko.
"Ano bang problema mo!?" Tanong ni gab na hindi pumalag sa pagkakasapak ko nakahawak siya sa ibabang labi niya na nagsusugat na
"Gusto mo ba si margaux!?" Pasigaw kong sabi
"Tol ano ba yan mag aaway kayo ng dahil lang sa babae" sabi ni kyle
"Manahimik ka wala kang alam!!" Sigaw ko
"Ano tol gusto mo ba si margaux sumagot ka!!!" Ewan ko ba pero gusto kong malaman ayaw ko ng May nagkakagusto sa gusto ko ang akin ay akin lang
"Bakit? Gusto mo ba siya!? O gusto mo lang angkinin para saktan!?" Tanong niya pabalik
"Wala kang pake sagutin mo yung tanong ko!"
"Kilala kita damon paglalaruan mo din siya tulad ng ginawa mo sa iba pang mga babae"
"Wala kang alam sa nararamdaman ko" sabay alis di ko na alam ang gagawin ko Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko kay margaux hindi ko siya pwedeng mahalin ayaw kong magmahal.

Gab's POV
Ang laki ng pinagbago ni Damon hindi naman siya ganun dati.
"Ayos ka lang ba tol?" Tanong ni kiro
"Oo naman"
"Teka gusto mo ba talaga si margaux?" Ani jez
"Oo nga kilala naman natin si damon ayaw nya ng may kaagaw sa babae" kyle
"It's none of your business pero bakit ang laki ng pinagbago ni damon simula ng dumating si margaux?" Ani gab
"Oo nga napansin ko din di naman siya ganun dati" kyle
"Dati halos araw araw iba ibang babae ang kasama niya pero ngayon wala na siyang ibang bukambibig kundi si margaux"
"Sa tingin ko di niya lang basta gusto si margaux" ani gab
"HAHAHA sana naman maging matino siya para kay margaux" kyle
"Tara na tol gabi na balik na ko sa dorm" ani kyle
"Gab sabay na tayo gamutin natin yang sugat mo" kiro
"Nga pala jez bantayan mo yang kilos ni damon tutal ikaw ang kasama niya sa kwarto" ani gab
"Oo sige ako ng bahala ingat kayo" ani jez

Damon's POV
Nandito ako ngayon sa Rooftop ng Main building ng school nakaupo habang tulala ano bang meron kay margaux at nahulog ako sa kanya di siya maganda di siya maputi hindi makinis ang mukha niya pero bakit ang lakas ng dating niya saken? Habang malalim ang iniisip ko may napansin akong babae sa di kalayuan nandito din siya sa rooftop ng main building naka hoodie siya habang nakahiga
Tinitignan ko siya ng maigi at tama nga ako si margaux nga iyon dahan dahan na sana akong bababa para di niya ko mapansin ng bigla siyang nagsalita
"May problema ka rin ba?"
"Wala naman ikaw kanina ka pa ba nandiyan?" Tanong ko
"Oo madalas akong pumunta dito simula bata pa ko"
Lumapit ako kay margaux tumabi ako sa pagkaka higa niya nakatingin siya sa mga bituin
"Simula bata ako lagi akong pumupunta dito para tignan ang mga bituin"
"Ano naman di ko tinatanong" saad ko pero nagpatuloy siya sa pag kwento
"I admire God's creation I love astronomy,nature and humanity malaki ang tiwala ko kay God sa totoo lang Idol ko siya kasi isipin mo sa dami dami ng tao sa mundo lahat yun nagawan niya ng magandang story"
Patuloy niya napatingin ako sa kanya habang patuloy lang siyang nakatingin sa langit
"Naniniwala ka ba sa reincarnation?"
Tanong niya saka tumingin sa kin di ko mapigilan ang puso ko ang lakas ng kabog nito
"Oo naman"
"Sabi nila yung tao pwedeng ma reincarnate ng tatlong beses sana pangalawang buhay ko pa to para may pagkakataon pa kong magmahal ng hindi nasasaktan" nagtaka ako sa sinabe niya
"Normal lang naman na masaktan ka pag nagmahal ka" saad ko
"Yun yung point ko hindi ako pwedeng magmahal kasi hindi pwedeng masaktan ng sobra ang puso ko"
"Edi maghanap ka ng lalakeng mamahalin ka at hindi ka sasaktan"

"Walang ganun damon ang pag ibig ay pagpapakasakit at pagsasakripisyo pag nagmahal ka masasaktan ka kahit na mahal nyo pa Ang isa't isa magulo ang pag ibig damon napakagulo"

"May tanong ako sayo" saad ko
"Ano yon!?"
"Bakit wala ka man lang kaibigan?"
"Kasi ayaw kong magmahal"
"Ano kinalaman ng pagmamahal sa kaibigan?"
"Baliw ka ba? Normal na pag may kaibigan ka mamahalin mo siya"
"Ano nga bakit ba takot kang magmahal?"
"Kasi nga ayaw kong masaktan at makasakit pag nawala ako sa mundong to ayaw kong may maiwan akong mga taong nagmamahal saken bukod sa pamilya ko tama na saken na pamilya ko lang ang maiiwan ko pag namatay ako"
"Patay agad ang bata bata pa natin yan na agad nasa isip mo excited ka sigurong mamatay"
"Wala kang alam damon at wag mo na ring alamin" saad niya na ipinagtaka ko ang weird talaga niya.

"Ahmm Margs pwede favor!?"
"Ayaw ko nga busy ako"
"Sigee naaaa pleaseee" pagmamakaawa ko
"Ano ba iyon?"
"Diba mahilig ka sa astronomy pwedeng tulungan mo ko sa project ko? Isang linggo na lang natitira e"
"Sige sa linggo na natin simulan may gagawin pa tayo sa sabado tyaka may pasok pa bukas"
"Sige salamat matulungin ka rin pala akala ko kasi pumapatay ka ng tao e"

Mahigit dalawang oras din kaming nakahiga lang ni margaux habang nagkekwentuhan napapalapit na ko sa kanya sana nga maging close pa kami.

Kinabukasan pagpasok ko ay nauna na si margaux
"Hi margs" bati ko di man lang siya umimik
Maya maya may lumapit sa king babae
"Hi dame tikman mo niluto ko to para sayo" sabay abot ng kutsara at baunan
"No thanks kainin mo na lang yan tutal ikaw ang nagluto" saad ko sabay tingin kay margaux
"Please gusto ko lang naman na tikman mo e"
Napatingin sakin si margaux na sumisenyas na tikman ko kaya tinikman ko na lang
"Anoo masarap ba!!!?" Saad ni danica na classmate namin
"Ahmm oo ang galing mo magluto" sabay ngiti ng pilit my gosh nakikipag plastikan ako sa babae.
"Thank youu dame kaya crush kita e" namumulang sabi ni danica
Pagtingin ko kay margaux ay tinatawanan ako na para bang nang aasar tskk

Pagtapos ng klase ay nag meeting na kami at ayos na ang lahat bukas ay sisimulan na namin ang PROJECT TULONG SULONG..

#jai_wieee

Love in PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon